CHAPTER 45

8.6K 204 1
                                    

third person pov*

flashback years ago(the real history)

noong unang panahon may siyam na kahariang namamahala sa mundo ng magics at ang mga kahariang iyon ay ang siyam na uri ng elemento!

at ito ang fireo,aquali,eartheo,aireo,thunder,iceya,shadow,ang akuma blackwiz na siyang pinamumunuan ni queen zhana at king kuza,at higit sa lahat ang kireina kingdome kung nasaan ang mga white wizard

ang kireina kingdome at ang akuma kingdome ay siyang magkaibigan noon!ganoon din naman ang iba pang kaharian,ngunit sa dalawang panig ng akuma at kireina ay mahipit na pinag babawal na mag mahalan ang mag ka iba at magkasalungat dahil ito ang mag bubuo ng away sa dalawang panig

si queen alisiya ang namumuno ng kireina kingdome kasama ang asawang si king romeo.Masaya ang mag asawa dahil namumuhay sila ng mapayapa,magkakaibagan ang lahat at walang namumuong initan sa mga kaharian

lumipas ang taon buwan,nabuntis si queen alisiya,halos kasabay ng pagbubuntis ng reyna ng dark kingdome,lumaki ang tiyan ng dalawa!ang nais sana nila ay babae ngunit sa palad nila ay parehong dalawa ang anak nila

si queen alisiya ay nanganak ng dalawang sanggol,ito ay pinangalanang shakira at sharina,ngunit sanggol palamang ay nawala na si sharina sa hindi malamang dahilan

si queen zhana naman ng dark kingdome ay nanganak ng dalawang lalaking pinangalanang akizama at zula.

Lumaki si shakirang hindi nakilala ang kambal niya!lumaki din ito kasama ang anak ng dark na si akizama at zula!habang nagdadalaga nakikita ang kahanga hangang ganda ng dalaga

patagong ginusto ni akizama si shakira ganun din naman si zula ngunit nagkagusto si shakira sa lalaking si akizama

napansin naman ni zula na iba ang tingin sa isa't isa nang dalawa,nag hinala siya ngunit hindi niya pinansin iyon sapagkat hindi siya sigurado.Ngunit isang araw nag tataguan ang tatlong magkakaibigan,si zula ang taya at nagkasama naman si shakira at akizama

nag tago ang dalawa sa likod ng puno,"shakira"tawag ni akizama

"aki bakit?"tanong ni shakira ngumiti si akizama at hinawakan ang kamay ni shakira

"m-mahal kita shakira"nanlaki ang mata ni shakira at ngumiti

"ako rin naman eh ngunit mali ito!!"sambit niya uling ang dalawa

"tatakas tayo shakira!mamumuhay tayo ng payapa sa mundo ng mga tao!"nag dalawang isip si shakira kung sasama siya.Ngunit itinatago niya muna ang nararamdaman,hindi nila alam isang lalaki ang nakikinig sa kanila

naikuyom nito ang kamao"mahal kita ngunit bakit ang kambal ko nanaman ang palaging nauuna"lumisan siyang masama ang loob

lumipas ang ilang buwan naging maganda ang samahan nila,si zula ay itinago ang pag iibigan ng dalawa dahil gumagawa din siya ng paraan upang mahalin ng dalaga

isang araw,birthday ni zula at akizama..."shakira sama ka sakin"masayang sabi ni zula pero umiing si shakira"bakit?birthday ko naman"

"ngunit birthday din ni akizama"sabi nito naikuyom ni zula ang kamao niya

"sagutin mo nga ako shakira may relasiyon ba kayo ng kapatid ko?"nanigas si shakira at hindi nakasagot"alam mong bawal shakira!ngunit kung sakin ka sasama ipag lalaban kita"sambit ni zula

"kung labanan lang din naman zula lalaban nalang din kami ni akizama!pero hindi hindi ako sasama sayo!oo kaibigan kita magkakaibigan tayo ngunit mahal ko ang kapatid mo at mahal niya ako"sambit ni shakira

"hindi!hindi kayo magiging masaya mahal kita shakira at alam kong ramdam mo yun matagal na"

"pero hindi kita mahal!pabayaan mona kami zula buntis ako at si akizama ang ama"nanlaki ang mata ni zula at lalong naikuyom ang kamao!lumisan siya at iniwan si shakirang may bigat at kaba sa dibdib

sa inis ni zula sinabi nito sa ama ang nangyari,galit na galit ang ama nitong si kuza!sa araw din na yun sumugod ang blackwizard sa kireina,

umiiyak naman at lumuhod si shakira sa ina nitong si akisiya at dahil mabait ang mga ito mabilis nila tinanggap sa angkan nila si akizama at nag handa nalamang sa maaring mangyari!ngunit hindi nila akalain ganung kabilis ang pangyayari

sumugod ang mga ito ng hindi sila handa!kaya maraming namatay sa angkan ng kireina,konsensiya naman ni shakira ang nangyari dahil.NANG dahil sa kanilang pagmamahalan ay napaslang ang madami sa kanila!pinatakas sila ng ina nito!

napaslang si akisiya at ang asawa nitong si romeo ngunit napaslang din naman si zhana at kuza,natira si zula at naghari sa akuma kingdome

bumalik naman sa kaharian ang mag asawa malaki na ang tiyan ni shakira,madami ang nagalit sa mga ito ngunit madami din naman ang nalugod sapagkat nangyari ang mga ito

alam na nilang pag nangyari ang kakaibang pangyayari na ito ay may kakaiba ring mangyayari!bukod doon alam nilang ang anak na isisilang ni shakira ang magiging chosen para matapos ang gulong nabuo sa mundo

isinilang ni shakira ang kambal,isang babae at isang lalaki!ang lalaki ay may kakaibang lakas at kapangyarihan sapagkat 

nakuha nito ang kakaibang itim na kapangyarihan ng ama na kakayahan ng asong lobo,ang babae namang dilag may puting buhok na kumikinang na tila isang ginto!wala itong tattoo at dahil doon inakala nilang hindi ito ang tatapos sa mundo

sanggol ang dalawa masaya ang reyna shakira ngunit sumugod si zula,gusto nitong kunin ang sanggol

"ano nanamng kailangan mo zula?"tanong ni akizama

"parang awa mona zula pabayaan mona kami"-shakira

"ganon nalang yun?matapos mapaslang ang magulang KO dahil sa inyong dalawa?"

"bakit nawalan din naman ako ng magulang ah!"

"hindi!!!hindi kayo magiging masaya!!!"sigaw nito,sumugod ito pinalayo ni akizama at pinatakas si shakira ngunit hindi nito ginawa!nag tago lamang siya pero hindi ito alam ni akizama

"mahal kong kapatid handa kana ba mamatay?"tanong ni zula

"bakit ba hindi mo kami pabayaan?"

"inagaw mo si shakira!alam mong mahal ko siya pero dahil sa tuso mo ginawa mo ang lahat para mapamahal si shakira sayo!!"sigaw ni zula nagulat naman si shakira sa nalaman niya

"minahal ko siya at mahal ko siya"sigaw ni akizama

"sakin dapat siya!!pero dahil sayo!sayo siya napaibig!dapat sayo mamatay!"nag espadahan ang dalawa!namatay 

napaiyak nalang ng tahimik si shakira habang nakikita ang sugatang dalawa!pero mas malala ang sugat ng asawa niya!natulala si shakira matapos masaksak ni zula si akizama daretso sa puso!

ngumisi si zula"alam kong nanjan ka!magpakita ka ibigay mo sakin ang sanggol na lalaki"sambit nito lumabas si shakira ngunit hindi dala ang sanggol

"nasaan ang sanggol?"tanong ni zula

"hinding hindi mo makukuha ang anak ko!!!"sigaw nito"mamatay muna ako!!"ngumisi si zula

"alam mong hindi ko magagwa yun pero pag namatay ka maari kitang buhayin at mapasaakin ka'sambit ni zula kinabahan si shakira ngunit kinuha ang espada ng asawa

"ipag hihiganti ko ang ginawa mo sa asawa ko!!"ngumisi si zula bago sumugod!pero dahil nadin sa nanghihina si shakira pagkat kakapanganak palang nito ilang araw lumipas ay mabilis siya natalo

sasaksakin sana ito ngunit may dumating na isang dalaga!may suot itong cloak na puti tila isang diwatang nag nining ning

napalingon sila doon!at alam na nila kung sino ang dumating!sa itsura palang nito kahit hindi nila ito nasilayang lumaki ay nalaman nilang kung sino ito

**********************

to be continue hahahha

VOTE

COMMENT

I'm the powerful queen[COMPLETE]Where stories live. Discover now