Chapter 4

179 63 52
                                    

Haunted Corridor

Sunday na! Nag kausap narin kami ni Ate Zy, Kinausap lang naman niya ako tungkol sa Family business, kung pwede daw ba tutal Sembreak naman namin in 2 weeks ay samahan ko siya sa Palawan dahil pupuntahan namin si daddy doon at i-checheck na din ang location ng resort na ipapatayo namin. Pwede din daw isama ang banda.

Wala masyadong nangyari sa araw ko, nag log in lang ako sa Facebook ko at nakita kong inadd ako ni Bret Soberano.

Kinaumagahan ay madali akong nag prepare at pumunta sa school bitbit ang red Bass ko. Makulimlim at parang uulan siguro.

Pumasok ako sa classroom at nakitang tulog sa upuan ko si Xavier.. nakita ko din sa gilid ng mata ko ang titig sakin ni Mr. Vocalist.

Hinampas ko ng bag si Xavier.

"Isa ka pa! Nang iiwan kayo ni Yves!" Aniya ng nagising ko.

"Yeah Goodmorning to Asshole! Palagay nga ng bag ko." Pagbati ko.

Nakalipas na ang ilang minuto at nag bell na, hudyat na mag F-Flag cem na. Kasabay ko'ng bumaba ang bestfriend kong si Avery Violet Jimelea. Kung ano ano ang kwento ng babaeng ito! Captain kasi siya ng Volleyball dito sa school at Singer din pero ayaw niyang mag banda. Maganda din siya at halos balewalain ang mga nanliligaw.

Pagkatapos ng kung ano mang ritwal na ginagawa sa Flag Cem ay nag announce na si Ma'am Amina tungkol sa TLE program mamaya.

Habang nagsasalita si Ma'am ay rinig na rinig ko ang boses ng drummer at vocalist. Pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.

"Zee! Zee!" Tawag ni Xavier sabay turo kay Yves, tinaasan ko lang siya ng Kilay.

Lumingon sakin si Yves at nagsalubong ang kilay sabay iwas tingin. Nakita ni Xavier ang ginawa ni Yves pero tinawanan lang niya ito.

Nakakainis naman sila alam nilang na-ooffend ako sa ganon eh! Tch!

Natapos na ang flag cem at nag k-kwentuhan lang kami ni Avery habang pabalik sa classroom..

Nakita ko ding tinignan kami ni Xavier. Tss.. nakakainis sila. Inirapan ko nalang sila.

"Oh? Ano problema mo kay Xavier?" Tanong ni Avery.

"Wala. Nambabadtrip lang sila." Sagot ko.

"Pero alam mo, ZAvier fan ako! I ship y-you guys.. Haha." Ano nanaman pumasok sa utak ng babaeng ito? Tsaka bat siya nauutal? 'Di siya ganyan.. Fierce siya pero bakit ganito siya umasta?

"Huh? Bestfriend ko lang iyan!"

"A-ah Ganun ba? May mga ZYvee din eh." sabi niya. Ang corny ng tawag lol. "Oh? Ba't ka natahimik?" Ani Avery.

"Nothing..." At bumalik na kami sa talaktalakan tungkol sa kung ano man yon.

Dumaan ang ilang subjects at wala padin ako sa mood dahil sa paninira ng dalawa sa araw ko. Kaya tumingin na lang ako sa white board at nag kunwaring nakikinig ng biglang may nag bato ng papel sakin.

Lumingon lingon ako at nakita ko si Xavier na nakangiti saakin. Binato ko ang papel pabalik sakanya dahil wala parin talaga ako sa mood. "Ano ba Zee? Basahin mo lang." Bulong niya.

Nakalagay sa loob:

Xavier: Mag kaaway ba kayo ni 'Mr. Period-ko-ngayon,-lahat-kayo-susungitan-ko-including-the-one-I-like.' A.K.A. Yves Ravago?

Heartbeat Chronicles ♪Where stories live. Discover now