🐺Chapter 22🐺

6.8K 222 36
                                    

Hi!

GenizaBaby
user79959765
MaggiCuaresma2
user63716639
jhonasullo


❣°❣°❣°❣°❣

Hindi ako makapaniwalang naka titig ngayon sa aking Mate.

Dinig ang pag singhap ng ilan dahil sa ginawang pag atake sa akin ni Jacob.

''J-jacob?'' kahit hirap ay nagawa ko pang banggitin ang kaniyang ngalan.

Patuloy sa pag higpit ang kaniyang kamay na nakapalibot sa aking leeg, kinakapos na ako ng hininga ngunit hindi ko man lang magawang manlaban. Tila hindi maproseso sa utak ko ang mga ng yayari.

Agad na lumapit sina Blue at Clifford upang pigilan si Jacob.

Nailayo nila sa akin si Jacob at agad akong inalalayan nina Jenna at Chloe dahil kamuntikan na akong matumba.

Hindi ako nakapag salita, natulala lamang ako sa aking mate na masama ang tingin sa akin.

''Ano ang ng yayari? may nagawa ba akong kasalanan sa kaniya?'' tanong ko sa aking isip o baka naman isa lang itong masamang panaginip?

''Ano bang ginagawa mo! mate mo siya Jacob!'' galit na saad ni Aphrodite, ngayon ko lang siya nakitang magalit.

''Mate?! anong kalokohan ang pinag sasabi mo Ma! hindi mo ba nakikita? isa siyang Rogue at dapat sa kaniya ay mamatay!'' sigaw ni Jacob saka muli akong tinapunan ng matalim na tingin. Pilit siyang kumakawala kay na Blue at Clifford upang sugudin ako, lumapit na rin sina Bryan at Leonil upang tumulong sa pag pigil kay Jacob.

Kahit masakit ay pilit akong ngumiti sa kaniya.

''J-jacob... wag ka n-namang mag b-biro ng g-ganyan.'' naluluha kong saad, lumapit ako sa kaniya ngunit napa atras ako sa klase ng titig niya sa akin.

Hindi niya ako matandaan?

''Ako ang alpha ng pack na ito kaya irespeto mo ako mutt! wag mo akong matawag-tawag sa pangalan ko!''

Tuluyang dumaloy ang aking luha, maging ang mga naroroon ay hindi makapaniwala sa kinikilos ni Jacob.

''At anong ginagawa ng Rogue na yan dito! dapat ay patayin na-'' hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Jacob ng suntukin siya ng kaniyang ama. Takang napa titig siya sa kaniyang ama.

''Dad! bakit niyo pinag tatanggol ang Rogue na yan!'' galit na tanong ni Jacob saka tumayo at pinahid ang dugong nasa kaniyang labi. Muli siyang hinawakan nina Bryan at Leonil.

''Tumigil ka na Jacob! sinasaktan mo ang sarili mong mate! at higit sa lahat ang ina ng iyong anak!''

Bahagyang napa tigil si Jacob at umiling.

''Imposible yang sinasabi mo dad! kung talagang mate ko ang Rogue na yan ay dapat may maramdaman akong koneksiyon para sa kaniya! ngunit wala! tanging poot lang ang nadarama ko para sa babae na yan! At paanong ako ang ama ng anak niya? ni hindi ko nga siya kilala at imposibleng mabuntis ko siya dahil kinamumuhian ko ang mga uri nila.''

Napaluhod ako saka umiyak ng umiyak. Nasasaktan ako sa ginagawa ni Jacob pero higit akong nasasaktan para sa aking anak.

Hindi pa nga siya naisisilang sa mundong ito ay hindi na siya nais ng kaniyang ama.

''Ate.'' agad akong nilapitan ni Chloe at umiyak sa aking tabi.

''Kuya! bakit ka ba ganiyan? ano bang ng yayari sa'yo? Nangako ka pa kay Ate Ria na hindi mo siya hahayaang masaktan, bakit ngayon ikaw pa 'tong nanakit sa damdamin niya!'' sigaw ni Chloe sa kaniyang kapatid.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now