Chapter 10

4 3 0
                                    

Kinabukasan ay maagang nagising si Veronica. Bumaba sya sa kusina ng bahay upang maghilamos at uminom.

"Ako pa lang ang gising?" Takang tanong nya sa sarili at tinignan ang wall clock sa kusina.

8:00

"Tanghali na tulog pa." Pailing-iling nyang ani.

Kinalkal nya ang refrigerator na nakita nya roon sa kusina ngunit hindi ito gumagana at wala rin itong laman.

"Yyyyaaawwn! Ay kalabaw!" Napatingin si Veronica sa pinto ng kusina at nakita roon si  Aubrey.

"Gising ka na pala Aubrey." Ani ni Veronica. Tinignan naman sya nito nang nagtataka at nagsalita.

"Hindi pa ako gising. Nagi-sleep walk lang." Sarkastiko nitong ani, umirap pa nga at dumeretso sa tinignan nyang ref. kanina.

"Ugh! Bakit 'di 'to gumagana at waoang laman?" Naiinis na ani ni Aubrey.

"Hindi ko rin alam." Sagot ni Veronica kahit hindi naman sya kinakausap.

"DUH?! Am I talking to you?" Inis nitong ani at inirapan sya.

"Maghahanap na lang ako ng pagkain sa labas. Kainis!" Rinig nyang bwisit na bulong nito sa sarili.

"Oh Veronica! Ang aga mo nagising ah." Ani ng kararating na si Dhana.

"Tanghali na Dhan. 8 na." Ani nya rito.

"8 na pala. Oo nga, tanghali na." Inosente nitong ani.

Ilang minuto lamang din ang nakalipas ay nagbabaan na rin ang lahat sa kanila.

"Wala palang pagkain dito." Nakasimangot na ani ni Princess.

"Magugutom tayo." Ani ni Rhianne.

"Aaaaahhhhh!"

"Sino 'yon?" Tanong ni Justin.

"Parepareho tayong nandito kaya sinong makakaalam?" Sarkastikong ani ni Esther.

"Si Aubrey? Nasaan?" Tanong ni Cindy.

"Lumabas sya. Maghahanap daw ng pagkain." Sabat ni Veronica.

"Ah. Baka sya 'yong tumili." Ani ni Cindy.

"Tara! Tignan natin!" Ani ni Arianne.

"Aaahhhhh!!! Guysss!!!" Rinig nilang tili na naman ni Aubrey. Nagmamadali naman na silang lumabas ng bahay.

"Aubrey!" Sigaw nila.

"Nasaan ka?"

Narinig na naman nila ang tili ni Aubrey kaya sinundan nila ang tinig nito. Naabutan nila ito sa dalampasigan ng dagat malapit sa bahay na tinutuluyan nila.

"Ano bang tini---aaaahhh!" Hindi pa natatapos ni Rhianne ang sasabihin ay tumili na ito ng makita ang tinitignan ni Aubrey.

"Ano ba 'yan?!" Nagmamadali ng tumakbo papunta roon si Johenson at Justin.

"Shit!" Mura ni Johenson.

"Si Ivan 'yan 'di ba?" Tanong ni Justin.

"Mukha bang hindi?!" Sarkastikong ani ni Rhianne.

"Sorry naman." Kamot ulong sagot ni Justin.

"Buhatin na natin at tanggalin sa sako." Suhestyon ni Aubrey.

Nagtulong naman ang dalawang lalaki sa pagbuhat sa malamig na bangkay ni Ivan.

"Ivaann!!" Sigaw ng mga kababaihan sa kanila ng makit ang kakaahon na bangkay ni Ivan.

FINDING the DEVILWhere stories live. Discover now