Fight XXIV. "Is It Really Over?"

1.6K 89 10
                                    



Dahan-dahan, napalingon na lang ako sa kanya; pero hindi pa rin ako nakapagsalita, napatitig lang ako sa pagmumukha niya.

"Ano? Hmph, bakit ayaw mong magsalita diyan?"napapangiti niyang usisa ulit.

Napalunok na lang ako.

"Ah, w-wala. Tinitignan ko lang naman, kung buhay ka pa ba. At sa nakikita ko naman ngayon..."

Tinitigan ko siya; mula sa paa, pataas ulit sa mukha niya.

"Mukhang malakas ka pa sa sampung kalabaw na nakasteroids; so, wala na kong dapat isipin pa. At wala na ring reason, para magtagal pa ko di—"

"Wala nang dapat isipin pa? Ano iyon, nag-alala ka?"bigla niyang pagsingit, at mas lumaki rin iyong ngiti niya ngayon.

Ampucha! Nadulas pa ko, at di ko man lang narealize!

"Excuse me lang ha, ang layo naman ata nung isipin sa alalahanin; kaya huwag kang assuming diyan,"palusot ko.

Mahinang tawa lang iyong naging reaksyon niya.

"Bahala ka na nga diyan, alis na ko."

Tumalikod na ko, pero hindi naman ako nakalakad. B-Bigla kasi niyang hinawakan iyong kamay ko; as in iyong kamay ko, palad sa palad.

N-Ngayon lang ata ulit kami nagkahawakan ng kamay, sa ganitong way. Hindi po counted iyong nagshake hands kami, dahil gigil kami nun sa isa't isa. Pero ito, iba; parang may halong lambing na di maintindihan. Basta iba! At hindi ko maexpress!

"Sandali lang, huwag ka muna umalis."

Napalingon na lang ulit ako sa kanya; iyong mga kamay namin, nanatili pa ring magkahawak.

"Gusto ko kasing magthank you muna sa iyo."

"Hmph, huwag ka sa akin magpasalamat. Magpasalamat ka, dun sa doktor na umasikaso sa iyo; tsaka kay Mayor, dahil siya iyong nagdonate sa iyo ng napakarare niyong dugo. Tsaka...kay Luis."

"Si Luis? B-Bakit pati siya?"

"Siya iyong dapat na magdodonate sa iyo ng dugo; hindi lang siya pinayagan ng doktor, dahil may sugat pa siya."

"Kaya pala. Pero, thank you pa rin sa iyo; kasi hindi mo ko pinabayaan, nung nagcollapse ako."

"Okay, sige na, tinatanggap ko na iyong thank you mo. So baka naman pwede mo na kong bitiwan, para makaalis na ko; tsaka, nakakangalay po."

Binitiwan na niya ko, tapos tumawa lang siya ulit nang mahina.

"Alam mo, cute ka pa rin kapag nagmamaang-maangan ka; para ka pa ring kagaya ng da—"

Napahinto siya sa pagdadaldal; alam na kung bakit lol.

"Ano ka ngayon? Ang dami mo kasing hinihirit. Teka, tatawag lang ako ng nurse, para magkabuga ka na,"ngingisi-ngisi kong sambit.

Tumawag nga ako ng nurse; pero hindi na ko bumabalik sa loob, nagstay na lang ako sa labas ng pinto. Mayamaya pa, napatingin at hawak na lang ako, dun sa kamay ko na hinawakan ng magaling na kumag. Tapos, nahuli ko na lang iyong sarili ko, na unti-unting napapangiti.

                                                                             #

Pinauwi na muna kami ni Mayor, para raw makapaghinga na kami; pati si Melgar isinama na namin. Siya iyong nagpaiwan sa ospital, para maging bantay kina kumag at Madam Nessy.

Kinaumagahan, nagising ako nang merong kakaibang gaan sa pakiramdam ko. Di ko maintindihan, siguro...dahil nakita na namin si Madam Nessy? At nabawasan na ko ng iniisip?

Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)Where stories live. Discover now