CHAPTER 17

89 2 0
                                    

C#17


Tahimik pa dito sa venue kaya nagmamasid lang ako. I don't want to drink kahit deep inside ay alam kong di ko matatanggihan si Quen matapos kong makiusap sa kanya. Pumikit ako at nainis sa sarili ko. How can a liberated bitch be a gentleman? Baka madiligan lang ng tecquila ang lalamunan niyan ay magkandaleche-leche na.

Wrong idea.

"Couz," sabay hila ko sa t-shirt ni Quen kahit nakikipagkwentuhan pa siya.

"What?" tanong niya ng di ako tinitignan kaya pinagpatuloy ko ang paghila sa dulo ng damit niya. "What Marzia?" irita niyang tanong.

"Let's not pretend. Ayoko na. Besides, mas maganda ako sa mga model na yan. Bitch."

Bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko. "Thank God! Akala ko pakikipag-usap lang sa babae ang gagawin ko buong gabi just to give in to your request!"

"Now, pwede ka ng magladlad. There's Pretzel, sa may stage."

Lumawak ang ngiti niya ng ituro ko ang isa sa mga bestfriend niya. Bineso niya ako at um-aura agad! Ngumiti lang ako at nagrequest na ng rhum coke. I'm not going to drink tonight.

"Bading pala iyong boyfriend mo ah."

Napatalon ako at mabilis na nilingon ang nagsalita na nakatitig sa direksiyon ni Enrique. Umirap na lang ako.

"For the record. Ikaw lang ang nag-assume na boyfriend ko yan. Pinsan ko si Quen at model yan sa New York. Feeling kasi..." iritado kong sabi sa kanya.

Ngumisi siya at sumandal sa tabi ko. Umismid na lang ako at nagsimula ng uminom. Hindi ko namalayang madami ng dumadating kung hindi ko pa narinig ang tili ng baklita. Lumingon ako at nakitang nandiyan lang pala ang kaibigan niyang Guiterrez at Yap.

"Yuki!"

Pinilit kong hindi sila pansinin at nagpasalamat na aalis na din ang isang 'to sa tabi ko.

"What're you doing here?" malamig ang pagkakasabi ni Yuki dahilan para mapatingin ako sa kanila.

"Of course! I-i'm here because you are here."

Tumingin ako kay Paula at sa bagong dumating.. si Carmela. Tinalikuran ko sila at tumayo na para pumunta sa dancefloor. Playboy kasi. Nagkakasiyahan na ang lahat at panay na din ang bati sa akin ng mga kakilala namin. Tuloy lang ako sa pagsayaw ng bigla kaming makarinig ng mga nagtitilian babae.

"Hey stop!" awat ni Yuki sa dalawa.

"Not because I'm his past ay may karapatan ka ng magsalita ng ganyan!" sigaw ni Carmela "If I know!"

Napahiga sa sahig ang dalawang babae at umibabaw si Paula. Hinila siya patayo ni Yuki at tinangay palabas.

"Grabe talaga pag-Zabala ano?"

That's how people started their gossips. Umiling na lang ako at umupo na ulit sa pwesto ko kanina. Parang ang gwapo naman ng pinag-aagawan nila! Tse. May umupo ulit sa tabi ko kaya pasimple akong tumingin.

"Where's your girlfriend? Pinauwi mo para pwede kang lumandi dito?" matapang kong sagot.

Umiling siya at tumawag ng waiter. "She's not my girlfriend anymore."

"What?!" at tumawa ako. "Hanep ka din. Nag-away lang sila break ka agad."

"Break na talaga kami. Last year pa."

Nagulat ako dun at napatingin sa kanya. "Last year?! Didn't you just celebrate your anniversary?"

"Siya lang ang nagplano nun," at mahina siyang tumawa. "Sasapakin na naman ako ng mga kapatid nun."

"Czarinah!"

Tumingin ako sa tinawag ni Quen and wow! She looks like a super model. So hot and so gorgeous! May katabi din siyang lalaki na parang model din. He's much hotter than Yuki. Nawala ang mga nasa isip ko ng tapikin ako ng katabi ko.

"I'm much hotter than Shaune."

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Ang kapal mag-assume ng isang 'to. Tumango na lang ako at tinuloy ang iniinom ko. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng baratinong boses.

"Let's talk."

"Wala naman tayong dapat pag-usapan pa. You should talk to your sister and let her understand what I told her. It's been a year since I broke up with her. Nakakapagod na. She's using me to hide her feelings to her doctor. Matagal niya ng alam na bakla si King di'ba?" at bumaling siya sa kausap. "Pero what did she do? Buti nagalit yung pinsan ng asawa mo. Ang tagal niyo ng kasal pero ganyan pa din siya."

Tumayo si Yuki at tinapik ang balikat ng lalaki sa harap namin dahilan para umalis na iyon. Nagulat ako sa biglang pagtingin ni Yuki sa akin. I'm so clueless right now pero wala naman akong pakialam.

"I'll drive you home," tamad niyang sabi.

Umiling ako. "I'll watch out for Enrique and I'm also staying at his condo."

"Okay."

Yun lang ang sinabi niya bago tuluyang nawala sa dagat ng mga tao.

Sa'yo AkoWhere stories live. Discover now