kabanata 14

878 22 5
                                    


Carla

Sa pagmulat ng aking mga mata tila ako'y nakatulog ako ng napakatagal,halos hindi ko maigalaw ang aking mga katawan dahil sa mga bendahe(bandage) napalibot sa aking kamay at paa. Pero hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ko ang isang lalaki sa aking panaginip na siya ang dahilan ng pagkagising.. at ang mga salitang hindi ko makakalimutan ay

"Mahal ko gising ka na.. matagal na akong nag-aantay sa iyo".

Sino siya sa aking buhay at bakit ang lakas ng pintig ng puso ko sa kanya.

ngunit.......napansin ko ay

Walang katao-tao sa aking silid tanging mga kagamitan lang ng ospital ang aking nakikita at para akong nahihilo, kaya't kaagad akong bumangon sa aking higaan kahit na ito'y masakit at tinanggal ko ang nakapalibot sa aking katawan at ako'y nahulog sa aking higaan pero sandali lamang ay may isang lalaking dumating sa aking silid at niyakap ako ng mahigpit at kinamusta ako.

kaagad ko siya itinulak dahil hindi ko siya kilala..at sino ba ako

bakit wala ako maalala?

Leonardo

Ilang buwan na rin ang nalilipas simula nung niligtas kita at inilayo sa iyong minamahal,kay tagal mong nakahimlay sa iyong higaan at tila walang pag-asa na mabuhay kang muli, Ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa sa iyo at nagpapasalamat ako na ikaw ay gising na.

Ilang buwan na din ang nakakalipas nung nanyari ang pinakamalungkot mong araw,Ang panahon na ayaw ko ng maulit muli nakokonsensya ako sa aking ginawa dahil hindi mo na bisita ang huling lamay ng iyong ina na sobra mong mahal dahil sa panahon na yun ay wala ka pang malay at malubha pa rin ang iyong kalusugan,hanga ako sa iyo dahil nilabanan mo ang lahat ito ka ngayon nakikita kong nakabangon na.

Pero may suliranin ako simula ng ikaw ay magising, wala kang naalala ni kahit isa, kahit ang mga mahal mo sa buhay, hindi mo rin sila maalala at ikaw ay nagdadalang tao din. Hindi ko alam ang gagawin sa mga narinig ko sa doctor.

Ang sabi niya panandalian lamang iyon ngunit

Ito ba ay magandang senyales sa akin na mapa-sa akin ka. Patawad kung gagawin ko ito sa iyo na baguhin ang iyong kapalaran, dahil ayaw ko ng bitwan ka pang muli mahal kong Carla.

baka ito na ang tamang oras na magsimula na tayo ng bagong buhay, at ang ibibigay ko sa iyong pangalan ay "Audrey Reigna Fontanilla"  at ako ang magiging boyfriend mo.

Carla: Sino ka?! bakit mo ako niyayakap..

Leonardo: Ako to mahal ang iyong boyfriend na si Ron Carcerro , at ikaw naman si Audrey Reigna Fontanilla

Carla: Gaano na tayo katagal na magkarelasyon?

Leonardo: Itong taon lamang mahal ko, ngunit sa kasamaang palad ay naaksidente tayo dalawa at iyong buhay na sa kritikal na kondisyon at nagpapasalamat ako na ikaw ay gising na..

Niyakap ko siya ulit ng mahigpit at niyakap niya rin ako, kay sarap ng pakiramdam na sa akin na siyang muli, patawad munti kong kaibigan na si Caleb kailan man ay hindi mo na siya makikita pang muli at ako na rin ang magsisilbing ama sa iyong magiging anak.

Tagapagsalaysay

Sa pag-gising ni Carla ay sinuri muli ng doktor ang kanyang katawan kung ito ba ay may problema at sinumulan na din nila ang paglalakad muli ni Carla dahil hindi niya ito maigalaw, inalalayan ni Leonardo si Carla sa pagkain si leo mismo ang nagiging kamay ni Carla habang ito'y nagpapagaling.

I love you since 1892 (the rebirth)Where stories live. Discover now