Chapter 7

7 5 0
                                    

"Ang dare ko sayo ay..... magstay ka dito sa room mamayang tanghali. Isa mo lang ha!" Ani ni Princess.

"'Yan lang?" Nagtatakang tanong ni Angel. Para sa kanya ay simple lamang ito dahil magi-stay lang naman sya do'n sa room nila ng magisa for 1 hour. Wala namang thrill do'n.

"Oo. Nagugutom na ako eh. Wala na akong ma-isip." Ani ni Princess ng nakangiti.

"Class! Anong ginagawa nyo?!" Napagigtad silang lahat ng marinig ang boses ng Science teacher nila.

Nagkanya kanya na silang tayo at mabilisang umupo sa kani-kanilang upuan.

"Ano na naman bang kalokohan ang pinaggagagawa nyo?" Naiinis na tanong nito sa kanila ngunit walang nagsasalita sa kanila at tahimik lamang ang mga ito na nilalait ang teacher nilang may maitim na balat, nunal sa tabi ng ilong, kulot na buhok at pangong ilong.

"Sa susunod na maabutan ko kayong kung ano ano ang ginagawa ay ibabagsak ko kayo!" Pagbabanta nito.

Nagsimula ng magturo ang kanilang Science teacher tungkol sa mga nakakalasong mga hayop. Biology na kasi sila.

"Do you have any idea of some types of poisonous animals only in the Philippines?" Tanong nito sa kanila. Sabay naman na nagtaas ng kamay si Veronica at Esther.

"Veronica." Tawag nito. Tumayo agad si Veronica ngunit ramdam niya ang talim ng tingin ni Esther.

"The Philippine cobra ma'am." Ani Veronica.

"Why?" tanong nito.

"Because the Philippine cobra is a stocky snake of medium length with long cervical ribs capable of expanding, so when threatened, a hood can be formed. The average length of this species is 1.0 meter(3.3 ft). The species can grow to lengths of 1.6 meters(5.2 ft) However, subpopulations of the species, particularly specimens from , are said to attain lengths of 2 meters(6.6 ft), but these are unconfirmed claims. If true, however, 2 m would be very rare and would be considered the absolute maximum for this species. The head is elliptical, depressed, slightly distinct from neck with a short, rounded snout and large nostrils. The eyes are moderate in size with dark brown and round pupils, typical of other cobra species and similar to other in general. It has a fairly stocky build for an elapid, and adult snakes are uniformly light to medium brown, while the juveniles tend to be a darker brown in color. They have 23-27 scale rows around the neck and 21 just above the middle part of the body; 182-193 ventrals, 36-49 subcaudals, and basal pairs are sometimes undivided." Mahabang sagot ni Veronica.

"Very good. Thank you Veronica for the well defined example of poisonous animal in the Philippines." Pagpuri nito sa kanya.

"So, as Veronica said, Philippine cobra is one of the most dangerous and poisonous snake in the Philippines. For your project, I want you all to conduct a research about other poisonous animal only here in the Philippines. That's all for to day, I still have a meeting to attend." Mahabang alintana nito at nagpaalam na.

"Nagmamarunong na naman." Ani ni Esther pero halata namang nagpaparinig ito kay Veronica. Hindi na lamang niya ito pinansin at naglabas ng libro para sa next subject nila na MAPEH.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng may kumatok sa kanilang silid.

Lumabas si Margarette na kanilang President at may kinausap. Ilang saglit lang ay bumalik itong tuwang tuwa.

"Guys! Wala daw si Sir! May practice sila para sa gaganaping Buwan ng Wika!" Sigaw nito at nagtatatalon sa tuwa.

Nang marinig naman ito ng mga kaklase nya ay agad din ang mga ito na nagtatatalon na may kasama pang sigaw.

"Uy guys! 'Wag kayo masyadong maingay! May klase sa kabila." Pagsasaway ni Dhana sa mga ito.

Tinignan naman siya ng mga ito ng masama.

FINDING the DEVILWhere stories live. Discover now