Ala-ala 5

6.8K 139 24
                                    

Ikalimang Ala-ala
Doodle 
Temang musika: Love (Cody Simpson ft. Ziggy Marley)

♡♡♡

Kung ang buhay lang sana ng tao ay laging pantay: Lahat ng dumadating dapat wine-welcome; lahat ng umaalis dapat pinipigilan; lahat ng sa’yo dapat inaalagaan at pinahahalagahan. At lahat rin sana ng umiibig ay iniibig ring pabalik.

♡♡♡

ISANG ARAW, natrip-an ko na lang bigla na mag-drawing. Ewan ko kung bakit. Basta parang naisipan ko na lang. Nakatingin lang ako sa sketch pad ko na nung una’y isa pa lang ang laman—‘yung doodle ko sa sarili ko. Biglang pumasok sa isip ko ang Eskepiks. Tama. Gagawan ko sila ng doodle!

Una kong ginawa ‘yung kay enemy. Bakit siya ang una? Iyon ay dahil mas marami akong alam sa kanya kaya ang daming ideas ang pumasok sa isip ko. Ang dami na rin kasi niyang nakukwento and besides, he’s my closest among them after all.

Pano nangyari ‘yun? Let’s put it this way. ‘Yung Eskepiks kasi, nakakausap ko sila through group chat madalas sa FB. Baliwan sessions namin, sa GC lahat. Unlike him, one-on-one session kaming dalawa kaya mas marami akong alam sa kanya. Kaclose ko sila lahat pero ‘yung anim, close ko sila sabay-sabay, si Dwain iba. Ayoko sana maging bias pero hindi naman maiiwasan talaga na wala kang ituring na closest sa mga kaibigan mo. Ang mahalaga, pantay pantay naman ang pagmamahal ko sa kanila. Ang cheesy. And as of now pa lang naman ito. As of now.

Sinunod kong gawan ‘yung anim. Kina Kym, Byron, Mona, Lai, Ira, at Karla. I finalized and polished all nang sabay-sabay, saktong araw ng monthsary ng barkadahan. 5th monthsary. Sa loob ng 2 weeks, natapos ko ang pitong doodles. Kaloka. Busy rin naman ako dahil sa school pero nagawa ko pang isingit sila. Time management nga lang talaga. Or should I say talagang mahalaga sila sa akin kaya ganun. Motivated. Yak, ang cheesy nanaman.

September 14.

Dahil may klase ako ng araw na ‘yan, binigay ko sa kanila ‘yung gift ko ng gabi na. Dahil wala kaming scanner, pinicture-an ko na lang. Natutuwa naman ako dahil naappreciate nila nang bongga ang regalo ko. Well, wala pa si Dwain. ‘Di naman ‘yun always online, eh. Pero sinabihan ko siya na magbukas siya ng gabing ‘yon dahil nga ibibigay ko na sa kanya ‘yung regalo.

“Should I log in now?”aniya sa text. Sinabi kong buksan na nga niya dahil nasend ko na sa message. Sobrang kaba ko nun habang wala pa siyang reply. Baka kasi, ‘di niya magustuhan. Baka kasi, madisappoint siya sa gawa ko. Baka mapasabi lang siyang “Ah eto na yung sinasabi mong gift?”. Naloka ako pag-iisip. Naka-open ang laptop ko, FB in exact. Pati na rin ang phone ko sa tabi.

Maya-maya pa, nagtext siya. “Wow, nice! Ang tyaga!! Thank you!!”               

“Sabi ko na nga ba ‘di mo magugus—teka wait.. Ano? Hahaha! Ako pa matyaga. Walang anuman :)” Nagulat kasi ako.

“Ang ganda kaya. Doodle pala, ‘di mo agad sinabi. Haha. Cool!”                  

Magkatext kami ng mga oras na ‘yan, at the same time magkachat sa FB. Gabing-gabi na, siguro around 11 pm onwards. Nagpasalamat pa siya ulit. Grabe. ‘Yung halimaw na inasahan kong lalaitin o hindi masyadong maaappreciate ‘yung doodle ko sa kanya, hindi pala. Napa-Wow na nga siya, pinuri niya pa na ang ganda, at ang cool. Dapat ko ata itong ipagcelebrate. Himala, eh. Sana lagi pala akong may binibigay sa kanya ‘no? Para mabait siya sa’kin.

Hindi pa doon natapos ang gabi ng ika-14 ng Setyembre. Humiling ako ng picture niya sa chat. Binigyan naman niya ako, kaso ‘di ko trip ‘yung itsura niya dun. Ang haggardo versosa kasi. Haha! Nasa fitting room daw kasi siya nun. Sus, palusot. Kaya humirit pa ako ng isa, ‘yung mas maayos. At isa nanamang himala, sinend-an niya ako ng walang pag-aatubili. Isang formal picture... Na nagpaguho ng mundo ko.

Brainless HeartWhere stories live. Discover now