Chapter 5

5.4K 208 12
                                    

Pasensya ho sa spelling at grammar walang edit kasi, Salamat.

Nagising si Gabby sa ingay sa kanyang paligid, pilit niyang idinilat ang mata para tingnan kung sino ang nag'iingay.

"Sshhhss, wag kang maingay magigising si mommy sayo eh!"

"Eto oh dalhin pa natin to, eto pa."

"Lower your voice please."

Nawala ang antok niya nang makita ang dalawang anak niya, sila pala ang naririnig niyang maingay.

"Morning kidos."

"Mommy!" Nagulat pa si Sky pagkarinig sa kanya.

"See! I told you."

"It's ok baby."

"Sorry mommy, I woke you up." Sabi naman ni Summer.

"No princess, it's ok, ano bang ginagawa niyo?"

"Sabi kasi ni daddy dadalhin daw niya tayo sa Rancho nila, daddy said, they had a lot of horses there, kaya nag iimpake na kami."

"I Finish already, I pack yesterday, asan ba ang tatay niyo?"

"Nagluluto po."

"Haa!!! Anong oras naba?"

"Seven o'clock mommy."

"Oohh holy!!" Bigla siyang bumalikwas at isinuut ang tsinelas.
"Halina kayo, bakit hindi niyo ako ginising?"

"Sabi kasi ni daddy hindi ka na muna gigisingin." Sabi ni Sky.

"Bilisan niyo na baba na tayo, nakakahiya naman sa tatay niyo siya pa pinagluto natin." Sabi niya pero hindi sumunod sa kanya ang mga bata, nakatingin ang mga anak niya lang sa kanya.
"Ohh ano pang hinihintay niyo halina kayo."

"Are you out of your mind mom?"

"Why?"

"You're going out with like that mommy?" Sabi ni Summer na nakaturo pa sa kanya ang kamay nito. Dahan dahan siyang tumingin sa salaming nasa kwarto niya.

Nan laki ang mata niya pagkakita sa itsura niya. Ang gulo nang buhok niya wala sa ayos ang damit niya. Napangiwi siya sa nakita, naalala niya hindi pa siya nakapaghilamos man lang at nag toothbrash, haharap siya kay Jace na ganun ang itsura, sa pagkataranta niya hindi na niya  naisipang ayusin ang sarili. Tumingin siya ulit sa salamin nang may maalala, sa pagkatanda niya wala siyang damit na natulog kagabi, pagkatapos nang nangyari sa kanila ni Jace, basta nalang siya natulog . Ibig sabihin dinamitan siya ni Jace bago ito lumabas.

"Mommy! Are you okay?"

"Ah, Oo naman anak, ok lang si mommy, saglit lang, mag'aayos muna ako ha." Sabi niya sa mga anak niya. Nahiya naman siya sa mga anak niya, ano bang nangyayari sa kanya.

"Mauna na kami mommy, wait ka nalang namin sa kitchen."

"Okay princess."

Nagmamadali siyang nag shower pagkatapos ay lumabas na siya. Nagulat siya dahil pagkalabas niya nang banyo sinalubong siya nang isang yakap na nag'paangat pa sa kanya.

"Put me down, Jace, ano ba?"

"Mmmhh, ang bango, sarap papakin." Sabi nito. Konti nalang matatanggal na ang nakatapis sa kanya.

pagkatapos niya kasing nag'shower basta nalang siyang nagtapis nang towel na ni isang pang loob wala siya.

"Ano ba! Jace." Sabi niya pero ang hinayupak niyang katawan, nakikiliti siya sa ginagawa ni Jace sa kanya.

Tuluyan nang natanggal ang towel at nahulog sa sahig. Napakapit siya sa batok ni Jace, pakiramdam niya kasi nawalan siya nang lakas, lalo na nang  kagat kagatin  nito ang utong niya.

"Mommy! Mommy!" Narinig nilang sigaw nang nasa labas.
"Mom! Are you finish?" Si Sky pala.

"Yes, honey, saglit lang, magbibihis lang ako." Sabi niya.

"Bitin!" Narinig niyang sabi ni Jace na ibinagsak ang katawan sa kama pagkatapos siyang ibaba.

"Tumahimik ka diyan, aga aga naman kasi."

"Bakit ikaw hindi ka nabitin?" Ibinato  niya dito  ang hawak niyang damit. Tawa lang ang narinig niya dito. Tumalikod siya at isinuut ang napili niyang t-shirt at short. T-shirt lang naman at short ang suot niya.

Nagulat siya nang yakapin siya sa likod.

"I'll wait you at downstair, tapusin mo na yan, baka mainip nanaman ang mga bata." Sabi nito, hinalikan pa siya sa noo bago siya  iniwan.

Dali dali niyang inayos ang sarili at lumabas na siya nang kwarto.





Nasa isang mall sila nang mga anak niya kasama si Jace. Sabi kasi nito mamimili lang sila nang pasalubong sa mga kasambahay at sa manang Amanda nito na siyang tumatayong nanay daw nila. Sa totoo lang kinakabahan siya na excited, halohalo na ang kanyang nararamdaman. Iniisip niya kasi pano kung hindi tanggapin nang pamilya ni Jace ang mga anak niya. Ok lang naman sa kanya kung siya lang ang hindi matangap nang pamilya ni Jace, wala naman silang relasyon, pero yung mga anak niya, hindi niya kayang makita na masasaktan ang mga bata.

"Heyy, are you okay?" Nagulat siya nang kalabitin siya ni Jace.

"Ha!! Ah, okay lang ako." Sabi niya dito.
"Mmmhh, Jace, aahhh, h-hindi na kaya kami sasama sayo." Sabi niya dito na kinagat pa niya ang isang daliri nang kamay niya. Nakita niya kasing nangunot ang noo nito sa sinabi niya.

"What??" Sabi nito na medyo kalakasan kaya napatingin sa kanila ang dumadaang mga tao.

"Eto kung maka what ka naman akala mo kung bingi ang kausap!" Sabi niya dito.

"Bakit, may problema ba tayo? Tanong nito.

"Wala! Eh, kasi, b-baka kasi ayaw nila sa mga bata, ayako naman na masaktan ang mga anak ko."

"Natin!"

"Oo na, natin, ang akin lang naman ayokong masaktan ang mga bata." Sabi niya habang nakatingin siya sa mga anak niyang namimili nang teddy bear.

Tawa lang ang sagot nito sa sinabi niya.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Sabi niya dito na nakataas ang kilay.

"Oh come on, sweetheart, excited pa nga silang makita ang mga bata tapos ikaw kung ano ano ang iniisip diyan. Halika ka nga dito." Sabi nito sabay hila sa kanya kaya napasubsub siya sa dibdib nito.
"Don't worry, I will not let our kids get hurt."

"Jace, is that you?" Napalingon siya nang marinig niyang may tumawag sa pangalan ni Jace.
"Ikaw nga! Long time no see, hindi kana pumupunta sa condo ko, who is she, new?" Sabi nang babae na tinuro pa siya.

"No, She's the First and last." Natahimik siya sa sagot ni Jace, ano daw? First and last siya.

"What? Oh come on, Jace, are you kidding me? Ikaw magseseryoso, I don't think so, but, anyway, welcome ka parin naman sa bahay ko eh, gaya nang dati namis ko na yun, alam mo na."

Parang nagpanting ang tainga niya sa narinig, hindi niya alam pero nasaktan siya. Tuloy gusto niyang manampal nang tao. Pero sino at bakit? Ano naman ngayon kung pumupunta si Jace sa bahay nang may bahay, sino naman siya, wala siyang karapatan, nanay lang siya nang mga anak nito. Bakit ba siya nasasaktan sa mga sinabi nang babae, sino ba ang babae sa buhay ni Jace?

Maraming salamat.

-Lhenxychixs.

I'm With You -Shalton Jace Montenegro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon