CHAPTER 30

38 0 0
                                    

Wala akong idea sa nangyari ng dumating ang girlfriend ni Yuki kaya eto si Reese at kinikwento sa akin ng walang palya ang lahat ng detalye.

"Information overload na ako," biro ko sa kanya habang kumakain ng cereals.

"Ate naman! Listen ha!" at uminom muna siya bago nagtuloy. "Then, Paula came tapos she cried and tell Kuya how much she misses him. Of course, the boys teased brother kaya pumunta sila sa living room. Wala na si Pau pagbalik ni kuys pero sinabi niyang may fiancé na siya!"

Nagulat ako sa saya ng tono niya ng sabihin yun kaya napatawa ako. Bigla naman ay may masungit na lalaking tumabi sa akin.

"Eh di'ba sabi sa portal ikaw yun?"

Nasamid ako sa sinabi ni Royette kaya mabilis akong napainom ng tubig. Heck! Tinignan ko siya ng masama.

"So you believed in that kind of things? That's gay, Royette," masungit kong sabi.

Pinalo ni Reese ang kapatid. "Ano naman kung siya!"

"Hindi ka ba naiilang doon Reesie! Pareho nating kapatid magiging mag-on?" masungit namang sabi ng lalaki.

Umirap si Reese at pilit pinaalis ang kapatid bago bumaling ulit sa akin. "Then Ate, sabi ni Kuya Nate," at kinilig na naman ang loka. "Bakit daw kasi di pa mag-propose si kuys sayo!"

Natawa ako sa reaksiyon ni Reese at nandiri naman si Royette sa kakambal. Mahina niya itong binatukan at kamuntik pa silang magbangayan ng dumating si Rob.

"Hey! Umuwi ka na pala!" masaya kong sabi.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Pinatawag ako ni Dad."

"Oh shut up!" at natatawa ko siyang tinulak. "Stop the hate please. Ang bata-bata mo pa buncho."

Natawa siya sa tinawag ko sa kanya. "Don't call me that kahit ako pinakabata."

Ginulo ko ang buhok niya. Ang tangkad ng mga bata ngayon! "Don't be so grown up!"

"I'm not, it is just.." he sweetly smiled at me. "Life is hard," tumingin siya kay Royette. "Roro. Let's play FIBA."

"Okay Roro."

Sumama si Royette kay Rob pero bago tuluyang makaalis ay tinignan niya muna ng masama ang kakambal na inirapan lang siya.

"Ang panget talaga ng tawagan nila," maarteng sabi ni Reese at bumaling na ulit sa akin. "But Ate, di'ba ikaw naman ang nagsabi na kayo ni kuys?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Nilalait kasi nila yung mga Alvarez," tinignan ko siya at hindi siya mukhang naniniwala sa akin.

"That's the lamest thing I ever did."

My sister giggles at napailing na lang ako. "Someone told me na muntik ng maging kayo!"

"Is that from Nathan or Jirou?"

Nagpatuloy ako sa pagkain at nagpatuloy naman siya sa pagtawa. Umiling na lang ako at tumayo na para makapag-asikaso.

"Ma'am maaga pong dumating si Sir Cui," nagulat ako sa bungad ng secretary ko.

"Did you offer him anything?"

Tumango siya sa akin. "Yes Ma'am."

Pumasok agad ako sa opisina ko at nakita ko nga si Fernando. Naka-de kwatro siya habang nagbabasa ng dyaryo. Pilit akong ngumiti dahil talagang kinakabahan ako sa pagiging dominante niya. Naramdaman niya rin siguro ang presensiya ko dahil mabilis siyang lumapit sa akin.

"Hi Marz," masaya niyang tawag sa akin at lumapit para bumeso.

"Long time! Where have you been?"

Nag-angat siya ng balikat at ngumiti. "I just fixed some company glitches."

Napa-o ang bibig ko at tumango na lang. Napatalon ako sa biglang pagbukas ng pinto ng aking office. I looked around and saw Yuki wearing his man bun. Nagtaas agad ako ng kilay.

"Yes?"

"I heard na nandito si Fernan," inosente niyang tugon at bumaling sa bisita. "How are you?!"

I rolled my eyes. Hindi ko inakala na ang obvious maging plastic nitong si Yuki.

"I'm good."

Fernando got near to Yuki. Obvious naman sa katawan na mas lamang si Fernando but Yuki is taller than him.

"Okay. So bakit napabisita kayong dalawa?" pakunwari kong tanong para kumalma ang dalawa.

Tumingin sa akin si Fernando. "Siguro naman mapagbibigyan mo na akong mag-lunch tayo."

Natawa ako sa Filipino accent ni Fern kaya mabilis kumunot ang noo ni Yuki.

"Okay," nakangiti kong sabi.

"What okay?!"

Napatingin ako kay Yuki na pulang-pula na. Tinaasan ko siya ng kilay bago nagpatuloy.

"Okay na mag-lunch kami."

Gulat na gulat si Yuki pero mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

Sa'yo AkoWhere stories live. Discover now