Chapter Twenty-Five: Ice Cream

163K 3K 57
                                    


"Unbelievable," mahinang sabi ni Samantha habang papalayo siya sa kapatid. Kagaya pa rin ng dati ang kapatid niyang si Nicky. Walang pinag-iba.

Nicky has always been envious of her. Anything that involves her is like a competition for Nicky. Ang attention ng mommy at daddy nila, at ngayon naman si Adrian. Napabuntonghininga siya. Ano bang gagawin niya kay Nicky?

She continued walking with her head down. Naisip niya na siguro ay dapat hayaan na lang niya ang kapatid. If she succeeds in seducing Adrian, mas mabuti. She can finally be with Miles.

Bigla siyang nalungkot nang maalala si Miles. Bakit kaya hindi nito sinagot ang emails niya? Bumalik na kaya ito sa Singapore? Baka naman hindi tama ang email address na ginamit niya. Baka....

Napatigil siya sa paglalakad nang makita ang isang batang babae na umiiyak. Nakatayo ito sa gilid ng puno ng niyog, hiding behind her little hands. Sa tingin niya she's about 5 or 6 years old. Nilapitan niya ito.

"Iha?" Naupo siya sa harapan nito. Kaagad niyang nakita ang galos sa kanang siko. "Anong nangyari?"

Tila hindi naman siya narinig nito kaya't hinawakan niya ito sa balikat. Mabilis na ibinaba ng bata ang mga kamay mula sa mukha at tiningnan siya sa mukha.

Ngumiti si Samantha ngunit lalo lamang umiyak ang bata.

"Shh...Tahan na,"natatarantang sabi ni Samantha habang pilit na pinapatahan ang bata.

"Samantha?"

Nag-angat ng tingin si Samantha at nakita si Adrian. Lumapit ito sa kanila.

"Anong nangyari?" Ang tanong nito habang nakatingin sa bata.

"I think she's lost," sagot niya. "I can't seem to make her stop crying."

Nilapitan naman ni Adrian ang bata. He took her little hands away from her face.

"Little girl? What's your name?" Tanong ni Adrian dito.

Sandaling natahimik ang bata at pinagmasdan nito si Adrian. Ganoon din ang ginawa nito kanina kay Samantha. Tinitigan siya nito at umiyak ulit.

"Sa tingin ko—"

Hindi na naituloy ni Samantha ang kanyang sasabihin nang makita nitong niyakap ng bata si Adrian.

"Hey!" Nakangiting sabi ni Adrian at niyakap rin ang bata.

Nagkatingin silang dalawa. Nagkibit-balikat naman si Adrian.

Hindi alam ni Sam kung bakit but she felt touched nang makita ang concern ni Adrian sa batang babae.

Nang hindi na muling umiyak ang bata ay hinarap ito ni Adrian at tinanong.

"What's your name?"

Hindi sumagot ang batang babae. Tila hindi nga nito naririnig ang binata.

"Wait? Are you...?" Hinawakan ni Adrian ang balikat nito ng bata para makuha ang atensyon nito. The little girl started to move her hands. Nagkatitigan sina Samantha at Adrian.

"She's mute?" hindi makapaniwalang tanong ni Samantha. Ngunit lalo siyang hindi makapaniwala nang makita si Adrian na ginagalaw ang kamay sa harap ng bata.

"What's your name?" Tanong ni Adrian as he moved his hands at nagsimulang mag-sign language.

Hindi makapaniwala si Samantha. He can do sign language?

Hindi siya nagsalita. Nakatayo lamang siya doon habang nakatingin sa binata. She's really surprised. Who would've known na marunong pala itong mag-sign language.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Where stories live. Discover now