Chapter 10

78 59 0
                                    

"Naicous! Gising na! Andito na tayo"

Tinapik-tapik ako ni Nea at syang dahilan ng pagising ko. Tumayo ako at pinunasan ang laway na natira pa sa aking bibig. Nagayos ako ng sarili para naman maging tao ako. Heheheh.

Nakakahiya naman kila Sery kung nagmumukha ako basura dito.

Mayamaya pa ay nasa airport na kami ng bigla kaming salubungin ng isang matanda na may hawak ng malaking papel. Namay nakalagay na 'Miss, Sery'. Kung hindi ako nag kakamili ay tauhan ng mga magulang ni Sery ito.

Gaya nga ng sinabi ko ay napaka yaman nila Sery, marami silang lupain sa ibat ibang bansa, at hindi ko pa nasabi na may resort sila sa palawan, kaya ito ang napili naming puntahan.

"Mang berto, kamusta po kayo. Kayo po ba ang susundo saamin ng mga kaibigan ko? " sabi ni Sery.

"Ah, Oo Ma'am Sery kami ang susundo sainyo gaya ng sinabi ng daddy nyo."

"Kung ganon mang berto ipapakilala ko sainyo ang mga kaibigan ko,"

Isa-isa kaming pinakilala ni Sery kay mang Berto at nakipag kamay narin.

"Aba'y Ma'am napaka galing nyo naman pong pumili ng mga kaibigan, malulusog din sila at magaganda"

"Well, Mang Berto sabi nga nila, Piliin ang kauri wag ang Kamuhi."

Nag tawan naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Sery, gaga talaga to minsan. Pero oka'y lang love naman namin sya.

"Halina kayo mga iha, kailangan na nating umalis dahil baka umulan pa."

Sumakay kami sa kotse na dala ni mang Berto, napaka laki nito, ngayon lamang ako naka sakay sa ganto. Kulay puti ito at kitang kita ang mga dikorasyon sa likod. Kung hindi lang sana ako nag rebelde ay-.

Hindi ko na naituloy ang pagiimahinasyon ko dahil sa nagsalita si Mang Berto.

"Malapit na tayo mga iha, ihanda nyo na ang inyong mga sarili. "

"Ang creepy naman po nun mang Berto, pupunta po ba tayo sa Hell university? Andun po ba si kuya Kib? Papakasalan ko kasi sya eh. " -Nea

"Aba iha, pasensya na pero hindi ko kilala ang sinasabi mo. Dito ba nakatira ang mapapangasawa mo? "

"HHAHAHHAHAH joke lang po mang Berto, HAHHAHHHAHA-"

binatukan ni Sery si Nea.

"Ouch! It hurt's!"

"Sige! Isa pang pag d-day dreaming sa Hel-Hel university nayan ha! babatukan kita! Di nga sila totoo eh!"

*snif*

*snif*

Nagkunwaring naiiyak si Nea dahil sa sinabi ni Sery, talagang nilamon na sya ng mga babasahin nya. Naiinlove sya sa mga taong hindi naman totoo. Stupid!

"Hindi totoo ang hell university, pero totoo si Kib! Huhhuhu susumbong kita sa Darling ko!" parang bata si Nea na inaway ng kaibigan nya. Psh! Isip bata talaga.

Hindi na nagsalita si Sery dahil malapit naraw kami sa aming distinasyon. Napaka ganda na mga tanawin at paligid. Ngayon ko lang ito napansin dahil sa pagaaway ng dalawa.

Nakita namin ang napaka laking resort at napakaganda. Sigurado akong ito ang sinasabing resort nila Sery. Mapapanganga ka talaga sa ganda at laki nito.

Nagpark muna si mang Berto bago kami bumaba sa sasakyan. Sinalubong kami ng mga tauhan nila at pinapasok sa loob.

Nasilayan namin ang napakagandang loob nito, maramiring torista ang nag che-check in dito. Dinala kami ng isang tauhan nila papunta sa mga room namin, dalawa lang ang kinuha naming room. magkasama kami ni Nea sa isang room at si Ally at Sery naman sa kabila.

"Guy's mag pahinga na muna kayo, alam kung pagod kayo. Ipapatawag ko nalang kayo pag may pupuntahan tayo ngayon or kakain na tayo.  I-ready nyo na ang mga gagamitin nyo. Swimsuit, at mga panglakad nyo narin. That's all thankyou, See you later!" sabay kaway at umalis na.

Pumasok na kami ni Nea sa luob at tumalon, pahiga sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod, samantalang si Nea ay napaka energetic parin. Gusto ko ng mag pahinga at bukas nalang gumala.

----

"Pst! Nicous! Hoy gising! May night swimming daw tayo."

Hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil sa pagod, ni hindi ko nga namalayan na gumabi na, malamang tulog!

"Night swimming? Parang lalamigin naman tayo nyan, Nea?"

"Parasaan pa na nabiyayaan tayo ng makapal na balat diba? My god,  Use your egg cell! "

"Boba! Anong eggcell kajan? Coconut shell bobita! pakain ko sayo eggcell mo eh!"

O alam nyo na! Eggcell daw ang gamitin sabi ng, Dakilang bobita hehehhe.

"O sige, basta mag dadamit ako."

"Anong magdadamit ha, Naicous? Wala tayong gagamitin! Maski bra at panty wala! Naked party kaya pupuntahan natin, hihihi makakakita na tayo nang-"

Binatukan ko sya bago nya matapos ang sasabihin nya. Napaka manyak nya talaga.

"Hoy Nea! Tigilan mo ko ha! Napaka manyak mo talaga! Kaya walang nagkakagusto sayo eh!"

"Dont care! I'm still pretty"

Anong konek? Pepektusan ko to!

"Ano nga kasi susuotin natin? Ayukong mag swimsuit! Maraming tao, ang bababoy kaya natin!"

"Aba Naicous, hindi kaba tao? Tsaka hindi naman tayo sa public mag swiswimming eh! Remember kila Sery to? Kaya sa Private tayo! Hihihi. Twopiece ang susuotin"

"Ah, ganon ba? O sige magkikita nalang tayo sa baba. Pero magdadamit muna ako, pag nasa pool na tayo doon kona tatanggalin. "

"Ok, see yah! "

Lumabas na ng kwarto si Nea, at nilatag ko lahat ang mga dala kong twopiece, meron all black, all green at all white. Kung meron nga lang transparent yun yung sosoutin ko ngayon eh. Hihihi.

Pinili ko ang itim na twopiece dahil mas komportable akong suotin ito. Pero parang ang laswa? Yung mga bilbil ko matatanaw nila? Whaaaaaa! No i can't!

Sabagay' kami kami lang naman ang tao dun. T-Tatlo lang kami, pero nahihiya parin ako sakanila! Para kasi akong balyena eh! Nako naman!

Sinuot ko ang twopiece ko at ginawa kong panloob. Nakakahiya naman kasi kung naka twopiece ako'ng baba no! Baka maglawa'y yung mga aso jan! Hehehe.




A/n-------

Hanggang jan muna ako mga piggy's. Hinihintay ko ang mga vote at comment nyo. Mwa

Hope you like it.




Finally, Meet My Man (On going) Where stories live. Discover now