Kabanata 24

2.1K 74 18
                                    

Kabanata 24- Treat

Tali

Hinahanda ko ang laman ng bag ko nang magvibrate ang cellphone ko sa kama na nakatuntong sa unan. Nang makita ko na si Sam ang nagtext ay sinantabi ko na muna ang bag saka umupo sa kama.

Binuksan ko ang text message.

Sam

Where u at? Kanina pa ako nandito. I-indian-in mo ba ako, ha, Zoan?

Bahagya akong tumawa dahil sa text niya. Simula nang magpaalam ako sa kaniya na uuwi na muna ako, palagi na kaming nagtetext. He texts me when he’s about to eat, he texts me when a book made him cry. And I love it. Pakiramdam ko, isa na ako sa mahahalagang tao sa buhay ni Samael.

Nagtipa ako ng reply sa kaniya.

Me

Coming!

Dali-dali kong kinuha sa mesa ang pinatahi ko kahapon, saka nilagay ‘yon sa paperbag. Nang matapos ako sa paghahanda ay bumaba na ako.

I have my own car now. Dad got me one habang nasa hospital ako para the moment I return home, magagamit ko na ang kotse.

It’s a white Mazda3. Confident akong nagdrive from our subdivision hanggang MOA. Nang maka-park na ako ay kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko saka tinext na si Sam.

Me

Andito na ko. Nasan ka?

Ilang minuto akong nanatili sa entrance ng mall ay hindi parin nagrereply si Sam. Nang mabagot ako, napagdesisyunan kong bumili muna ng kape. Derecho akong pumasok sa isang coffee shop sa loob ng mall saka tinext ulit si Sam.

Me

Nasa Starbucks ako. Nasaan ka na?

Nag-order ako ng dalawang to-go na Iced Caffe Americano. Nang makalabas na ako ay doon ko nakita si Sam, looking simple but dashing in his dark khaki shorts at puting v-neck na t-shirt with matching brown fedora hat.

Ngumiti ako sa kaniya saka inabot ang kapeng in-order ko para sa kaniya.

“Yamanin ka talaga, ‘no? Starbucks. Isang linggong pagkain ko na ang presyo ng isang kape rito, e.”

Nagkibit-balikat lang ako saka naglakad na. Sumunod siya sa akin. People are looking at us. Hindi ko alam, siguro dahil we look like supermodels.

All right. Si Sam lang ang mukhang model. Matangkad siya, maganda pa ang built ng katawan niya, saka sobrang pleasant-looking niya ngayon. Hindi siya mukhang may sakit at suki ng hospital.

Today, he looks normal.

“Kuya Sam, papicture po!”

Pinagkaguluhan si Sam ng mga babaeng mukhang nasa junior high palang. Hindi sila naka-uniform pero may mga bag at IDs silang suot. Muntik na nga akong masamid sa iniinom kong kape, e. Bakit may nagpapapicture sa kaniya?

Natatawang pumayag si Sam. Is he like… a celebrity? Bakit may mga fangirls siya? Napataas ako ng kilay nang inabot sa akin ng isang babae ang cellphone niya.

“Ate, picturan niyo naman po kami,” pakiusap niya.

Umawang ang bibig ko saka tinuro ko ang sarili ko. Me? Pipicturan sila? Do I look like some sort of a photographer? I picked my best dress para sa araw na ito tapos gagawin lang akong photographer ng mga batang ito?

“Sige na po ate,” sawsaw pa nung iba niyang mga kasama. I looked at Sam and asked for help pero tumawa lang siya saka inakbayan na ang dalawang babae sa dalawang gilid niya.

Worth The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon