Chapter 6

78 61 1
                                    


"Ano ba! Umalis nga kayo dito sa kama ko! Ina-antok pako."

Pano ba naman kasi, natutulog ako bigla silang dumating, lumundag lundag pa sila sa kama na parang mga bata Ayan tuloy!  gising na gising nako! Buwisit!

"Halikana kasi Dom! Bibihisan kana namin may pupuntahan tayo! -Nea

"Hoy Nea! Anong pupuntahan? Bakajan sa pupuntahan natin jan pako mamatay! Hinayupak ka talaga" tugon ko rito.

"Maligo kana, Dom! Babatukan kita jan! "-Sery

Bigla kong na-alala na may friendly date pala kaming apat.

Habang sila, napakaingay, kabaliktaran naman kay Ally. Nagiisip sya at nakatingin sa kawalan, lagi naman kasi siyang ganyan diba?  What's new.

"Ok fine! Maliligo lang ako! Lumabas nakayo ng kwarto ko! " tinulak ko sila palabas na silid ko.

Kinuha ko muna saglit ang cellphone ko at tinignan.

5 message's

"Hey"

"Are you still awake? "

"GoodNight"

"Goodmorning"

"Have a nice day"

Yan lang naman ang limang text nya, ang ganda ko talaga haha!

Hinawi ko pa ang aking buhok bago pumasok sa banyo para maligo.

-------------

Pag kalipas ng ilang minuto, natapos nako sa pagligo. Kinuha ko ang tuwalya para mag punas ng katawa at pag tapos nito ay binalot ko na ng bahagya ang  aking buhok at katawan.

Napakurap ako sa nakita. Ano to? Lumabas ako ng cr at nakita ko sa kama ang dress na kulay pula as in napaka pula nito? Babagay ba talaga sakin to? Wait! Pagtingin ko sa ibaba nito nakita ko ang heels na 2 inches lang naman! 2 inches ang haba.

Eh isa pangalang diko kaya! Dalawa pa kaya? Tanga talaga yung mga yun!

Sinuot ko nalamang yon, para kasing ang ganda, pero parang hindi bagay sakin. 

Agh!!  Naiirita ako! Bat ang fitted nito? Malamang dress nga eh! 
Aishhh! Bat kasi eto pa? Pwede naman akong mag pantalon!

Wala na akong magawa dahil nasuot ko na pati yung heel's.

Lumabas nako sa kwarto habang inaayos at hinihila pababa,  ng nakita ko silang parang asong ulol na nakatingin sakin?

"What?"

"Uhm, nothing heheheh"

nakangiti sa'akin si Sery. Mukang tanga umirap nalang ako sa hangin At sabay sabay silang nagapir at tinuloy ang usapan.

"Mga Buang! "

Yung totoo? Maayos paba takbo ng utak nila? Siguro kapag si Nea lang maiintindihan ko pa, pero lahat kasi sila eh!

Infairness, nakabihis narin sila at nag ma-makeup nalang,hindi ko talaga hilig ang magayos sa sarili,  wala akong pakialam kung anong maging itsura ko.

Napakaganda ng suot nila,

Si Ally naka blue dress, si Nea naka white dress, si Sery naman ay nangingibabaw ang ganda sa suot nyang black dress and lipstick na red.

Natapos na ang lahat sa preperasyon, kailangan nalang namin umalis, malalate na kami sa aming pupuntahan.

Pupunta nga pala kami sa isang restoran sa pasay, tuwing friday kasi nag kakaroon kami ng tinatawag na friendship date,  i dont know kung meron sa iba nito. Dahil kay Nea ang lahat ng to. Pero nag papasalamat nalang kami dahil kahit na busy ay nag kakaroon kami ng time sa isat isat.

Finally, Meet My Man (On going) Where stories live. Discover now