Chapter 4

5.2K 222 5
                                    



Bukas na ang biyahe nila papuntang Rancho na sinasabi ni Jace, kinakabahan siya na hindi niya alam, excited ba o ano, kitang kita niya kung gaano kasaya ang mga anak niya nang sabihin ni Jace na pupunta daw sila nang Rancho Montenegro, yun ang hindi niya kayang ibigay sa mga bata, ngayon na may daddy na ang mga anak niya, siya naman, hindi niya alam kung saan siya lulugar sa buhay nang lalaki, ang alam lang niya ina siya nang mga bata, nagpahalik at nahawakan na siya't lahatlahat ni Jace, may anak na nga sila, wala na siyang itatago sa lalaki, kulang nalang sa bahay na nila titira ang lalaki, araw araw dun ito tumuloy Pagkatapos nito nang trabaho, naawa na siya kay Jace, alam niya pagod ito sa trabaho pero nagagawa parin itong dumalaw sa kanila.

Tulad ngayon, anong oras na, alas diyes na nang gabi pero wala parin si Jace na dumating, kanina lang nagtxt sa kanya na hintayin niya daw ito, kakatulog lang ang mga bata, hindi na nila kinaya at nakatulugan nila ang kakaantay sa daddy nila.

Ilang minuto pa ang lumipas at may narinig siyang nag door bell, malamang si Jace na yun, para siyang teenager na na'excited sa pagdating nang manliligaw niya. Pagbukas niya nang pintuan, mukha ni Jace ang nabungaran niya.

"Good evening, sweety, pasensya na late na ako." Sabi nito. Naisip niya tuloy, lasing ba to, itsura nito kasi.

"Pasok ka." Yun lang ang nasabi niya at iniluwang ang pintuan para makapasok ito.

"Ang mga bata?" Tanong nito nang makapasok.

"Tulog na sila, kanina ka pa nila inaantay ang mga yun, gusto mo nang kape ipag timpla kita." Sabi niya dito. Napansin niyang nakatingin lang ito sa kanya.
"Huyyy, ano?" Sabi niya dito, medyo naiilang kasi siya sa paraan nang pagtitig nito sa kanya.

"Ikaw!"

"What?" Gulat niyang sabi dito.

"Tinatanong mo kung ano ang gusto ko, right?" Sabi nito na humakbang palapit sa kanya, nasa kusina na pala sila.

"Kape kako, kung gusto mo." Sabi niya dito, pero hindi parin tumigil ito sa kakalapit sa kanya habang siya paatras nang paatras hanggang sa mapasandal siya sa may refrigerator. Hanggang sa nakalapit ito sa kanya at tumayo sa harapan niya.

"I don't want coffee, I want you." Sabi nito na dahan dahang yumuko para pumantay ang mukha nito sa mukha niya.

Natulis siya sa kanyang kinatatayuan, nalalanghap na niya ang hininga nito, amoy alak pero parang ang bango sa kanyang pang amoy, ano bang nagyayari sa kanya, para siyang nalalasing sa kanyang naamoy, pumikit nalang siya para antayin ang paghalik ni Jace sa kanya, walang sabi sabing hinalikan nga siya nito, Napa dilat siya nang mata nang naramdaman niyang umangat siya. Yun pala binuhat siya ni Jace.

"Ang liit mo." Sabi nito nang pakawalan nito ang labi niya.

"Ibaba mo ako Jace." Sabi niya dito pero napahawak siya sa batok nito.

"Later sweety." Sabi nito at lakad palabas nang kitchen.

"Hoyy, nakainom ka, pag akoy nahulog, makakatikim ka sakin."

"Nang ano?" Sabi nito nang tumigil sa paglalakad nasa hagdan na sila.

"J-Jace ibaba mo na kasi ako." Sabi niya dito.

"Nakainom lang ako tart, hindi ako lasing, don't worry." Sabi nito.

Napatigil siya sa narinig, hindi sa nakainom lang o kaya sa don't worry na yun, kundi sa tart na  sinabi nito, hindi niya alam pero parang nasaktan  siya sa narinig.

"Heyyy, what are you thinking?" Sabi nito nang ibaba na siya, nasa kwarto na pala sila ni hindi man niya namalayan nakapasok na pala sila.

"Sinong tart?" Hindi niya napigilan ang sarili at tinanong niya ito, pero imbes na sumagot  humagalpak ito nang tawa.

"Are you jealous? Of course, ikaw, tart, sweetheart, short cut , are you happy."

"Selos yang mukha mo! hindi ako nagseselos." Sabi niya dito, tumalikod siya, para hindi nito makita ang ngiting pilit niyang tinatago.

Selos nga ba yung Naramdaman niya kanina.

"Aayy!!!" Napatili siya nang bigla siya nitong yinakap sa likod sabay hawak sa dibdib niya.

"Wag kanang mgselos, ikaw lang ang tinawag kong sweetheart, wala nang iba." Sabi nito pero ang kamay nito busy sa dibdib niya.

"Pero marami kang babae?" Sabi niya dito, na ikinatigil nito sa ginagawa.

"Yes, inaamin ko, sa klase nang trabaho ko, kung saan kami mapadpad, may babae, until I meet you." Sabi nito, humarap siya kay Jace, nakita niyang seryoso ito.
"Nung gabing may nangyari satin, hinanap kita, bumalik ako sa kung saan tayo nagkita pero walang makapagsasabi kung nasaan ka." Sabi nito.

"Bakit mo to sinasabi?" Tanong niya dito.

"I don't know, sa totoo lang hindi ko rin  alam."

"Ayoko lang na darating ang araw na masasaktan ang mga bata, nakita ko ang saya nila nang malaman nilang may tatay pala sila." Sabi niya dito. Umupo ito sa kama, nagulat  nalang siya nang bigla siyang hilain, yinakap siya nito at isinubsob ang mukha nito sa tiyan na.

"I promise."












Titig na titig si Jace kay Gabby habang natutulog ang dalaga, nung tanungin siya nang dalaga tungkol sa babae niya, nagulat siya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya, hindi niya alam kung bakit nasabi niya ang mga yun sa dalaga kanina. Kung bakit nag promise pa siya dito.

Inaamin niyang marami na siyang nakaniig, pero sa lahat nang babae sa buhay niya si Gab lang ang hindi niya nakalimutan, minsan pa pangalan nang dalaga ang nababanggit niya tuwing may makaniig siya, tuloy nagagalit ang mga babae sa kanya pag pangalan nang dalaga ang nabanggit niya. Hanggang sa nawalan na siya nang gana sa babae. Ayaw na niyang tumikim, nagtataka na nga ang mga kaibigan niya tuwing inaaya siyang mag bar, minsan kasi inaayawan niya.7

Sumasama naman siya, pero hanggang inom lang, tulad nalang kanina kaya siya nalate nang uwi, naki' jamming kasi muna siya sa mga kaibigan niya.

Hinalikan niya sa noo ang dalaga at niyakap niya ito, Pagkatapos nang nangyari sa kanila nakatulog agad ito. Nangingiti siya nang maalala niya ang pagniniig nila nang dalaga. Nangako siya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat para hindi masaktan ang dalaga lalo na ang mga anak niya, hindi niya alam pero masaya siya tuwing kasama niya ang mga ito. Bukas dadalhin niya sa Rancho ang mga anak niya kasama ang dalaga.

Thank you very much.

-Lhenxychixs.

I'm With You -Shalton Jace Montenegro Where stories live. Discover now