🐺Chapter 3🐺

11.8K 364 3
                                    


◇□◇□◇□

Ngayon ang araw na gaganapin ang bisperas ng aming kasal ni Zeus, kinakabahan man ay pinapa tatag ko ang aking loob ngayon din kasi ang araw na kung sakaling palarin ay makakamit na namin ni Jenna ang aming kalayaan.

Alas singko ng hapon ng iabot sa akin ni Jenna ang isang puting summer dress na susuutin ko para sa pag titipon. Kung hindi sana sa sitwasyon namin ngayon ay tiyak na magugustuhan ko ang damit na aking isusuot.

Alas otso pasado ang oras ng pag titipon kaya naman dapat bago sumapit ang oras na iyon ay makalayo na kami sa lugar na ito.

Dahil abala ang lahat ay iilan lamang ang naatasang mag bantay sa paligid.

Nang maisuot ko ang aking bestida ay matiyaga akong nag hintay sa pag balik ni Jenna.

Eksaktong alas siyete ay bumukas ang pinto at tila naka hinga ako ng maluwag dahil akala ko ay hindi na matutuloy ang plano namin.

''Ria ito na ang tamang oras wala na halos nag babantay sa mga hangganan, lahat sila ay nasa pag titipon na naka ayos na rin ang lahat'' agad akong tumayo at sumunod sa kaniya.

Kahit isa ay wala kaming bitbit dahil ayaw naming may mag hinala, at isa pa hindi namin nais mag dala ng gamit na mula rito.

Umakto kami na tila sabik sa magaganap na kasiyahan kaya naman walang naka halata na imbis sa harapan ay sa likod na bahagi kami papunta. Ng matiyak naming walang tao sa likod ay doon lang kami nag usap.

''Dito sa parteng ito ng gubat ay nakita kong dalawa lamang ang bantay ang isa ay si Joshua'' si Joshua yung may gusto sa kaniya naisip ko bigla, yun yung may itsurang bantay na nag papa-pansin lagi kay Jenna.

''Masuwerte tayo kung ang makaka salubong natin ay ang lalaki na yon, dahil kung yung isa ay tiyak na mag re-report agad yon kay Zeus'' tumango lamang ako saka nakinig pa sa plano ni Jenna.

Lumakad ito patungo sa isang puno at kinuha ang isang puting damit.

''Kanino iyan?'' tanong ko, inilapit niya sa akin ito saka iniabot.

''Kay Andrew yung isa pang nag babantay, ng matanaw kong siya ang isa pang mag babantay ay pumuslit ako sa kwarto niya upang kumuha ng damit. Suotin mo yan para pag malapit na tayo kay Joshua ay hindi ka niya maaamoy dahil ang scent na malalanghap niya ay ang kay Andrew'' mangha akong napatitig kay Jenna, paano niyang naisip ang lahat ng ito sa maikling panahon lang.

''Alam ko na yang nasa isip mo, na bibilib ka sa akin ano? well kailangan kong paganahin ng matindi ang utak ko para maligtas tayo at wag ka munang mamangha d'yan di ko pa nga alam kung gagana ba 'tong plano natin'' saad ni Jenna sa mahinang tinig.

''Balik tayo sa plano, lalapitan ko ang bantay na iyon at susubukan ko siyang akitin, alam naman natin na matagal ng may gusto sa akin ang papansin na iyon kaya gagamitin natin iyon para ma distract siya. Sa oras na nahulog na siya sa bitag ay saka ka papasok at iturok mo sa leeg niya ang pang pa tulog na ito.'' inilabas niya mula sa kaniyang bulsa ang isang syringe na nag lalaman ng clear na liquid.

''Saan mo nakuha iyan?'' takang tanong ko sabay turo sa hawak niya.

''Nang mag linis kasi ako sa kwarto ni Zeus ay nakita ko yung box sa ilalim ng kama niya, may mga syringe at vial na pang patulog yun yung ginagamit nila upang makatulog ang mga dinudukot nila.'' huminto ito saglit saka lumingon ng makitang wala namang ibang tao doon bukod sa amin ay nag patuloy ito.

''Kaya naman kumuha ako ng isa mabuti na lamang at hindi niya napansing kulang na iyon'' pag papaliwanag niya, nabuhayan ako ng loob dahil hindi pala namin kailangan makipag laban mababang porsyento lamang kasi ang pag asa namin kapag nakipag laban kami sa mga bantay ni Zeus.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now