Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Prologue

367K 4.5K 361
                                    

"DREAMY Saturday," tatango-tangong basa ni Pomee sa pangalan ng club bago tuluyang pumasok sa loob

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"DREAMY Saturday," tatango-tangong basa ni Pomee sa pangalan ng club bago tuluyang pumasok sa loob.

The faint smell of cigarette, alcohol, and mixed perfumes pervaded Pomee's nostrils, making her nose crinkle. Iginala niya ang paningin sa lugar. Sa kabila ng makukulay na usok na bumabalot sa club, litaw na litaw pa rin ang sopistikadang interior niyon. Halatang hindi biro ang magpa-reserve rito. It was like Valkyrie and Chaos combined. Kagaya ng parating nakikita sa mga club, people were pounding at each otherʼs body. Kung makasayaw ang mga ito sa dance floor ay parang wala nang bukas.

"Pomee!"

Halos mapatalon ang dalaga sa gulat nang biglang sumulpot sa kaniyang harapan si Cheska. Her best friendʼs flashy outfit caught her attention—flaming red mini dress and neon green over-the-knees stretched boots. Napakurap si Pomee. Iyon na siguro ang pinakamaikling bestida na nakita niya sa buong buhay niya. It was almost an inch away from being scandalous! Que horror!

"Youʼre late!" nakasimangot nitong sigaw sa kalagitnaan ng malakas na tugtog ng club.

Pomee drew back. "Sorry, alam mo namang hindi ako papayagang umalis ni dad hanggaʼt hindi ko natatapos 'yong trabaho ko."

Tumingin ito sa suot na Rolex at ipinaikot ang mga mata. "Pasado alas diyes na ng gabi, boo. Donʼt tell me pinag-overtime ka na naman ni tito?"

"Well...heʼs my father, so wala akong magagawa." Nagpakawala siya ng isang buntonghininga at saka itinaas ang mga balikat. "Letʼs just look at the other side of the coin. Ang importante, nakarating ako and weʼre spending Friday night together."

"Fine, fine! Whatever," ani Cheska sabay palatak. Inilagay nito ang isang kamay sa baywang habang ang isa namaʼy inabrisete sa kaniyang braso. "Tara na! Doon tayo sa may bar. Seanʼs waiting."

Kumunot ang kaniyang noo. "Sean? Sino 'yon?"

"Duh, my boyfriend. Ano ka ba naman, boo?"

"Wait, akala ko ba Craig ang pangalan ng bago mong boyfriend?" Kapapalit lang din kasi nito ng nobyo almost two weeks ago. "Donʼt tell me may bago ka na kaagad?"

Cheska wheeled around, then slapped her own forehead. "Oh! Oh, yeah, of course, itʼs Craig. Gosh, nakalimutan ko. Seanʼs the cute dentist pala na na-meet ko last night sa mall," tila hindi bothered nitong tugon.

Grinning, they made a beeline for the bar.

Cheska Dia Grecco was the perfect example of a wild child. Cheskaʼs liberated lifestyle opened Pomeeʼs eyes to things that were forbidden—according to Pomeeʼs guarded parents.

Lumaki kasi siya sa isang tradisyunal at konserbatibong pamilya. Paniguradong hindi lamang singhal ang aabutin niya sa mga magulang kapag nalaman ng mga ito na pumupunta siya sa ganitong lugar. Sarado ang isip ng mga ito pagdating sa makabagong kultura. They wouldnʼt approve of any of these, ngunit dahil na rin sa impluwensiya ng kababata, nadagdag sa bokabularyo niya ang salitang nightlife.

ENDLESS - The Unwanted Marriage (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon