"Bakit ka umiiyak hija?""W-wala po."
"Don't lie to me. That man did something to you! Didn't he?"
Natahimik ang mga pumapainlanlang na boses na nagmumula sa maliit na speaker sa gitna ng korte at tanging munting hagulgol nalang ang maririnig dito na animoy nagdudusa at nahihirapan. Tahimik rin at pigil hininga ang lahat ng naroon sa pribadong paghaharap sa harap ng korte. Tila ayaw maistorbo sa inaabangang pelikula.
Sana nga. Pelikula nalang ang lahat.
Kahit ako ay hindi makagalaw sa pwesto ko sa harap nila. Nanginginig ako. Wala akong imik. Balot ang buong katawan at mukha. Maging ang mga mata ko ay natatakpan ng malaking sunglasses. Hindi ako makapiyok. Nanakit ang lalamunan na pigilan ang paghikbi na tulad ng pinakikinggan nila.
"T-tita, u-umalis na po tayo d-dito. B-balik nalang po ako sa America." Piyok ng boses dalaga mula sa maliit na speaker na nakakabit sa laptop at projector.
Boses ko iyon. Boses ng naghahabla. Si Maria Gracia Gomez.
"Jusko! Bakit Gracia?! Umamin ka sakin, Sinalbahe ka nga ba ha?" lumuhod ang tiyahin niya sa harap niya sa at sinapo ang pisngi niya.
"Umamin ka sa akin. He disgraced you. Sino anak?! Ang Bosque ba na iyon?!"
Kitangkita na natigilan ang dalaga at blanko ang matang napatitig sa tyahin. Maya-maya pa ay tumango ito.
Halos mangibabaw sa loob ng pribadong korte ang malalakas na singhap ng mga piling witness at malakas na bulungan.
Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng mga mumunting hikbi at pagdaloy ng luha sa pisngi.
Masakit. Hanggang ngayon ay nasasaktan siya hindi para sa sarili kundi para sa lalaking walang ibang naging sala kundi mahalin ang isang tulad niya.If only there is another way to end this.
Nararamdaman ko parin ang ang init at nakakapanindig balahibong titig niya. Hindi ko siya kayang tignan pabalik, much less titigan ang mga malalalim na mata nito.
Kinamunuhian niya na siguro ako. Maybe wants me dead by now that I ruined his name.
"Love, please tell them the truth...please." But his pleadings tell me otherwise. And it makes things more difficult for me.
"Please... Love, I love you.."
Narinig niyang pagmamakaawa nitong muli. How many times did he beg her since she broke all the ties she had with him?
Tumakbo ito palapit sa pwesto niya sa tabi ng Judge at pilit na inaabot siya. She can't help but to gazed his way. Parang dinukot ang puso ko sa nakita.
Namumula ang mga mata nito, namayat at nagkabigote na rin. He looks like he's been to hell the past weeks. Her heart clenched.
"Love, please. Mahal na mahal kita, don't leave me. Please." Tuluyan ng pumatak ang mga luha nito habang kumakawala sa hawak ng mga pulis at abogado nito.
He's begging her not to leave him instead of pleading his innocence. He must be mad at her now. He should be. She's ruining him. His career, his life, his heart.
"D-don't touch me." I tried hard to control my voice. To spat the words firmly and coldly. I should. This is for him, for me, for us.
The mighty man everyone adore and almost worship fell on his knees. Wala itong pakialam kung para man itong batang umaatungal sa harapan nila.
Pilit kong pinagmanhid ang puso ko. Sobrang manhid na ni hindi ko na inintindi ang patuloy na paglilitis ng kaso ko laban sa lalaking walang ibang naging kasalanan kundi mahalin siya.
"I'm sorry, love. I'm so sorry."
BINABASA MO ANG
My Lover Superstar
RomanceLiving. Running.Dying. That's what happens when you trust and love so she promised never to let anyone in her life again. Living in a different world, new life and a fresh start. Then she bump into him. Having everything that she never ask for. And...