Kapitulo XXXV - Hogosha

21.8K 1K 176
                                    

Mabibigat ang mga hakbang ko habang tumatakbo palayo kay Luke. Tumakbo lamang ako nang tumakbo kahit hindi ko alam kung saan ako patungo. Pakiramdam ko ay may sariling buhay ang aking mga paa pero ang may-ari nito ay tila ba binawian na.

Hindi ko alam kung sinusundan pa rin ba ako ng mga taga-Asteres. Tila lumilipad ang isip ko kasabay ng patuloy na paninikip ng dibdib ko habang inaalala ang lahat ng mga salitang binitiwan ng aking matalik na kaibigan bago siya tuluyang bawian ng buhay.

I want you to continue being dauntless. Because in this unfair world, only the strongest remain.

How can I? Paano ako magiging matapang kung nasaksihan ko ang kalupitan ng larong ito? Paano ako magiging matapang kung nalaman ko kung gaano karumi ang larong ito? Akala ko ay babalik din sa normal ang lahat pagkatapos nito! Kung alam ko lang na magiging ganito pala ito, e'di sana noong una pa lang ay hindi na ako pumayag sumali rito! E'di sana hindi rin sumali ang kaibigan ko at hindi nanganganib ang buhay naming lahat ngayon!

Ako lang ang puntirya ng mga taga-Asteres ngunit sigurado akong aalisin nila ang lahat ng hahadlang sa kanilang plano kung kinakailangan. Natatakot akong maging huli na ang lahat para sa mga kasamahan ko... Ayoko nang may mapahamak pa dahil lang sa akin! Pagod na pagod na akong panoorin ang ibang tao na i-alay ang kanilang buhay para sa akin!

Kung pwede lang sanang mailigtas ko silang lahat gamit ang sarili kong kakayahan ay gagawin ko talaga! Pero paano? Anong laban ng ability ko? Natatakot akong hindi pala sapat ang kapangyarihan ko para maisalba ang mga buhay nila! Natatakot ako na baka wala na naman akong magawa habang pinapanood silang magbuwis ng buhay nila kapalit ng kaligtasan ko... katulad ng ginawa ni Trevor.

Tama ka, Luke... Unfair nga ang sistemang ito. Unfair nga masyado ang larong ito.

Lalong bumigat ang bawat hakbang ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Pakiramdam ko ay namamanhid na ang buong katawan ko dahil sa magkahalong pagod at bigat na nararamdaman sa aking puso. Para akong isang robot na nananatiling gumagana ngunit paubos nang paubos ang kanyang baterya. Para akong isang makinang de susi na pinipilit na lamang ang sariling gumana. Ang tanging pinagkukunan ko na lang ng lakas ngayon ay ang mga ibinilin sa akin ng aking matalik na kaibigan at ang ipinangako ko kay Papa.

Tumingala ako sa kalangitan at naramdaman ang unti-unting pagpatak ng ulan sa aking mukha. 43 hours remaining...

Gusto ko na itong matapos... Gusto ko nang bumalik ang lahat sa normal. Gusto ko nang matapos ang Choque de la Magia. Gusto ko nang makasama ang pamilya ko. Pagod na pagod na ako.

Unti-unting tumila ang ulan kaya naramdaman ko ang panginginig ng aking katawan dahil sa lamig. Mas lalong bumigat ang aking katawan at kaunti na lang ay bibigay na ang mga talukap ko. Patuloy lang ako sa pagtakbo ngunit nararamdaman ko ang pagbagal nito dahil sa pamamanhid ng talampakan ko.

Napatigil at napahiyaw ako sa sakit nang maramdaman ang mabilis na pagdaplis ng isang malamig at matulis na patalim sa aking kaliwang braso habang tumatakbo ako. Nakita ko ang patalim na nakabaon sa katawan ng puno sa harapan ko. Lumingon ako at nakitang tumatakbo palapit sa direksyon ko ang babaeng kabilang sa grupong nagtipon sa ilalim ng puno kanina. Mag-isa lamang siya ngayon at tila naghiwa-hiwalay silang grupo upang maghanap ng makikitil.

Muli kong sinubukang tumakbo palayo sa kanya ngunit tinira niya ako gamit ang kanyang fire attribute na tumama sa punong nadaanan ko at sumabog kaya napatalon ako palayo roon. Muli pa siyang nagpaulan ng ilang bola ng apoy sa direksyon ko ngunit naiwasan ko ito lahat. Mabilis akong tumayo at sinubukang tumakbo ulit.

"Sige lang! Tumakbo ka lang nang tumakbo hanggang sa makakaya mo! Siguraduhin mong hindi kita maaabutan dahil pasasabugin ko talaga ang ulo mo!" rinig kong sabi niya mula sa malayo.

Dauntless Academy: Home of the BraveWhere stories live. Discover now