Dream

66.7K 1.1K 116
                                    

Napakurap-kurap ako sa liwanag na bumabalot sa paligid, halos hindi ko ma-imuklat ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nasan ako, wala akong nakikita kundi tanging puti at maliwanag na ewan. Dahil hindi naman ito matatawag na paligid, tila ba ako'y pinalalibutan ng usok na walang amoy... mukha itong ulap.

Naglakad ako kahit hindi alam kung saang direksyon tutungo, hindi inaalintana kung saan man ako mapadpad. At nanatiling nakatikom ang aking bibig, gusto kong magsalita at magtanong kung nasaan ako ngunit parang may pumipigil sa akin na ibuka ang bibig ko.


Nagpatuloy ako sa paglalakbay habang inaalala ang mga nangyari kanina bago at kung paano ako napadpad dito. Tuloy-tuloy ako sa paglakad, ngunit mahina habang unti-unting bumabalik sa isip ko ang mga nangyari..

I gave birth to my first three babies...

Then why I am here? What I am doing here? Nilibot ko ang paningin ko para tingnan ang kabuuan ngunit wala akong makita na dulo o kahit ano..




Then the idea comes out on my mind.
Don't tell me nasa langit na ako? Omayghad! Nasa kabilang buhay na ako? No! No! No! This can't be hindi pa ako pwedeng sumakabilang buhay! May mga anak pa ako na dapat alagaan! Hindi pa ako pwedeng mamatay! Hindi ko pwedeng iwan ang mga anak ko! Wala na silang daddy tapos pati ako mawawala!? No! No! No! Kailangan kong bumalik, hindi pa nila ako pwedeng kunin!

Nagsimulang bumuhos ang mga luha ko sa naisip, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa ngayon. Hindi ko kayang makitang lumaki ang mga anak kong ulila. Gusto kong maiparamdam sa kanila ang pagmamahal na naiparanas sa akin ng mga magulang ko, kahit pa ako lang. Gusto kong subaybayan ang kanilang paglaki, ang unang salitang mabibigkas nila, ang unang ngipin na tutubo sa kanila, ang kanilang unang hakbang, halik, yakap at pagmamahal ng isang mabuting mga anak..

"Mommy..." parang na-estatwa ako sa kinatatayuan ko, nang may marinig akong munting tinig na hindi ko alam kung saang banda nang-galing... all I know is, tinig iyon ng isang batang babae. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan, at ang mga luhang lumandas sa pisngi ay mas lalong nadagdagan.. why I feel something bad happens?

"A-any... anybody's t-there?" Nanginginig ang labi ko habang binibigkas ang mga katagang iyon.


"Mom.. mommy!" Parang may kakaiba akong nararamdaman habang binibigkas iyon ng batang babae, I suddenly feel a stab on my chest.. bakit pakiramdam ko may koneksyon sa akin ang munting tinig na iyon?


"W-who are you? A-re you lost?" Pilit kong tinitingnan ang kabuuan ng lugar kung nasan ako, nagbabakasakaling makita ang may ari ng tinig na iyon.



"Mom, it's me your daughter!" ramdam ko ang kasiyahan sa boses ng bata, ngunit natigilan ako sa sinabi niya.. daughter? She's my daughter how come? Hindi ko alam kong bakit mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, but then I tried to speak.



"N-no, I mean how come?" Why do I feel na totoo ang sinasabi niya?





"Mom, I know you're confused. And to answer your questions you need to get back there, but mom please? Promise me one thing." Hindi ko alam kong bakit patuloy parin akong nakikinig sa kanya, sobrang cute ng boses niya. And I think isa siya sa mga anghel dito sa langit...




"W-what is it?" Ramdam ko ang pagsusumamo sa boses niya, pero hindi ko maipaliwanag kong bakit sobra akong nasasaktan ngayon.



"Please take care of my brother/sister and yourself too, and please don't be mad at daddy. I don't want to see you two fighting." Parang sinaksak ang puso ko sa narinig at nanumbalik ang mga nangyari kanina...

Heartless HusbandWhere stories live. Discover now