19

3.5K 70 0
                                    

Jahaziel's POV


Pagmulat ko ng mata nagtaka ako kasi nakakumot ako. Halos sa sahig na nga ako nakatulog. Natapos ko na rin pala yung project naming dalawa ni Ish.

"Jaz!Jaz! Jaz!" Naririnig ko na agad ang sigaw ni Ish.

"Oh, bakit?" Napatayo naman ako kasi akala ko kung napano sya.

"Simba daw tayo! Dali bihis ka na." Pangungulit ni Ish.

"Sino kasama?" 

"Yung tropa. Dali na."

Tapos lumabas na sya at nagbihis na rin ako. Tumingin ako sa salamin.

"Ang gwapo mo talaga Jahaziel!" Napapangiti na lang ako. 

"You are so full of yourself talaga. Tara na." Biglang sulpot ni Ish. Kabute ata to eh.


Andito na kami sa simbahan.

"Ang tagal naman nila!" Reklamo ni Ish.

"Sino kasi nakaisip nito?"

"Edi ako ^_^"

"Sus ikaw pala may pakana. O ayaw na sina Ria at .. Wax?" 

"Uy kayo ha. Bakit kayo magkasama?" Panunukso ni Ish sakanila. 

"Ah eh. Di ah! Nagkasabay lang kami papunta dito." 

"Nangangatal si Ria. You're lying." 

"Ano ba yan big deal na kagad. Tara na nga." Tawa ni Wax

"Wala pa sina Mica at Eron eh." Sabi ko. 

"Anong wala? Andito na kami." Napatingin kami sa nagsalita at ayun nga, dumating na sina Eron at Mica.

"Oh ayan, kompleto na. Let's go sago!" Si Mica na hyper.



Ishnelle's POV

Umupo na kami dun sa mahabang upuan. Nagsimula na magsalita yung pari.

"San tayo after nito?" Bulong ni Ria sakin.

"Ewan ko. Bahala na."

"Baliw."

Tumayo kami at naghawak hawak ng kamay.

Si ganto yung posisyon namin.

| Wax | Ria | Ako | Jaz | Eron | Mica |

Oh diba parang partner partner?

"Peace be with you." Sabi ko ng naka peace sign pa.

Ang bilis lang nung simba. Inalok ko silang mag Star City.

"Layo naman, Ish!" Reklamo ni Wax. Binelatan ko nalang siya kasi pumayag naman yung iba. 




"Ba't mo naisipang mag Star City?" Sabi ni Jaz.

"Wala naman. Sunday Bonding. Nakakabored sa bahay eh." 

Nagpastamp na kami nung bracelet na nilalagay sa kamay para malaman na bayad ka na.

"Guys partner partner nalang tayo para maganda!" Hinila ni Mica si Eron at bineletan si Ria para sina Wax at Ria yung partner. 

"Huh? Ish, tayo partner ha?" Kinuha ni Ria yung braso ko.

"No. Partner kami ni Ish." Sabay hila sakin ni Jaz kaya nagtaka sila. 

Married to a Pervert (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon