Chapter 7: Coincidence

72 3 0
                                    

Luke 1 POV

-Naka sakay na ako sa jeep at nagiisip sa mga nangyari kanina sa bahay. I still can't believe that I saw my future self. Paano ko yun nagawa? Will I be able to do that again? Haist. Maybe nababaliw lang ako.

Ilang oras din ang biyahe kaya naka idlip pa ako. Na refresh nang konti ang aking isipan dahil duon. Ngayong dumating na ako sa University ko,

agad akong tumungo sa classroom ko, at pagkatapos ay agad akong umupo sa upuan ko which is sa may likuran. Tinignan ko si Ejam at tulog nanaman siya.

Nakahiga ang kanyang ulo sa kanyang kanang kamay, habang nakavukas ang kanyang bibig, tumutulo ang laway. Ginising ko sya at sinabihan ko sa nangyari kaninang umaga.

"Ejam! Ejam! HUY gising may sasabihin ako sayo!,"

"Mhm, mamaya nalang Luke inaantok pa ako, hayaan mo muna ako matulog"

"Ha? Importante to huy. Makinig ka sa'kin. Nakita ko ung future self ko sa bahay ko kanina"

"Teka-teka, anong sabi mo?" at sa huli, nakuha ko din atensyon nya.

"Nakita mo ung future self mo sa bahay?" Sabi nya. Napatingin sya sa'kin na para bang ako ay nababaliw na kung isipin ay parang ganun na nga.

"Oo. Hindi ko ma explain kung paano nangyari yun. Pero pag gising ko kaninang umaga may nakita ako nakahiga sa sofa namin."

"Wala ka bang proof? Mahirap paniwalaan yan.  Avid fan ako ng Time Travel pero ikaw? Time traveler? Mahirap paniwalaan yan Luke." Mukhang hindi sya naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Baka! baka nag lucid dream ka! Turuan mo nga ako! Alam mo namang atat na atat akong magawa iyan.." kininang ang kanyang mga mata. Nako naman parang bata ang pagiisip niya.

"Maniwala ka sa'kin Ejam. Nakita ko ung future self ko na nakahiga sa sofa namin. May sinabi pa nga sya sa'kin na mangyayari daw ngayong araw."

"O sige nga, sabihin mo kung ano ang mangyayari ngayong araw."

"Ang una niyang sinabi ay magkakaroon ng surprise quiz sa Calculus at babagsak ka. Dahil sa puyat mo kakanood ng anime kagabi."

"Ha? Paano mo nalaman na nag puyat ako kakanood ng anime kagabi?"

"Sinabi yan nung future self ko. Hindi lang yan ang sinabi nya,"

"Ano pa ang sinabi niya" sabay pag lapit ng kanyang ulo malapit saakin.

"Mag ri-ring ung bell ng wala sa oras, at tsaka mag o-open ung microphone sa office ni PrincEpal" pagpapaliwanag ko.

"Oh? Bakit naman?"

"Well ang sabi niya sa'kin mag ri-ring daw dahil sa pag pull ni Joshua nung lever."

"Joshua? Ung Bully? Hay nako hindi talaga magbabago yun."

"Haha yun nga din ang akala ko nung una. Pero hindi nya ginawa yan kase nang bu-bully sya pinull nya ung lever kasi binubully sya."

"Ha? Sino naman ang mang bu-bully sa bully?" Napakamot sya sa ulo nya

"Well apparently ung old buddies nya."

"E ung kay PrincEpal? Anong meron sa microphone nya?"

"Mapipindot daw niya ung on button habang kausap nya yung nanay niya sa phone habang pinapagalitan sya."

"Haha. Siryoso ka ba jan?"

"Oo nga."

"Can't waittt."

"Crap, babagsak pa din ako sa Calculus. Luke help meeee naman jan."

"Hmm. What will I get in exchange?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DreamScade (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon