Chapter 23

140 8 2
                                    

Devon

"Are youd ready? "

Tanong ko kay Krissha habang nag aayus kami ng gamit. Katatapos lang ng last subject namin at naghahanda na para mag punta na kina Jimin. Kanina pa nga text ng text kung saan na kami alam nya naman na 5pm ang last namin.

"Sa parking na daw maghihintay ang boys para iwas gulo na din sa ibang fans... "

Sabi ni Chiena habang hawak ang phone nya. Tiningnan ko din ang phone ko at may text din si Mark na dun nalang nga sila maghihintay. Tumango kami ni Krissha bilang sagut at lumabas na sa room.

"Akala ata nila pupunta dito ang pito"

Bulong ni Krissha samin ni Chiena. Madami kasing fans ang nasa hall way at nag hihintay sa pito. May iba pa ngang may dalang gift, letter at flowers. Ganyan sila ka adik sa GOT7. Pero bigo sila ngayun dahil hindi nila masisilayan ang pito.

Ng makarating kami ng parking agad akung sinalubong ni Mark ng yakap ganun din si Jackson kay Chiena habang si Krissha naman ay dumiretso sa kotse nya. Oo kotse niya. Ipinahatid nya sa driver nila kanina dahil alam nya daw na pagtitripan nanaman namin sila ni Jinyoung at naiinis daw sya.

"Kaya pala familiar ang car eh.. Kay Krissha noona pala... "

Kumento ni Youngjae. Napatingin sa amin ang ibang boys nag hahanap ata ng explanation pero kipit balikat lang ang sagut namin ni Chienna. Ng walang makuhang sagut ay nag sisakayan na kami. Kaya he'to nakikisakay nanaman kami kay Chiena at si Jackson ang nag drive. Sila JB naman ay sa service mismo nila.

"Wow... Dumadamoves ang manok ko oh... Kay Krissha nakisakay... "

Napatanaw kami sa gawi ng tinitingnan ni Jackson. At oo nga dun sumakay kay Krissha si Jinyoung at feeling ko nag aaway ang dalawa dahil na din na parang hinahampas ni Krissha si Jinyoung na panay iwas.

"The more you hate the more you love! "

Nangingiting sabi ni Mark. Na iling nalang ako. Napaka talaga nitong ni Krissha.

"Tara na at kanina pa tayo hinihintay nila tita.. Susunod din ang mga yan.. "

Aya ko sa kanila. Kaya pinaandar na ni Jackson ang kotse at umalis na kami ng school habang nakasumod ang service nila JB.

Parang masarap magkakotse. Para anytime na may pupuntahan ako eh di ko na kailangang mag commute. Or pag may mga lakad kaming ganito eh di na kami makikisakay kina Chiena. Nakakahiya na din kasi eh. May car naman kami kaso for government use only. Humingi kaya ako kay Daddy ng car para igrounded ako ng mga 5 years lang naman.

"Lalim ng iniisip baby ah? Any problem? "

Napakibut ako ng bumulong si Mark. Lumalim pala iniisip ko dahil lang sa kotse? Hay naku! Bakit bah iba iniisip ko eh andito sa tabi ko ang boyfriend ko. Dapat sulitin ko ang mga araw at oras na magkasama kami dahil di kami pareho ng ibang couple na pwedeng araw araw magkita o magkasama.

"Wala... Just thinking of having a car.. Pero maybe not now... "

Sagut ko sa kanya sabay ngiti. Hinawakan nya ang kamay ko at dinala ito sa mga labi nya at hinalikan. Kinikilig ako oo syempre. Ito yung isa sa mga nagugustohan ko kay Mark. Yung bigla bigla nalang nagiging sweet kahit may kasama kami na wala din namang pake dahil may sariling mundo ang dalawa.

"How is your day, by the way? "

Tanong ko sa kanya. Dinala ko ang kanang kamay ko sa kaliwang pisngi nya at dahan dahang hinihimas ito. Medjo nakasanayan ko na itong gawin sa kanya. Ang hawakan ang mukha nya. Mula mata, ilong, noo pisngi at labi tila kinakabisa ng mga palad ko ang mukha ng mahal ko. I love touching his face and I can see na gusto nya ang ginagawa ko sa kanya. Habang sya naman ay nakasanayan na nyang isiksik ang mukha nya sa leeg ko habang  nasa bewang ko ang kanang kamay nya at nakahawak ang kaliwa sa isa kung kamay. Nung una di ako sanay pero ng maglaon ay hinahanap hanap ko na din.

My Celebrity HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon