Kabanata 27: Bisperas ng Pista

2.8K 11 0
                                    

Nang sumapit ang ikasampu ng Nobyembre, ang bisperas ng pista, labis naghanda ang mga tao; pinalamutian nila ang kani-kanilang mga bahay, lansangan, simbahan, sabungan, at bukid. Malakas ang tugtugan at napakagulo at abalang-abala ang lahat. Nais nang bawat isa na maging presentable at kaaya-aya ang kani-kanilang mga tahanan para sa mga bisita (kilala man o hindi), mga dadating na dayuhan, upang pasiyahan ang mga ito. 

May nagpamalagi mula Maynila at may dala pang mga alak na nanggaling pa sa Europa. Talagang pinaggugulan ng mga mamamayan ang paghahanda sa kanilang hapag sapagkat punong-puno ito ng mga iba't ibang putahe't prutas na pinalamutian pa ng mga rosas at bulaklak. Masuring nilinis ng mga tao ang kani-kanilang tahanan; makintab at maaliwalas para sa ikalulugod ng mga taong bibisita't magdiriwang. 

Sa plasa itinayo ang magiging entablado ng mga magpapalabas ng komedya ng Tondo, mga aawit at sasayaw. Pinili ng gobernadorsilyo, at siyang sinang-ayunan ng Kura ang ipapalabas na komedyang Ang Prinisipe Villardo o Mga-Pakong Binunot sa Karumal-dumal na Yungib. Maya't maya may maririnig na putukan, batingaw, at mga orkestra sa abalang-abalang San Diego. Pumasok na sa bayan ang mga bandang nagmamartsa, maging ang mga mahahalagang tao na nagmula pa sa iba't ibang dako; nandyan ang alferez, si Kapitan Tiago, Kapitan Joaquin, at Carlos Intsik. Pinag-usapan din ng mga tao ang pagdating ni Padre Damaso at ang naging balita ay siya ang magmimisa sa umaga ng pista. Dumating din ang mga tagabundok at mga magsasaka, suot ang kanilang pinakamagarang damit, dala ang kanilang pinakamahusay na ani't hayop upang ihandog sa kanilang mga amo.

Sa kabilang banda, sinisimulan na ng mga tao ang pagpapatayo ng paaralan ni Ibarra. Pinamunuan ito ni Nyor Juan na siya ding arktitekto, kantero, kapintero, tagapahid ng pader, serahero, pintor, tagatibag ng bato at paminsan-minsang eskultor. Labis na pinaghandaan ang paaralan; maganda ang mga plinanong pasilidad na hango pa sa mga paaralan ng Europa. Nakihiwalay din ang mga babae at lalaki sa paaralan. 

Maraming mga lalaki, maging humigit-kumulang mga tatlumpung bata, ang tumulong sa pagbuo ng paaralan; may kani-kanilang kontribusyon din ang mga ama ng mga bata. Maging ang kura ay kasama sa pagbuo nito sapagkat siya mismo ang magbabasbas ng unang batong ihuhulog sa idaraos na seremonya sa huling araw ng pista. Pumedido rin si Ibarra ng mga ilang kagamitan sa Maynila upang magamit sa paaralan. Hinangaan si Ibarra ng mga kabataan; ginaya ang mga maliliit na kilos nito't maging ang bilang ng kanyang suot na butones. Waring nagkamali si Tandang Tasio sa kanyang pangitain ngunit, kahit ikinalugod ni Ibarra ito at ng matanda, sinabihan ng pilosopong pesimista ang binata na alalahanin ang niwika ni Baltazar tungkol sa mga taong maaaring maging kaaway na wari sa una ay sumalubong sa iyo na may buong ligaya't giliw.

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now