CHAPTER 26 || THE PARTY 4

2.3K 70 2
                                    

Lian's POV

Gusto ko mang hilain papalayo si Riyana sa halimaw na yun ay hindi maari, masyado syang malakas para kalabanin ko. Kating-kati ang mga palad kong dumapo sa mukha nya kanina pero pinigilan ko, bukod sa naroon si Riyana ay hindi akma ang lugar para gumawa ng eksena.

Taimbagang pinagmasdan ko silang pareho, masaya at nagkakatuwaan, kung alam ko lang na sayo mapupunta ang gabing ito ni Riyana ay sana hindi ko nalang sya pinayagang umalis ng dormitoryo. Gusto ko sanang maiwan para may magbantay sa kanya dahil alam kong kagagaling nya lang sa sakit pero dahil sa bwisit na Tazki na yun ay napilitan akong sumama.

Gusto ko silang pagumpogin na magkapatid. Fvck it!

Dumaan pa ang ilang minuto at bumalik na si Riyana sa table namin pero kasama nya parin si Shon. Tangna hanggang dito ba naman? Hindi ko na napigilan ang sarili kong singhalan sya at mukhang napansin naman yun ni Riyana at ng mga iba pa naming kasama.

"Hey hot headed relax" Pakalma sakin ni Sarah katabi si Emil. Buti pa sila.

"Dito nalang ako Pres thank you" Dinig kong sambit ni Riyana.

"Hmm. Yeah, I'll fetch you later okay?"

O__O

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Nang matapos nyang sabihin iyon ay humalik pa sya sa pisngi ni Riyana. Agad naman nangati ang mga kamay ko dahil sa ginawa nya at agad na napatayo bigla.

"Hey!" Malakas kong sambit at mahihimigang galit talaga ang boses ko.

Ngumisi lang sya sakin na nakapagpainit talaga ng dugo ko para akong kanyon na kahit anong oras ay pwedeng makapatay. Damn it! Relax Lian, magisip ka nalang.

Kinalma ko ang sarili ko at bahagyang hinila si Riyana palapit sakin, alam kong nasa amin na ang paningin ng mga ilan at ng mga kaibigan namin pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.

"Baka nakakalimutan mo na ang nag-iisang patakaran nyo sa skwelahang eto President Shon" Matalim kong sabi na pinagdiinan talaga ang salitang patakaran. Mukhang hindi naman sya natinag bagkus ay ngumiti lang ng nakakaloko.

"I never forgot that co'z I'm the one who approve that policy" Nakangisi nyang sabi kaya mas lalo akong nagtimpi.

"Kung ganon ay hindi kana dapat pang lumapit kay Riyana" Hindi ko man makita ay alam kong nagtataka at nagugulat na ang mga kaibigan namin sa pinagsasabi ko at mas lalo si Riyana. Pero ang pinagtaka ko at bakit wala man lang syang reaksyon sa sinabe ko.

"Ang nag-iisang patakaran ng eskwelahang ito ay bawal ang pinapakita mo sa kanya, bawal ang salitang MAHAL AT PAGMAMAHALAN kung ayaw mong mamatay"

Tumango-tango naman sya na para bang naiintindihan ang mga pinagsasabi ko.

"Okay!" he said na ikinagitla ko, bahagya syang lumapit sakin at bumulong "But I'm the President, I can do what ever I want"

"Siguraduhin mo lang na hindi mapapahamak si Riyana sa mga kagaguhan mo Pres dahil kong hinde? ako mismo ang papatay sayo" Matalim ko pa sayang tinitigan at nilabanan nya naman iyon hanggang sa umalis na sya sa harapan ko. 

Dali-dali naman na lumapit si Riyana sakin at hinawakan ako sa braso.

"Ano kaba Lian? Anong mga pinagsasabi mo? Ikaw ah nakakahalata na ako sayo" Nakangiting sambit nya para namang naghalo bigla ang galit na nararamdaman ko at natuon sa kanya ang atensyon ko.

"Ikaw ah" Tinusok nya pa ako sa tagiliran ko at  mas lalong ngumite. "Siguro ay may gusto ka sakin noh" 

Agad na nangibabaw ang tukso nilang lahat at bigay na bigay na naman si Don sa hirit nya.

"Nako, bwahahaha. kung alam mo lang Riyana"

"Ha? bakit?" inosenteng tanong naman ni Riyana.

"Hahaha. When I see you're smile" Pakantang ani naman ni Sarah.

"Psh! you're to obvious Lian" usual maarte na namanng sabi ni Amelia, hindi ko tuloy maiwasang mangiti habang si Emil naman ay tahimik lang na nakamasid samin.

"Talaga babe, so napansin mo rin noon na gusto na kita?" parang bata naman si Don at hinampas naman sya ni Amelia kaya hindi ko na napigilan ang matawa. 

"Tumahimik kang manyak ka"

"Anak ng? Sinong manyak ha?"

"Ikaw"

"Tangna, kong hindi ko lang to mahal kanina pa may bangas to" bulong ni Don na rinig naman ng lahat, lalo na si Amelia na katabi nya.

"Anong sabi mo?"

"Ah hahaha. wala babe ang sabi ko I love you" 

At nagpatuloy nga ang masayang party namin. Kanina pa ako umiinom pero parang hindi ako natatamaan, well mas okay na 'to para mas mabantayan ko ang mga kasama ko.

"You love her" maya-maya'y sabi nagsalita ni Emil. Napatingin ako sa kanya, nakangite sya habang nakatitig kay Sarah na mukhang may tama na.

"Who?" Inosenteng sabi ko

"Riyana"

"Hmmm, Yeah"

"Why din't you court her?"

"This is not the right time, Emil you know that, I just want to get out first of this hell, before I'm going to court her"

Biglang tumayo si Riyana kaya nilingon ko sya.

"Where are you going?"

"K-Kukuha lang a-ako ng t-tubig---"

*BLAAAAG*

"What the Riyana?" agad akong lumapit kay Riyana ng bigla syang tumumba, hindi naman sya lasing kasi puro Juice lang ang pinainom ko sa kanya dahil kagagaling nya lang sa sakit. 

DAMMIT

Agad ding lumapit ang mga kasama namin at nagaalalang tumulong, ang kaninang may tamang si Sarah ay biglang naging tuliro.

"Let's to the clinic" gumagaral agad ang tinig ni Sarah halatang naaalala habang ako ay agad na binihat sya.

"H-hindi ko m-maigalaw ang mga b-braso" parang binambo ang ulo ko dahil sa sabi ni Riyana 

"Shit call the doctor" halos pasigaw ko ng sabi.

KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن