Chapter Twenty six

1.3K 35 1
                                    

Jimin's POV

It's been one week and two days simula nung huling pag-uusap namin ni Jungkook. Hindi na rin ako pumapasok sa school para lang iwasan siya.

I need some time to clear my mind. Then, I realized na hindi ko dapat ibinuntong ang galit ko kay Seokjin. Wala namang ibang dapat sisihin kundi ako, kung hindi ako pumasok at sumugal sa relasyon na 'to— hindi naman mangyayari 'to saakin.

Kung iisipin, Hobi warned me from the very start. I was just too stubborn at hindi ko pinakinggan ang mga sinasabi niya saakin noon at minasama ko 'yon.

"Kung dahil 'to sa past relationship ni Jungkook kaya ayaw na ayaw mo sakanya para saakin, gusto ko lang ipaalala Hobi hyung! Kung may masasaktan man sa relasyon na 'to, Ako 'yon! Pinili kong makasama siya, kaya please stop this and be happy for me."

Pinili kong makasama si Jungkook kaya dapat lang na sisihin ko ang sarili ko at hindi sila. Pinili ko siya at pinili kong masaktan sa huli, kung tutuusin, I hurt Hobi, Seokjin and Namjoon. When In fact sila 'yung mga taong palaging nandyan para saakin.

Hindi ko rin kayang sisihin si Jungkook. He asked me. He asked me to date him and I agreed. Isa pa, hindi naman siya naging masama saakin at pinaramdaman niya saakin na mahalaga ako na mahal niya ako kahit na alam ko naman na hindi ako 'yon.

Kahit masakit ay tanggap ko ng hindi talaga kami ang para isa't-isa. Isa pa naging masaya naman ako sa piling niya at hindi ko 'yon makakalimutan. We shared many things at alam kong mahihirapan akong mag move on, but I have to. It's for the best.

Kung iisipin ding mabuti sa aming dalawa ni Jungkook, siya ang pinaka-nasasaktan dahil iniwan siya ng taong mahal niya without a word.

I can understand why he can't move on. How can you expect someone to move on kung iniwan siya nito ng di nagpapaalam, ng walang dahilan.

Jungkook doesn't deserve any of it. He is a good boyfriend. Sana bininigyan siya ni Taehyung ng pagkakataon  para patunayan ang sarili nito sakanya. Sana pinili ni Taehyung ang manatili dito.

Madali para kay Taehyung na iwanan si Jungkook dahil nawala ang alaala niya pero sana inisip niyang masasaktan si Jungkook sa gagawin nito.

Sa tuwing maaalala ko kung gaano siya kalungkot noon habang tinitigan ang mga litrato ni Taehyung at kung paano siya umiyak habang pinapanood ang video ni Taehyung ay sumisikip parin ang dibdib ko.

Taehyung hurt him at dumating ito sa puntong sinubukan niyang magpakamatay. He truly love him.

After kong ma-realize ang lahat, I decided to let him go. Kailangan kong gawin 'yon para tuluyan na akong makapag move-on. Kailangan kong makipag hiwalay sakanya, kailangan kong sabihin sakanya ngayon.

I admit na hindi madali at masakit para saakin na gawin 'to, but I have no choice hindi ko kayang mag stay. Kailangan kong bumitaw sa relasyon namin. Pero hindi ko sasabihin sakanya ang totoong reason kung bakit ako makikipaghiwalay.

Mas mahihirapan ako kung sakanya manggagaling na si Taehyung parin ang mahal niya. I don't want him to pity me, I don't want him to say sorry mas malulungkot at masasaktan lang ako kapag narinig ko 'yon mula sakanya.

Biglang nag vibrate ang phone ko. Simula nung malaman ko ang lahat, I rejected everyones call.

I keep on running away and I know I can't keep doing things like this. Kailangan ko narin silang makita at makausap. Lalo na si Jungkook, we need to talk.

'Namjoon is calling...'

I sighed heavily at in-accept ang tawag niya.

Dating Jeon Jungkook [Jikook] || TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon