CHAPTER 1

141 17 1
                                    

Malakas na ihip ng hangin ang sumalubong sa 'kin pagkadating ko dito sa malapascua. mga huni ng ibon at alon ng tubig sa dagat ang maririnig sa kasagsagan ng umaga. kakarating ko lang dahil hinatid namin ni nanay si untie sinang sa cebu dahil doon na ito mananatili. nag stay lang kami ni nanay ng isang linggo bago nag desisyon na bumalik na dito. Ito ang binabalik balikan ko dito sa pascua, tahimik at ramdam ko ang kapayapaan sa a'king puso dahil sa malinis na hangin at kapaligiran. kung papapiliin ako'y dito nalang ako mananatili, subalit kagustuhan ko rin makapag aral sa pinapangarap ko'ng paaralan sa manila. kung mag kakaroon naman ng pagkakataon ay babalik parin ako dito.

Sa pagisip isip ay nakarating na 'ko sa dulo ng pangpang. Mayroong malaking bato at nagtataasang mga talahib, tinatawag nila itong bahib dahil bukod sa may malaki itong bato at maraming talahib, masyado rin mapanganib ang parteng ito. kaya naman walang nagbabalak pumunta dito.

Ano kaya ang may'roon dito? bakit ganun nalang sila natatakot magtungo sa parteng ito.

Abot abot ang kaba ng dahan dahan kong hinawi ang nagtataasang talahib. masyado masukal ang daan kaya nahirap a'kong makadaan. Naisip ko'ng bumalik na sana dahil sa gasgas na natamo ng a'king kamay at binti. Paniguradong papagalitan ako ni nanay neto pagnagkataon. mas maingat pa naman iyon sa 'king katawan keysa sa kaniya. ayaw niya raw kasing masugatan ang makinis kong balat na namana ko sa a'king amerikanong ama. Napatigil lang ako ng masaya 'kong natagpuan ang isang malawak pero may kalumang palasyo.

wow. kaya ba pinagbabawal ang magtungo rito dahil may ganitong palasyo? kanino naman kaya ang bahay na ito? may nakatira pa kaya dito?

Kahit dahan dahan lang ang a'king pag bukas sa lumang gintong gate ay rinig parin ang ingay neto dahil sa kalumaan. nang mapagtagumpayan kong buksan ito ay hindi na 'ko nag alinlangang pasukin ang loob. wala naman sigurong tao dito. Pero paano kung hindi tao ang nakatira diyan Laarni? sa laki at kalumaan neto baka may mga multo na ang naninirahan dito. agad akong napaatras ng makarinig ng yabag. nagtago ako sa gilid ng halaman kung saan may lumang upuan na nakaharang.

Isang lalaking may kulay berdeng mata ang lumabas mula sa malaking pinto. Matangkad ito at bumagay ang kayumanging balat sa kaniyang matipunong katawan. ang makapal na kilay at pilik mata ang nagbigay perpekto sa kaniyang matangos na ilong at binagayan naman ng kaniyang mapulang labi. mas maganda pa ata ang labi niya keysa sa'kin. ano kayang feeling na mahawakan ang muka nito? agad ding namula ang aking pisnge sa naisip. nakakahiya! ano nalang kaya ang sasabihin nito kapag nalaman ang iniisip ko. dahil sa pagkamangha sa kaniya ay diko napansin na nasagi ko ang upuan na humaharang sa 'kin.

"no one is allowed to enter here, iknow you know that". Aniya na may kadiinan. mahinang pinukpok ko ang aking ulo gamit ang kamay. Ano nalang ang idadahilan ko dito? gusto ko nalang biglang tumakbo.

nakayukong nilingon ko ito. ramdam ko ang nginig ng aking tuhod dahil sa kaba. dumagdag pa ang mga pantal na natamo ko sa masukid at talahib na daan.

"pasensiya na, nahiwagan lamang ako dahil pinagbabawal ang pagpunta dito". sagot ko sa kaniya. Inangat ko ang tingin at agad napako sa kulay berde niyang mata. napakaganda nito at payapa kung titignan. hindi ata ako magsasawang titigan ang kaniya mata. hindi ko namalayang nakatitig narin ito sa 'kin. agad akong nailang at iniwas ang tingin. nakakahiya!

"a--ah pasensiya na. aalis nako". sabi ko at aalis na sana pero hinawakan nito ang kamay ko. nanlaking matang nilingon ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. para akong napaso at nakuryente! agad din niyang inalis ang kamay ng makita ang tingin ko dito. naramdaman niya rin kaya yung naramdaman ko?

"you have wounds on your hand and legs". Medyo paos na aniya. Lingon ko ang binti na puro pantal at gasgas. hala yari ako nito kay nanay!

"nagasgas lang sa mga talahib. masyado na kasing malalaki". sagot ko. gagamutin ko muna ito bago pa makita ni nanay. naalala ko dati ng minsa'y naglaro kami ng patintero at nasugatan ako sa tuhod. umuwing umiiyak ako dahil pinagtawanan ako ng mga kalaro. imbis na alunin ako ni nanay ay pinitik pa nito ang noo ko. ang panget na daw tignan ng maputi at makinis kong balat. buti nalang kamo ay nawala rin ito kalaunan.

"panget naba yung balat ko?" seryosong tanong ko dito. napanguso ako ng maramdaman ang hapdi at kati sa binti at kamay. nilingon ko siya pero nakatitig lang ito sa'kin at mapaglarong umangat ang kaniyang kanang labi bago umiling.

"let's clean that first, then add some medicine". aniya. tumango lamang ako bago siya sinundan.

napahinto ako ng tumigil din siya sa pag lalakad at nilingon ako. umangat ang kaniyang isang kilay at nagtiim bagang. nanlaki ang mata ko ng marealize na sinunda ko siya sa loob. hindi niya'ko inaya pumasok! hala nakakahiya bat ako pumasok! agad napamulahanan ang muka ko kaya nakagat ko ang ibabang labi. kung nakikita lang ako ni nanay ay paniguradong sinambunutan na'ko nun sa kahihiyan!

"s--sorry, ah--hmm akala ko papas--"

"just follow me". Agap niya bago ako sinenyasan na umupo sa sopa nila.

Tahimik na umupo lang ako at sinundan siya ng tingin. pumasok siya sa isang kwarto na wari ko'y storage room nila. may pagkaluma na ang bahay na ito pero nangingibabaw parin ang ganda at mamahaling mga gamit. ang kulay gintong sala ay bumagay sa silver na chandelier light bulbs nila. Isang mahabang gawa sa kahoy naman ang makikita sa gilid ng naglalakihang larawan. Batid kong ito ang kanilang family picture. maganda ang kanilang lahi, halatang may lahi silang kastila. pare pareho silang kulay berde ang mata. ang kaniyang mga magulang ay nakasuot ng nagkikinangang mga alahas. ang lalaki sa kanan ay batid kong panganay sa kanila. masyadong seryoso at madiin ang titig nito sa camera. ang nasa kaliwa naman ay seryoso rin pero halata ang mapaglarong ngisi nito sa labi. dumapo naman ang tingin ko sa larawan niya. katulad ng mga kapatid ay seryoso rin itong nakaharap sa camera pero nakakunot ang noo. bumagay sa kaniya ang suot niyang black at silver. hindi ko maipagkakailang magaganda silang lalaki. kung tutuusin ay pwede na sila mapagkamalang hari.

"let me see your hands". napalingon ako sa kaniya ng hinawakan niya ang kamay ko. seryosong kinuha niya lang ito bago sinimulan ang pag gagamot. hinayaan ko lang siya sa ginagawa habang nililibot ko parin ang mata. Nang maramdaman ang katahimikan ay binasag ko na ito.

"ah' sainyo ba ang bahay na ito?" tanong ko.

"hmm, this is my grandma's rest house". Sagot niya. seryoso parin sa paglilinis ng sugat sa tuhod ko. Pansin ko sa kaniya ay masyado siyang seryoso at hindi pala salita.

"ganun ba. oo nga pala, pasensiya na kung pinasok ko itong palasyo niyo".seryosong sabi ko. na guilty naman ako dahil bigla bigla nalang akong pumapasok kahit may nagmamay ari pala ng bahay na ito. masyado talaga akong nadala sa kuryusidad. Kunot noong nilingon ako nito.

"you should not enter the house if you're not familiar on it". seryoso at may diin na aniya. kagat labing nilingon ko nalang ang mga sugat na nilinis na niya. hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. pero alam kong pinapahiwatig niya na hindi magandang pumasok sa bahay ng may bahay.

"what will you do if the stranger something do to you? you are alone and--- damn!" Daretsong tumingin lamang siya sa'kin ng marealize ang sinabi, umiling siya bago tumayo.

nakangangang nilingon ko nalang ang likod nito ng pumasok ito sa isang kwarto. bakit parang galit siya. may nagawa ba'ko? ano ba ang ibig niyang sabihin. Paglabas niya sa kwarto ay hinagis niya sa'kin ang isang kulay itim na jacket.

"go home". Aniya at nauna ng lumabas.

Tinitigan ko muna ang jacket bago kinuha ko at dahandahang lumabas ng pinto. Hindi ko alam kung bakit parang galit siya. kung nagagalit siya dahil sa pagpunta ko dito sa palasyo nila ng walang paalam ay tanggap kong kasalanan ko. Mas lalo tuloy akong na guilty dahil tinanggap niya'ko ng maayos at ginamot pa ang sugat ko. babawi ako sa susunod! tama, dadalhan ko siya ng luto ni nanay!

"salamat! babalik uli ako". sigaw ko dito bago sinara ang gate.

instagram./mae1yy_

twitter./mae1yy_

facebook./LykaHibaya

PLEASE VOTE ^_^

THAAANKYOUUUUUU GORGEOUS

-eamkaly

Pulling Myself out (On-going)Where stories live. Discover now