Chapter 4

5 1 0
                                    

Pang-apat. Pang-apat na pu na yata ang pagbuntong-hininga ko ngayong gabi na 'to. Simula kasi nang iwan kami ni Teo sa cafeteria kanina ay bumigat ang pakiramdam ko, parang hindi ako makahinga ng maayos dahil parang may bumabara sa dibdib ko. Nakaka-frustrate!

Nagpagulong ulit ako sa kabilang side, nagpagulong uli sa kabila at nagpagulong-gulong sa kama hanggang sa bumagsak ako sa sahig.

"Ouch!" ungol ko nang maramdaman ko ang sakit sa aking kamay na naipit. Tss. Nabalian pa yata ako.

Naluha tuloy ako bigla, hindi dahil sa sakit ng kamay ko kundi dahil nalulungkot talaga ako ng sobra at naiinis! Sobrang frustrated ako sa inakto ni Teo kanina!

Or am I just over-reacting and I assumed that we should grow closer since he helped me last time? Am I frustrated dahil nakita ko na parang wala ng pakialam sa akin si Teo, that he acted like he don't know me at first? That I haven't seen him looked at me the way he looks at me on the pedestrian lane? Is that it?! Ako lang ba? Ako lang ba 'yong na-fall no'ng mga oras na nagtama ang mga mata namin mula sa malayo? Puso ko lang ba 'yong tumibok no'ng hingin niya ang kamay ko? Ako lang ba ang natunaw ng dahil sa mga ngiti niya? Ako lang ba ang nahulog ng sobrang bilis kaya ako lang ngayon ang naiinis?

"Kainis." umiiyak na sabi ko. Nakakainis, wala naman akong magawa.

Kinaumagahan ay napansin nila Mommy ang pamamaga ng kamay ko. Tinanong nila kung saan ko nakuha iyon at sinabi ko naman ang totoo na nadaganan ko nang mahulog ako sa kama.

Si Kuya Luke ang naghatid sa akin sa school, dinaanan namin si Lez sa bahay nila at isinabay na rin. Bago kami dumiretso sa school ay dinala muna ako nila Kuya sa katabing ospital ng university at pinatingnan ang kamay ko.

"Buti na lang talaga hindi pinaputol 'yang kamay mo, friend! Naku! Kung hindi, bye-bye Med-School ka na." panunuya ni Lez pagkalabas namin ng ospital.

Nagpaalam na si Kuya na may aasikasuhin lang daw sa branch dito sa Pinas ng company na pinagtatrabauhan niya at babalik na lang daw mamayang lunch o kaya'y after class.

"Fracture lang naman 'to," sagot ko sabay buntong-hininga na naman. Napansin ko na napapadalas na talaga ang pagbubuntong-hininga ko at hindi na healthy ito. I've been feeling empty and sad inside.

"Haven!"

Walang gana akong lumingon sa likod nang tawagin ako ni Jaston, classmate ko siya ng highschool at ka-college naman ngayon, Nursing student kasi siya.

"Bakit hindi mo sabihin sa kaibigan mong duwag na siya ang magbigay ng mga paper flowers na 'yan at magpakita na sa friend ko?" Ganito palagi ang salubong na tanong ni Lez tuwing may ihahatid na paper flowers sa akin si Jast na galing daw sa kaibigan niya.

Simula ng freshman dito ay palaging may inaabot na paper flower, na may nakasulat na love letter sa loob, si Jast. Sabi niya galing daw iyon sa kaibigan niya sa nursing dep.t din, pero mas ahead sa amin. Ayaw naman niyang sabihin kung sino.

Sabi naman kasi no'ng secret admirer ko ay hindi pa siya handang magpakilala sa akin, iipunin muna raw niya ang lahat ng lakas ng loob para makaamin. He told me, thru letters of course, na hindi siya magpapakilala sa akin habang hindi pa siya professional na doktor.

Aaminin ko na nahuhulog na rin ang loob ko sa lalaking nagpapadala ng mga paper roses sa akin. Natutuwa ako sa mga kinukwento niya, sa mga tula niya, sa mga kalokohan nila ng mga kapatid niya, pero mas madalas niyang ikwento ang tungkol sa pangarap niya na maging doktor para sa kapatid niyang mat sakit. Hindi sila mayaman o may kaya sa buhay kagaya namin nila Lez, kaya naman do'n palang ay pinanghihinaan na raw niya ng loob; dahil LANGIT daw ako at LUPA lang siya. 'Yon ang term na gamit niya sa mga tula niya na para sa akin. Pero palagi rin niyang binabanggit na sincere siya sa nararamdaman niya sa akin at mas lalo pang lumalala sa bawat araw.

I'm starting to fall for someone I only knew through exchange of letters and paper roses until Teo came and made me fell for him in just a second. Dati-rati ay excited akong makatanggap ng paper roses mula sa lalaking 'yon na hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa akin; ni hindi ko nga alam ang pangalan niya.

"Eh kasi baka kapag siya mismo ang nagdala sa mga 'to ay iwanan mo ang boyfriend mo at agawin siya kay Haven. Nag-iingat lang 'yong tao mula sa'yo." pang-aasar na sagot ni Jast.

"Che! Pangit lang kamo ang kaibigan mo kaya hindi siya makapagpakilala sa kaibigan ko!" sagot pabalik ni Lez.

Sasagot pa sana si Jast kaso nauhan na naman siya ng bunganga ni Lez. "At oo nga pala Jaston David, pakisabi sa kaibigan mong torpe at duwag na last na paper roses na lang ang mga 'yan," turo niya sa mga hawak kong paper roses, "dahil may nagugustuhan ng iba si Haven. Gwapong lalaki, mabait, palangiti at higit sa lahat, TOTOONG TAO! Hindi katulad ng kaibigan mong nabubuhay sa papel at pagsasayang ng tinta!"

"Lez," awat ko dahil mukhang na-offend yata si Jaston para sa kaibigan niya. Les naman kasi eh.

"Sorry Jast, salamat na rin sa paghatid sa mga 'to." sabi ko.

"Sanay na ako d'yan sa bungangera mong best friend, buti nga nagtatagal d'yan si Luke e." natatawa niyang sagot.

"Aba't--"

"Oo na, Lez. Alam kong babangasin mo na naman ako kapag hindi pa ako lumayas sa harap niyo, kaya nga aalis na ako eh. Hahaha. Bye, Haven!" sigaw ni Jaston na nakalayo na ng konti.

"B'wisit talaga 'yong matandang 'yon," inis na sabi ni Lez.

Naglakad na ulit kami ni Lez, papunta na kasi kami sa first period namin at nahinto lang dahil dito.

Inalis ko sa pagkaka-ayos ang tatlong paper roses at binasa ang mga nakasulat sa loob.

Mas lalo lang akong napabuntong-hininga sa mga nabasa ko.

"N'yare sa'yo? Anong nakasulat? Pabasa nga." sabay hablot ni Lez ng mga papel sa akin.

""I know you knew that I've been loving you since day 1.", "Well, I want to remind you these: I still do today, will still do tomorrow and maybe until this worthless life of mine ends.", "But given those things, I'm still letting you go even you weren't been mine ever since. I love you, my only rose."" basa niya at biglang nalungkot din.

"Tara na, baka ma-late pa tayo." aya ko kahit wala na talaga akong ganang pumasok ngayon.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Oct 02, 2017 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

PedestrianHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin