Chapter 3

7 1 0
                                    

Tatlong araw na akong hindi kinakausap ni Lez, pati nga rin si kuya hindi raw niya masiyadong kinikibo. Magkatabi nga kami ngayon sa MTEC 153 o Clinical Hematology namin, pero hindi naman kami nagpapansinan. Well, nagpapapansin ako pero para lang akong hangin sa kan'ya, kunwari di niya ako nakikita.

Natapos ang iba pa naming mga klase, pero si Lez gano'n pa rin. Nauna na nga siyang lumabas eh. Hindi ba siya sasabay sa akin mag-lunch ulit? Gano'n ba siya kagalit?

Napabuntong-hininga na lang ako at napayuko. Hinayaan ko na lang ang mga paa ko na dalhin ako sa cafeteria o kahit saan na pwedeng may makain. Pero laking gulat ko na lang nang makita kong nasa labas na ako ng university at napa-upo sa bus stop. Ang bigat sa pakiramdam ng ganitong hindi ka kinakausap ng best friend mo. Huhu. Alam ko naman na ako ang may kasalanan e, ano kayang pwede kong gawin para mapatawad niya ako?

Eh, paano naman niya akong mapapatawad kung nandito na naman ako sa bus stop? Bakit nga ba kasi ako nandito? Tss. Makaalis na nga.

Papasok na sana ako pabalik pero parang pamilyar sa aking ang isang lalaking nakatalikod at may hawak na cell phone, abalang-abala ito sa kung anong mayroon do'n sa mga halaman sa harap ng University Hospital.

Napangiti ako habang dahan-dahan na pumunta sa likuran niya. Mukhang hindi naman niya ako napapansin dahil busy siya sa kaka-focus ng phone niya sa mga bulaklak.

"Oh, may bug pala d'yan. Akala ko bulaklak na ang kinukuhanan mo." sabi ko saka tumawa ng kaunti.

Nanlaki naman ang mga mata niya at biglang napatayo dahilan para masagi niya ako at ako naman ang mapaupo sa sahig. Aray!

"H-haven?A-are you fi-- tch!" Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya at tinulungan na lang akong makatayo.

"Ayos lang ako. Haha. Nakagulat yata kita, I'm sorry." nakangiting paghingi ko ng paumanhin sa kan'ya.

Napakagat siya bigla ng labi habang nahihiyang sumusulyap-sulyap sa akin. Tila hindi alam kung anong sasabihin o kung ano ang iaakto sa harap ko, parang no'ng isang araw lang napaka-FC niya at kung anu-anong dinaldal sa akin. May split-personality kaya siya? Hahaha.

"Hey, ayos ka lang ba?" natatawang tanong ko dahil namumula na siya. Ang cute.

"Ah, yeah. Yeah. I'm sorry ulit." aniya.

Natawa na lang ako ulit dahil sa uneasiness niya.

"Wala 'yon. How have you been--"

"HAVEN JOY!"

Napahinto ako bigla at sabay kaming napatingin ni Teo sa babaeng sumigaw. It's Lez. Aww. Mukhang hinanap ako ng bestfriend ko. She looks tired and angry.

"Lez!" nakangiting tawag ko. Nahawa na yata ako sa kakangiti ni Teo. Haha.

Nakakunot ang noo niyang tinignan ako at pagkatapos si Teo na nasa likod ko.

Tinaasan niya ako bigla ng kilay, tila sinasabihan ako na "Ano 'yan, huh? Sino 'yan?", kaya naman hinila ko palapit sa akin si Teo at ipinakilala siya.

"He's the one I'm telling you."

"Huh?" clueless na napatingin sa akin si Teo.

"This guy? Tch." Heto na naman ang pagiging maldita ni Lez, huwag na lang sanang matakot sa kan'ya si Teo.

"So," aniya saka ni-head to foot si Teo. "Ikaw pala 'yong baliw na lalaking nagpatawid sa kaibigan ko sa daan."

Muli na naman nanlaki ang mga mata ni Teo at napatingin sa akin. Nakakatawa ang ekspresyon niya, grabe. Hahaha!

"Look Miss--" mag-eexplain pa lang sana si Teo pero iniharang ni Lez ang kamay niya sa harap ng mukha ni Teo.

"Hep. I'm not done yet, Mister Teo."

"I'm not--"

"Shut up first, will you?" mataray na sabat muli ni Lez kaya naman nanahimik na lang si Teo.

Tumingkayad naman ako ng kaunti at napahawak sa balikat ni Teo dahilan para magbend siya ng konti at makabulong ako sa kan'ya.

"Don't be afraid of her, hindi 'yan nangangain ng tao. Haha."

Napatingin naman bigla sa akin si Teo at napabitaw ako sa hawak dahil ang lapit namin sa isa't isa. Ako naman bigla tuloy ang namula. Gosh.

"Ehem. Nandito pa ako sa harap niyong dalawa." komento ni Lez.

--

Nasa cafeteria kaming tatlo at nag-la-lunch. It's Teo's treat, utos ni Lez syempre. Haha. Kanina pa talak ng talak si Lez kay Teo na kesyo raw anong naisip niya't isinugod ako nito sa daan at kesyo raw paano kung napahamak ako. Ang cute lang ni Lez dahil hanggang ngayon ay hindi siya maka-get over sa nangyari sa akin last three days.

"But still, I'm thankful that she'd already overcame her phobia. Hindi ko alam na gwapong fafa lang pala ang kailangan nitong bestfriend ko para gumaling." komento niya na tila wala ako sa harap nilang dalawa.

"Lez!" Pinandilatan ko siya ng mata. Grabe. Nakakahiya!

"Why? Ilang araw mo na ngang bukambibig si Teo eh. Kahit nga hindi kita kinakausap, talak ka parin ng talak tungkol sa kan'ya."

"Lez naman!" Nakakaiyak talaga 'tong kaibigan ko, hindi ba niya alam na nakakahiya ang ginagawa niya? Hindi ko tuloy maharap si Teo na nasa tabi ko dahil paniguradong pulang-pula na naman ang mukha ko.

"Why? Mukha naman na gusto ka rin ni Teo, why not magka-aminan na kayong dalawa, hindi ba?"

Diyos ko. Bakit Niyo ho ako biniyayaan ng ganitong kadaldal na kaibigan? Hindi ba niya alam ang salitang privacy of feelings?

Buti na lang ay biglang tumunog ang phone ni Teo dahilan para tumigil sa pagdadada si Lez. Thanks God!

"Excuse me," paalam bigla ni Teo. Tumayo siya at lumayo ng konti sa amin.

Bigla ko naman sinipa ang paa ni Lez dahilan para siya'y mapa-aray!

"What?!" inis na aniya.

"What ka d'yan? Nakakahiya kaya! Huhuhu!"

"Nakakahiya ka d'yan? I just told him the truth, mukha kasing sa ilang araw na hindi kayo nagkita ay parang nag-iba siya. I can't see the jolly Teo you've been speaking of the past three days." aniya.

Nakaramdam naman ako bigla ng lungkot na hindi ko maipaliwanag at wala sa sariling napatingin kay Teo na mukhang galit na galit sa kausap sa kabilang phone. Lukot na lukot ang noo nito, mukhang nakakatakot siya kung magalit. Nag-iba ba talaga? Sabagay, hindi ko naman siya kakilala talaga.

Nakita kong ibinaba na niya ang phone niya at ibinulsa iyon. Naglakad na ulit siya pabalik sa table namin at huminto sa tapat.

"I'm sorry, I have to go. Something very important came up. I'll just pay for the meal. Salamat sa oras." paalam niya at sumulyap lang sa akin.

Nginitian ko naman siya ng matamlay. "Okay lang."

Bumuntong-hininga siya bago muling tumingin sa akin at saka tumalikod. Pero alam ko, na sa likod ng mga tingin niya ay may kakaiba. May bumabagabag sa kan'ya at 'yong hindi ko alam.

I hope you'll be fine, Teo.

PedestrianWhere stories live. Discover now