Kabanata 13

804 29 4
                                    

Tagapagsalaysay:

Madam Olivia: kamusta ka na John?

John(Juanito): Sinong John ang iyong sinasabi Madam Olivia?Ang sakit pa rin ng ulo ko.. ang tagal ng aking tulog..

Madam Olivia: Juanito ikaw ba yan?

John(Juanito): opo Madam Olivia..Ako po si Juanito patawad kung ngayon lang ako nagising..

Nagulat si Madam Olivia sa kanyang narinig..hindi niya alam kung totoong si Juanito ang nagsasalita.

John(Juanito): Nasaan ang aking mahal na si Carmela, Madam Olivia? Andito ba siya..ako'y nasasabik na siya ay makita..

Hindi alam ni Madam Olivia kung paano niya sasabihin na wala na ang kanyang minamahal kaya dineretso na ito kay Juanito.

Madam Olivia: patawad ginoo, ngunit nahuli na po kayo, dahil namayapa na muli ang iyong minamahal na si Carmela..

John(Juanito): Hindi yan totoo Madam Olivia..Buhay pa siya at ramdam ko ang kanyang presensya Madam Olivia..

Niyakap na lang ng mahigpit si Juanito.

Madam Olivia: patawad aking alaga kung ako'y nabigo...

Umiyak at niyakap ng mahigpit si Juanito sa kanyang narinig kay Madam Olivia, Hindi niya alam kung paano magsisimula ng wala si Carmela sa kanyang buhay. labis na labis na kalungkutan ang nararamdaman ng pamilyang Aldana sa sinapit ng kanilang Ina at sa kanilang kapatid. Idinala na ng pamilyang Aldana ang kabaong ni Mrs.Melissa sa Pilipinas at ang lamay nito ay sa Manila Memorial Park.

Patuloy pa rin ang paghahanap ng iba sa katawan ni Carla at sa mga suspek na nakatakas sa Caltrava stadium. Pero bago man sila umalis ay nag-alay sila ng bulaklak sa stadium bilang tandan ng kanilang pagkamatay doon.

Ginabayan ni Madam Olivia si Juanito sa kanyang gagawin bago sila umuwi ng Pilipinas galing Rome. Tinuro niya kung paano kumilos si John at ipinakita din ni Madam Olivia ang pamilyang Francisco, sinabi din ni Madam Olivia na nasa katauhan ni Carla ang diwa ni Carmela. Kahit ganun pa man hindi matatanggal ang lungkot sa kanyang mukha, Kay tagal niya ng gusto makita si Carmela pero huli na ang lahat.

Sa pagbalik nila ng Pilipinas kaagad na pumunta si John(Juanito) sa lamay ni Mrs.Melissa, Sinubukan niyang kausapin sina Mr.Alexander at Carlos pero hindi sila makausap kaya't lumayo muna ito sa kanila at nag-asikaso ng mga bisita. Dumalaw rin ang pamilyang Francisco sa lamay  at nag-alay ng mga bulaklak para sa pamilya Aldana.

Hindi sanay si Cordelia sa tahimik na lugar kaya bigla siya tumayo sa kanyang upuan at naglakad sa harapan at nagsalita tungkol sa magagandang alala sa kanyang ina..

Cordelia:

Sa totoo lang, ayaw ni mama ng sobrang tahimik, hindi siya sanay sa mga ganun bagay kaya gusto niya may mag-ingay at siya rin nagpapasaya sa pamilya namin sa tuwing nagkakasama kami lahat. Bago man mawala si mama sa mundong ito ay pinapasabi siya kay papa at ito ang kanyang sinabi "patawad at hindi ko na siya maabutan sa kanyang pagtanda at mahal na mahal kita mahal ko, hangga't sa muli natin pagkikita". Gagawin lahat ni mama para mailigtas lang ang kanyang mga minamahal kahit buhay man nito ang kapalit at yun ang ginawa niya kay ate Carla. Salamat mama sa panahon na nakasama ka namin, nagpapasalamat kami na naging nanay ka namin. Para sa amin ay ikaw ang pinaka best nanay sa buong mundo dahil isang sakripisyo ang ginawa at para sa akin ikaw ang aking bayani ina..mahal na mahal kita mama..

at para kay ate Carla,Hindi ako naniniwala na patay ka na dahil hindi pa nila nakikita ang iyong katawan at ramdam na ramdam ng puso ko na buhay ka pa..Naniniwala ako na mahahanap ka namin nila papa at ni kuya Carlos pati na rin ang iyong minamahal na si Kuya Caleb.

I love you since 1892 (the rebirth)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن