Anne's POV
There was this kid, I knew him since we were young.
I was 9, he was 10.
Moments just being with him was the happiest memories I ever had since I existed here in this world.
Sabi ng iba, "Ang puppy love di dapat seryosohin"
"Bata pa naman kayo noon, iba na ngayon"
"Kalimutan mo na yun, di ka na din naalala niyan ngayon"
Pero pano pag hindi pala nagbago, na hanggang ngayon siya parin, yung childhood bestfriend mo siya parin ang bestlove mo.
Ako si Anne, at ito ang aking kuwento...
Flashback, Year 1995...
"Anne taya ka, haha, habulin moko" Nagtatatakbo naman siya.
"Vhong naman eih, ang bilis mo tumakbooooo!"
Pagod na pagod na'ko kanina pa ko taya. Eiiih! Ang bilis kasi tumakbo ni Vhong, ang bestfriend ko dito sa ampunan.
"Sige na nga, iba nalang laruin natin"
"Sige, mag scrabble nalang tayo"
Scrabble kasi favorite game ko. Gusto ko kasing mag form ng mga words eh.
"Talo naman ako jan! Galing mo kaya sa english." Ako sa scrabble, ikaw naman sa takbuhan. Haha
"Sige na bespren pleaseeeeee" *Beautiful eyes* Pilit ko sakanya, alam ko naman di niya ko matatanggihan. Hehe.
"Sige na nga. Kung di lang kita mahal eh!" Sabay gulo niya sa buhok ko.
Nagtawanan naman kami.
Ganyan kasi kami, kahit walang nakakatawa tawanan rin ng tawanan, basta't magkasama kami.
Nag laro na kami ng scrabble, isip, isip....ah alam ko nah!
''L-O-V-E" Ayannnnn!
"Love?" Tanong ni Vhong.
"Oo, love, haha. O ikaw naman" Yaya ko sakanya.
"Ah eto! Y-O-U!"
Love You? Haha. Tugma ah!
"Love you" Sabi ni Vhong , habang binabasa yung mga words na na form namin.
"Love you bespren!" Sabi sakin ni Vhong.
"Love you too bespren. Poreber yan noh! Hehe" Sabi ko rin sakanya. Mahal ko tong kaibigan kong to eh.
"Anne, halika rito hija" Tawag ako ni sister Bernadette.
"Teka lang bespren ha. Tawag pa kasi ako ni sister" Paalam ko kay Vhong.
"Ok" Sagot niya naman sakin na naka ngiti.
Pinuntahan ko naman kung saan naroroon si sister.
"Anne, may sasabihin ako sa'yo"
"Ano po yun, sister? Atsaka sino po sila?" Nakita ko kasi na may kasama si sister na isang babae at isang lalaki kaya tinanong ko na.
"Anne, sila ang magiging mga magulang mo. Sina Mr. and Mrs. Smith"
"Po? Ayoko po umalis dito sister, huhuhu" Bumuhos na rin ang mga luha mula sa aking mga mata.
Di ko na mapigil. Ayoko! Ayokong umalis dito, ayokong iwan si Bespren!
"Anne, sumama ka na sa kanila. Papag-aralin ka nila sa magandang eskwelahan. Mas magiging maayos ang buhay mo" Paliwanag sakin ni sister.
BINABASA MO ANG
One Shots ng VhongAnne♥
FanfictionOne Shots Naman gawin ko. Maganda to Tara! Hihi≧﹏≦ -INeedOxygen