Kabanata 9

3.3K 150 29
                                    

Kabanata 9- Safe

Tali

Umayos ako ng upo nong nakita kong papunta sa pwesto ko si Ibarra. Itatago ko na sana ang phone ko nang magvibrate ulit iyon.

Si kuya.

“Kuy?”

“Where are you? Manganganak na si ate!”

Napatayo ako dahil sa gulat. Napansin ko rin ang pagtigil ni Ibarra sa harap ko. Tinignan ko siya habang gulat na gulat ako. He mouthed what?

Paanong manganganak si ate? 28th week niya palang! She’s supposed to give birth on her 37th week!

“Manganganak? Kuy, hindi niya pa kabuwanan, ah?”

“Premmies, Tali. Sabi ni kuya Mike halos isang oras daw na nakaranas si ate ng uterine contraction. Tinawagan niya agad si mommy saka dinala na niya si ate sa hospital. Come here, Tali. You need to be here the moment the baby arrives,” paliwanag sa akin ni kuya.

Pre-mature? Hindi ba’t delikado ‘yan? Ate Sy or baby boy might die!

“Baka naman false labor lang, kuya?”

Hindi parin ako makapaniwala. Healthy naman ang ate ko. Wala siyang bisyo. Wala siyang sakit. OB si mommy, alagang-alaga niya si ate, paano mapapaaga ang panganganak niya?

“She also experienced cervical dilatation and effacement, this is a true labor. And she’s now delivering the baby, Tali. Come here, now!”

Nang ibaba ni kuya ang tawag ay saka palang nagsink in sa akin ang lahat.

Ate is now delivering her baby. The mortality and morbidity rate of premmies are making me nervous.

Diyos ko! Hindi pwedeng mamatay ang ate ko, o si baby! Ni hindi pa kami nakakadecide ng pangalan niya! O baka naman magka-brain damage, o ma-delay ang development ng bata!

Hindi ko kinakaya ang mga pinag-iisip ko kaya naman hinanap ko na agad ang bag ko saka tumakbo palabas.

“Tali, wait!” Noong tinawag ako ni Ibarra ay saka ko lang naalala kung nasaan ako.

My hands are shaking. Kinakabahan ako para sa ate ko at sa pamangkin ko!

“Anong problema? May emergency ba?” Seryuso niyang tanong sa akin.

Wala na ang galit sa mata niya, na kani-kanina lang ang kinatakutan ko pa. He’s now looking at me with deep, calm eyes. Itim na itim ang mata niya. We have the same eye color.

“Manganganak na si ate Sy.”

Bakas ang gulat at pangamba sa mata ni Ibarra. I know he’s been close to my ate kahit pa nalamatan na iyon dahil sa issue sa amin. But he still cares for her and for the baby, I can feel it.

“Pre-mature,” bulong niya.

Hindi iyon tanong, pero tumango ako.

“Wait here, kukunin ko ang sasakyan.”

Dali-daling pumasok si Ibarra sa bahay nila. Maya-maya pa’y bumukas ang malaki nilang gate saka lumabas doon ang kaniyang puting Aston Martin. Itinigil niya ang sasakyan sa harap ko.

Agaran akong pumasok sa shotgun seat.

Nang marating na namin ang hospital kung saan nagtatrabaho ang parents ko, hinanap namin agad kung saan ang birthing station.

Nakita namin doon si kuya Mike, kuya’s parents, saka si kuya Uno.

Nagulat si kuya Uno nang makita niyang kasama ko si Ibarra, pero wala na siyang sinabi. Tinanguan lang niya ito. Hindi ko na rin natignan kung ano ang naging tugon sa kaniya ni Ibarra, kung tumango rin ba ito o ano dahil diretso ang lakad ko papunta kay kuya Mike.

Worth The FallWhere stories live. Discover now