Chapter 26

16.8K 521 22
                                    

Samara



Kanina ko pa napapansin na masama ang tingin ni Zaya sa akin, I mean sa amin ni Irish. Ito namang si Irish masyadong clingy tapos bubulong sa akin ng 'Makisama ka na lang. Mukhang selos na selos na yung irog mo.' Kaya naman wala na akong nagawa kung hindi sumakay na lang sa kalokohan ni Irish.



Medyo late na din natapos yung party. Nauna ng umuwi yung tatlo. Sila Ate naman nagpaiwan pa. Si Daddy and Mommy naman late ng dumating kanina, kakauwi lang kasi nila. Galing sila sa province ni Mommy. Papunta naman ako sa parking area. Napamura naman ako ng makita kong flat yung isang gulong ng kotse ko. Wala pa naman akong dalang pamalit.



Sa inis ko napasabunot ako sa buhok ko. Dapat kasi sumabay na ako kanina kay Irish eh. Arrggghhh! Mas nainis ako ng makita ko si Zaya kasama yung impaktang si Perrie. Kanina pa ako naiinis sa kanila. Bigla kasing umeksena kanina si Perrie ng akmang lalapit sa pwesto namin si Zaya kaso biglang dumating si Perrie at hinila si Zaya. Para silang nagtatalo, hindi ko naman marinig yung pinag-uusapan nila dahil medyo malayo sila sa akin tsaka base na rin sa akto nila na para silang nagtatalo. Nagulat ako ng biglang humarap si Zaya at biglang nagtama ang aming mga mata. Yung kunot ng noo niya ay bigla na lang naglaho ng makita niya ako. Ako naman natulala na naman dahil hanggang ngayon ay malakas pa din ang epekto niya sa akin. Naglakad siya papalapit sa akin. Para namang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo at parang nag slow motion siya habang naglalakad. May iilan din tao dito sa paligid pero parang siya na lang yung nakikita ko. Parang nung una lang naming pagkikita, natulala na lamg din ako dahil sa kanyang taglay na kagandahan. Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko ng malapit na siya sa akin.




"Lets go." Sambit sa akin ni Zaya ng makalapit na siya sa akin at bigla na lang hinawakan yung kamay ko. Para naman akong tangang nagpahila na lang sa kanya. Hindi ko alam ang nangyayari para akong lutang.




"ZAYA! COME BACK HERE!" Narinig ko na lang yung sigaw ng impaktang si Perrie. Dun bumalik yung katinuan ko? Katinuan talaga Samara? Hindi ka ba matino? Sabagay para ka ngang may saltik minsan eh. Sabi naman ng mahadera kong isip. Napailing na lang ako.




"Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin? Bigla bigla ka na lang nanghihila." Inis na sambit ko kay Zaya habang hila hila pa din ako. Infairness ang lambot ng kamay niya.



"Nagpahila ka naman eh. Tsaka kanina pa tayo naglalakad ngayon ka lang nagreklamo diyan. Manahimik ka na nga lang." Masungit na sabi niya sa akin pero hindi niya man lang ako nililingon.




Pilit na inalis ko naman yung kamay kong hawak niya pero mas hinigpitan niya yung pagkakahawak. Nako Samara gusto mo talagang alisin? Diba gusto mo ngang magkaholding hands kayo ni Zaya mo. Kaya huwag ka ng pabebe diyan! Sabat na naman ng isip ko, kaya naman hinayaan ko na lang na magkahawak ang kamay namin ni Zaya my loves so sweet hihi. I'm so kinikilig pero hindi ko pinahalata yun, hindi pa kami okay no! Matapos niya akong paalisin sa mansion dahil lang sa impaktang Perrie na yun!



"Hoy! Sabi ko ano gusto mo?" Bigla naman akong napatigil sa pakikipag-usap ko sa isip ko ng bigla akong tawagin ni Zaya.



"Ha?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Napagtanto ko naman na nasa may tapat kami ng ihawan. Tumingin naman ako sa paligid, maraming nagtitinda ng mga street foods.




"Sabi ko anong gusto mo? Nagugutom na kasi ako eh. Hindi ako nakakain kanina." Sabi pa ni Zaya na ngayon ko lang napansin na ang pawis pawis na pala niya. Pinunasan niya naman yung pawis niyang noo gamit yung likod ng kanyang kamay. Kinuha ko naman yung panyo ko sa bag ko at pinunasan yung noo niya. Nagulat man siya sa ginawa ko pero hindi niya ako pinigilan sa ginawa ko.




The Heart Wants What It WantsWhere stories live. Discover now