Chapter 6

156 56 41
                                    

Awkward.

Nakalipas ang 1 week at eto parin si Yves na lagi akong binabantayan. Lunch break ngayon at sabay kaming kumakain sa cafeteria.

"Zee, porket may Yves ka na wala ka ng oras sakin!" Ani Xavier.

"Grabe Xav! Di naman.. Di lang kita nasamahan nung recess eh." Nasa harap ko kasi siya. Katabi niya si Avery ako naman syempre katabi si Yves. "Sorry na Xavierrrr".

"Sakin nga din Xavier eh. Nawalan na ng oras! Ang daya." Sabay kain ni Avary sa shrimps niya.

Tinawanan lang kami ni Yves. Ewan ko talaga sakanya. Hay nako.

"Sorry.. I kept her occupied." Humahalakhak pa ang vocalist namin at hinampas ko ang braso niya.

"Avery.. Hindi naman.. Twing Lunch lang kami magkasama." nawalan tuloy ako ng gana sa pagkain.

"Just kidding Zee! Hahaha Love you." sabi ni Avery. Ito naman si Xavier nakatitig lang kay Avery o sa pagkain niya. I'm not sure.

Masyado akong busy ngayon, gusto ko kasi na hindi ako mawala sa top 10. Pagtapos ng klase ay dumidiretso ako sa library or sa starbucks para mag aral.

Bumalik kami sa room at dumaan ang madaming subjects.

Hindi ko matanggal sa isip ko yung tinanggihan ni Yves. Las Vegas yun and it could be really good for him. With Bret and his new band forming. Yves was supposed to be the vocalist.

Nakatulala nanaman ako.

"Zee, saan ka? Starbucks or Library?" Tanong ni Yves sabay akbay saakin. Uwian na kasi at inaayos ko ang gamit ko.

Tinanggal ko ang kamay ni Yves at napa sad face siya. "Starbucks." Sabi ko. "Tara mag aaral din ako eh." sabay hila saakin.

Laging ganito ang nangyayari the past few days. Pumoporma siya saakin, nag rereklamo ang dalawang bestfriend ko at hinahatid ako ni Yves sa bahay.

Hinila nanaman niya ako sa "Haunted Corridor" ng old building sa school. Wala ng gumagamit nito kaya wala masyadong tao.

Kinorner nanaman niya ako sa wall tulad nung sa TLE program.

"Is there a problem?" Humawak siya sa baywang ko. "Sorry kung nalalayo kita kay na Avery." Hinila niya ako palapit sakanya.

Ramdam na ramdam ko ang katawan niya.

"Its okay Yves." Nag iwas ako ng tingin.

"What's bothering you?" Kinuha niya ang tingin ko.. "Is it the Las Vegas deal?" Tanong niya.

Nagulat ako sa sinabi niya at napa iling. "Uhh.. Uhmm."

"Maganda sana career mo dun."Sumandal na ako sa balikat niya at binaon ang mukha ko doon.

"But I won't be happy if I accepted that. Wala ka, wala ang banda."

Nag angat na ako ng tingin.

"You'll always be my choice. Zee... Don't be bothered by that. Simula pa lang ayoko na because of Bret okay?" Mas hinila niya pa ako ng malapit.

Sobra na ang lapit ko sakanya. Ramdam ko na namumula na ako ngayon.. lalo na nang tumingin siya sa lips ko.

"Yves.. Don't"

Ngumisi ako. You have to hold back Yves.. WAHAHAHHAHAHA!!

"Damn it Zee!" Sabay layo saakin. "Just one kiss?"

"NO!" Mas lalo akong ngumiti.

Umalis na kami ng school at Nagtungo sa starbucks. Pag dating namin doon ay si Yves ang nag order at inilatag sa harap ko ang dalawang Venti na Caramel frappe at sandamukal na cheese cake, Brownies at kung ano ano pa.

Heartbeat Chronicles ♪Where stories live. Discover now