The rebirth

13.7K 219 54
                                    


Huling nasulat ni Carmela sa kanya diary ang kanyang huling hiling.

"Ang huling pag-iibigan natin ay maiisulat sa huling pagkakataon".

gustong tuparin ng Maykapal ang huling kahilingan ni Carmela dahil sa ipnakita niya tapang nailigtas ang kanynag minamahal kaya't Ipinitawag si Ms. Olivia upang bumalik sa  mundo at tuparin ang hiling ni Carmela.

 Dahil hanggang nagyon hindi pa rin nagkikita ang dalawa sa kalangitan kaya't gumawa ng paraan ang Maykapal upang sila'y magtagpo ulit na dalawa.

"Ang tadhana nila ay magtatagpo muli sa huling pagkakataon kaya ikaw Olivia ang magiting kong anghel gusto ibalik ang buhay nila Juanito at Carmela sa mundo ng mga tao. Sila ay ipapanganak muli hindi ito manggaling sa lahi ng mga Alfonso o kaya sa lahi ng mga Montecarlos kundi sa mga sanggol na malapit na mamatay. Kaya't ikaw Olivia bumababa ka na maghanap ng sanggol na pde tirahan nila Juanito at  Carmela. Huwag ka mag-alala sa kanila dalawa dahil nagbigay na ako ng sulat sa kanila. Alam kong nasasabik na sila kaya't  humayo ka na Olivia"

Sa muling pagkakataon nagkaroon ng saya ang mukha ni Olivia dahil magkakaroon ulit siya ng misyon.

Carmela:

Nagagalak ako na tinupad ang hiling ko, gusto kong umiyak sa tuwa dahil makikita ko muli ang aking minamahal na si Juanito, kahit matagal man kami maghihintay pero ang puso namin na nagmamahal ay konektado pa rin sa isa't-isa.

doon sa sulat na yun nakalagay ang lahat.

Mahal kong Anak na si Carmela,

Ako ay nabighani sa iyong tapang na pagligtas sa iyong minamahal. Kaya't bilang gantimpala sa iyong ginawa tutuparin ko ang iyong hiling na nakasulat sa iyong diary. Ngunit hindi magiging madali yun, kayo ay isisilang muli at wala kayong matatandaan sa iyong nakaraan pero ganun pa man hindi mawawala ang puso na iyong minamahal. Ako magdedesisyun kung ipapaala ko sa inyo ang inyong nakaraan.

 Juanito aking mahal antayin mo ako sa muli natin pagkikita, nasasabik na ako sa iyong yakap at halik at gusto ko ulit maranasan na sandaling maging tayo sa hinaharap.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakabalik na si Olivia sa kalangitan at nagagalak siya na nagsabi na nakahanap na siya na sanggol.

Sa taong 2069 ika 23 ng Oktubre

Isinilang ang lalaking sanggol, ngunit nung ilabas to walang iyak na narinig ni pintig ng puso walang naramdaman kaya gumawa ng paraan ang mga doctor upang maisalba ang sanggol ngunit sa oras na iyon may malakas na hangin na umuhip sa kuwarto nagtaka ang mga nurse kung bakit nagkaroon ng malakas na hangin, nakasarado ang bintana at pintuan. Rinig na rinig ang iyak ng Ina sa kanyang anak. nag CPR ang doktor ng ilang beses at nanumbalik ang buhay ng bata. Natuwa ang Ama at Ina ng sanggol kaya ipinangalan nila itong

"Caleb John G. Francisco"

Ang bunsong anak ni Mrs. Ariana Franciso at ni Mr. Vladimir Francisco na nagmamay-ari ng "Kaiser Technology".

Makalipas ang dalawang taon

2071 ika- 28 Marso

Isinilang ang babaeng sanggol sa Espanya ngunit nasa panganib ang buhay ng bata nung panahong iyon nagkaroon ng sunog sa hospital at hindi nakayanan ang usok kaya't nawalan ito ng hininga kaagad nilabas ng nurse ang bata sa silid at naghanap lalabasan, labis ang luha ng magulang dahil namatay ang kanilang anak. Ngunit sinabi ng nurse sa kanila na huwag sila umiyak dahil mabubuhay ang bata.

I love you since 1892 (the rebirth)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن