Chapter 33

69 0 0
                                    

Cheena

Tahimik kami sa loob ng kotse kanina ng inihatid ko si Devon at Krissha kanikanilang bahay. Panay ang sulyap ko sa salamin ng aking kotse para makita si Devon sa back seat na umiiyak pa din. Gusto naming mag tanong ni Krissha pero alam naming wala kaming makukuhang sagut kaya hinayaan lang muna namin si Devon.

"Please Cheen tell me kung bakit umiiyak si Devon... Alam kung hindi lang iyun sa pagkamiss nya sa pamilya nya... "

Pagmamakaawa ni Mark. Andito sila ngayun sa condo ko. Kumpleto. Kanina ko pa sinasabi sa kanya na hindi namin alam ni Krissha na wala kaming alam pero ayaw nyang maniwala.

"Mark, nag aalala din naman kami sa kaibigan namin.. Pero hindi talaga namin alam kung bakit sya iyak ng iyak.. Wala kaming napag usapan kanina sa kotse dahil takot kaming mag tanong ni Krissha... "

"Sh*t naman kasi! Bakit ba ayaw nya akung kausapin!? Simula nung nakipaghiwalay sya ayaw na nya akung kausapin! "

Galit na galit na sigaw ni Mark. Kitang kita ko sa kanya ang pagud at pangungulila. Alam ko kung gaano nya kamahal ang kaibigan ko. Pinagbago sya ni Devon. Pinagbago in a good way.

"Bakit naman kasi ayaw mong sabihin kay Devon ang totoong dahilan nag pag samasama mo jan sa Sue na yan? Pinaparamdam mo naman kasi sa kanya na hindi mo sya mapagkakatiwalaan.. Ang dami nyo ng napagdaanan Mark ngayun pa ba magiging ganito? Kung gusto mong intindihin ka ng kaibigan ko.. Pwes ipaintindi mo sa kanya lahat! Hindi makitid utak ng kaibigan ko! "

Galit kung sermun sa kanya. Kay Sue naman kasi talaga ito nag simulang lahat eh. Simula nung nag kita sila ulit nagkasama nagkagulo gulo na sila ni Devon.

"Hindi naman kasi ganun ka dali Cheen.. Ayaw ni Sue ipaalam sa lahat ang pinagdadaanan nya ang pinagdaanan nya.. "

"So hahayaan mong masira ang relasyon nyo ni Devon ng dahil jan? Bakit Mark? Iba pa ba si Devon sayo? Akala ko ba nag susumikap ka para sa future nyong dalawa? Your planing to build a house para sa inyong dalawa diba? Ang dami dami mong plano para sa inyong dalawa pero ibang tao parin pala trato mo sa kaibigan ko! "

"Bakit hindi mo puntahan sa bahay nila Mark hyung? Ipaliwanag mo sa kanya lahat.. Sabihin mo sa kanya lahat ng gusto nyang malaman.. Deserve ni Devon noona malaman ang lahat... Wag mo syang igaya saming mga maknae na tingin nyong mga hyung namin na hindi pa namin kayang humadle ng sitwasyon o problema kaya tinatago nyo din sa amin ang mga ito... "

Napatingin kaming lahat sa sinabing iyun ni BamBam. Hindi sya nakatingin kay Mark habang sinasabi nya iyun pero ramdam ko ang hinanakita nya. Ang hinanakit nilang tatlo.

"Bam.. "

"Okay lang Jackson hyung.. Okay lang na hindi namin alam.. Kahit kay Devon noona nalang.. Ayaw naming nakikitang malungkot ang isa sa mga noona namin.. Ayaw naming nasasaktan sila.. "

Putol ni Yugyeom sa sasabihin sana ni Jackson na nasa tabi ko. Close na close kami sa mga maknae. Kahit nasa malayo sila araw-araw pa din namin silang nakakausap. Sa amin sila nag lalabas ng hinanakit, lungkot, kasiyahan at inis minsan sa mga hyung nila pag inaasar sila. Kaya hindi na ako mag tataka kung bakit ganito sila sa amin lalo na kay Devon. Mas matyaga kasi si Devon mag bigay ng advice sa tatlo kahit matitigas ang mga ulo.

"Alam naman namin yun BamBam, Youngjae at Yugyeom.. Pero sana alam nyo din kaya namin hind sinasabi sa inyo dahil ayaw namin kayung malungkot--'

"Ayaw nyo kaming malungkot? Pero gusto nyo kaming masaktan ganun? Jinyoung hyung ang tagal tagal na kasi nating magkakasama. Iisang dorm lang tayo pero feeling kasi namin hanggang ngayun wala kayong tiwala sa amin.. Alam naman namin sa hindi sa lahat ng oras palagi kaming masaya.. Gusto naming tumuling sa inyo pero hindi namin alam kung pano kasi wala kaming mga alam! Akala ko ba pamilya tayo? "

My Celebrity HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon