Chapter 5

17.6K 472 8
                                    

Zaya






Nakakainis muntik pa akong makabundol. Masyado kasing tanga tanga yung babaeng tumawid, biruin mo naka-earphone pa. Maganda sana siya kaso tanga-tanga lang tsk. May nabalitaan kasi akong nabangga dahil naka-earphone habang tumatawid. Tsk. Idiots. Nagmamadali pa naman ako dahil birthday ng pinsan ko at ibibigay ko yung regalo ko sa kanya, hindi naman kasi ako magtatagal sa birthday party niya dahil hindi ako mahilig sa mga party at tsaka dadalaw ako sa puntod ni Natasha. Birthday niya ngayon, kabirthday niya yung pinsan ko. Balak kong doon lang ako buong gabi. Mag-iiyak na naman siguro ako. Tatlong taon na siyang wala pero parang kahapon lang ang saya saya naming magkasama, nagpaplano para sa magiging future namin.


---



Nagpunta ako ngayon sa isang bake shop na may pangalang
'D-sert'. Nagpapabili kasi sa akin si Nicole ng blue berry cheesecake, kapatid ni Natsha. Kahit patay na si Natsha, close pa din ako sa pamilya niya. Lalong lalo na si Nicole. Si Nicole ang bunsong kapatid ni Natsaha, mga 14 years old na siya. Tatlo silang magkakapatid halos pare-pareho silang babae. Si Natasha pangalawa siya tapos si Ate Nikki ang panganay, may asawa na at anak si Ate Nikki. Siguro kung hindi namatay si Natasha, may anak na din kami. Napabuntong-hininga na lang ako.



Pagpasok ko sa bakeshop agad akong umorder.




"Ahmm... limang blue berry cheesecake please." Sabi ko isang babaeng crew dito sa counter. Para namang natulala yung babae sa akin. Kaya naman sumimangot ako.




"A-ahm take out o-or dine in Ma'am?" Medyo nauutal pa nitong tanong sa akin.




"Take out." Walang ganang sagot ko sa kanya.






"Wait a minute Ma'am" Sabi naman niya. Wala pang dalawang minuto ng ibigay na niya sa akin yung nakabox na inorder ko.




"Keep the change." Sabi ko sa kanya pagtapos kong iabot yung bayad ko. Agad ko namang kinuha yung order ko.





"Thank you Ma'am." Magalang na sabi nito sa akin. Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ako sa bakeshop.




Nagtungo na ako sa bahay nila Natasha. Pagkabusina ko naman agad na may nagbukas ng gate. Kilala naman na ako ng mga maid dito kaya malaya akong nakakapasok dito. Pagkapark ko naman agad na akong bumaba sa kotse ko dala dala yung box ng blue berry cheesecake.




"Manang, nasaan po si Nicole?" Tanong ko sa matandang babaeng nagbukas kanina ng gate.





"Nasa likod po. Sa may pool." Magalang na sagot niya sa akin kaya naman tumango na lang ako sa kanya. Pumunta naman ako agad sa likod ng bahay para hanapin si Nicole. Natanaw ko na siya, nakalublob yung mga paa niya sa pool.




"Hey, Nics! Bakit ka nag-iisa dito?" Umupo naman ako.




"Ate Zaya!" Masayang bigkas niya sa pangalan ko at niyakap ako.




Hinubad ko naman yung suot kong heels at nilublob ko na din yung paa ko sa pool.





"Eto na yung favorite mo oh." Sabay abot ko sa kanya ng box ng blue berry cheesecake.




"Wow! Thank you po."



"Welcome Nics." Ginulo gulo ko naman yung buhok niya kaya naman natawa siya.



"Kamusta studies mo?" Tanong ko sa kanya.


"Okay naman po." Sagot niya at nakatanaw lang siya sa malayo.



The Heart Wants What It WantsWhere stories live. Discover now