CHAPTER 2

90 14 6
                                    

Kahit sa palengke ay pinagkekwentuhan ang magaganap na kasiyahan mamaya. excited ang lahat kaya marami na agad tindahan ng mga gulay at isda ang nagsara. maaga pa pero nagsisisarahan na sila. buti nalang kamo ay may naabutan pa kami ni nanay. pagkatapos mamili ay dumaan muna kami sa isang sikat na store dito sa pascua.

"nay' bat tayo nandito?" tanong ko kay nanay ng pumasok kami sa loob. iniwan lang namin kay mang tonyo ang mga pinamili na rekados. si mang tonyo ang driver ng mga kasambahay sa palasyo salavedra.

"pipilian kita ng susuotin, dadating ang mga senyorito mamaya". sagot ni nanay habang namimili ng damit ko. bakit kailangan sa mamahalin pa, hindi rin naman ako makikisaya mamaya dahil wala naman akong kakilala doon.

"Nay, umuwi na tayo hindi naman ako sasali sa kasiyahan mamaya. Isa pa ang mamahal ng damit dito". Aya ko sa kaniya ng makita ang iilang presyo nito. pero umiling lang siya at pinatong sa'kin ang napiling damit.

"wag yan, masyadong luma ang dating". Aniya at inalis din yun. hinayaan ko nalang siya sa pagpili ng damit. napalingon ako ng makitang marami ng kababaihan ang nakapila sa bayaran. Habang busy naman ang iba sa pagpili ng mga susuotin. rinig ang bulungan at bungisgisan ng mga kababaihan na namimili ng kanilang kasuotan. excited ba sila dahil may kasiyahan mamaya? o dahil dadating ang mga senyorito? sa tagal na pagtatrabaho ni nanay sa mga salavedra ay hindi ko pa kailan man nasilayan ang mga senyorito.

"excited na'ko makita si senyorito polo". nagulat ako ng maring ang boses ni matilda. kasama niya ang kaniyang kaibigan na si arella. Namimili rin sila ng susuotin mamaya. tinignan ko ang kanilang basket at napanganga ng makitang ang daming damit at sandalyas ang naroon. magkano kaya ang lahat ng iyan? sasakit siguro ulo ni nanay kung ako bibili ng mga ganyan. buti nalang ay hindi ko hilig ang mamahaling kasuotan, hindi rin naman namin kaya.

Galing silang dalawa sa makapangyarihan na pamilya dito sa pascua. Marami ring nagkakagusto sa kanila dahil sa ganda at estado nga ng kanilang buhay. si matilda ay anak ng isang prinsipal sa elementarya ng pascua. habang isang bise mayora naman ang kaniyang ina. Si arella naman ang anak ni mayor birdo at doña sarsela.

"sisiguraduhin kong mapapansin ako ni senyorito marino at leojandro". sagot naman ni arella. Napalingon silang dalawa sa gawi namin, nagtataka kung bakit nandito ang kagaya namin. tinaasan lang ako ng kilay ni matilda kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hindi ka dapat nagpapatalo sa mga yan laarni, dapat ay mapansin karin ng isa sa mga senyorito". kunot noong bumaling ako kay nanay. bakit naman ako mag papapansin? ano naman kung hindi ako pansinin ng isa sa mga senyorito? mas pabor nga sa'kin iyon dahil makakaiwas ako sa mga away.

"ayoko po mapansin. panigurado akong masusungit ang mga ito". sagot ko. Ang katulad ko ay hindi dapat nakiki paghalubilo sa mga senyorito. panigurado naman akong sina matilda at arella ang mapapansin nito. wala rin naman akong balak magpapansin sa mga ito. mas gusto ko paring ang estranghero na nakatira sa lumang palasyo. Nandun kaya siya ngayon? hindi naman siguro ito magagalit kapag bumalik ako dun. naalala ko dadalhan ko pala siya ng pagkain. Tatakas nalang ako sa kasiyahan mamaya.

"sa ganda at kinis mo laarni siguro akong mapapansin ka ng isa sa mga ito". Aniya pa.

Pagdating ng hapon ay sinundo na'ko ni nanay sa bahay para pumunta sa palasyo. dahil tapos na silang magluto at maghanda para mamaya, kinausap na ni nanay si ate mara para magpatulong na ayusan ako. masayang tinanggap ito ni ate mara at isang probelehiyo daw para sa kaniya na siya ang kauna unang mag aayos sa'kin. natawa nalang kaming lahat sa kakulitan niya.

"maganda na ang muka mo, hindi mo na kailangan ng makapal ng make up". Agad kong tinakpan ang muka ng maramdaman ang pamumula nito.

"look at the mirror, you freaking look like a goddess. kung ako lang may ganyang ganda, nirampa ko na yan matagal na haha". Aniya at natawa pa. napangiti akong humarap sa salamin. Hindi ko alam ang sasabihin, kahit ako ay nagandahan sa pag aayos niya sa'kin. ang strainght na buhok ay naging wavy, may naiwan rin na iilan na hibla ng buhok sa aking noo. ang kilay ay bumagay lamang sa nakaangat kong pilik mata, mas lalong naging matangos tinganan ang aking ilong dahil sa makeup. bumagay ang brown at gold eyebrow sa aking brown na mata. napangiti ako ng makitang parang natural lang ang pula ng aking labi.

Pulling Myself out (On-going)Where stories live. Discover now