CHAPTER 34 || THE PUNISHMENT

1.8K 63 0
                                    

Riyana's POV

Araw ng Lunes.

Nagmadali akong naligo dahil may class kami ng 7:30. Nang makalabas ako ay handang handa na rin ang mga kasama ko. Sinulyapan kong muli ang unipormeng soot ko. Kung hindi lang sana masama ang lugar na 'to ay baka mapapadalas ang pasok ko dahil sa ganda ng pagkakayare nito.

"Let's go" yaya ni Lian. Tumango nalang ako at isinabit ang bag sa likod ko.

"Kumusta ang weekend naten?" Masayang ani ni Don. Natawa naman lahat sa kanya dahil ano pang magkamustahan e magkakasama naman kaming lahat, except lang siguro kay Lian na panay ang alis, ang sabe nya ay may pinapagawa daw ang mga teacher namin sa kanya kaya sya umaalis para din daw yun sa grade. Hindi ako kumbinsido sa dahilan nya pero Hyst! 

Madaling lumipas ang oras, hindi namin namamalayan na oras na pala para mag lunch kaming anim, hindi gaya nung una ay masasama silang tumingin samin habang naglalakad, ngayon ay parang may sari-sarili na silang mga mundo at walang pakialam sa paligid.

"Did you heard the news last night?" Dinig kong bulong ng isang babae, nakikipagbulungan sa kaharap ding babae.

"What it is"

"They said na may nahuli daw ang headmistress na lumabag sa patakaran"

"Seriously?"

"Yeah"

"Who are they?"

"I don't know" Nagkibit-balikat ito at pinagpatuloy ang pagkain, bigla naman na hinawakan ni Lian ang kamay ko dahilan para matinag at mapaharap ako sa kanya.

"Is there a problem?"

"A-Ah wala tara na?" nakangiting yaya ko. Nakita ko naman syang natigilan pero sumunod rin sakin ng walang alinlangan.

Masaya kaming kumain, hindi man normal ang paaralan na 'to ay ginawa naming normal. Nagbiruan, nagtawanan at nagkwentuhan kami, tuloy ay halos lahat ay nasa amin na ang atensyon. Nang matapos naman kami ay pabalik na sana kami ng may isang babae ang sumigaw.

"Ahhhhhhhhhhh" Agad na nataranta ang mga ibang student at nagsitakbuhan sa field. Doon ay bumungad samin ang dalawang katawan na hindi na halos makilala dahil puro dugo ang mukha nila, para silang pinapaliguan ng dugo, Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa hindi magandang natawin nakahubad ang mga ito, walang saplot sa katawan tanging ang isang kumot lang tumatakip sa maseselan nilang parte ng katawan. Katawan ng isang babae at lalaki.

Sa leeg nila ay may nakasabit. 

"You break it, and you will die" hindi ko na napigilan ang basahin ang nakalagay doon, hindi ko alam kong anong tinutukoy nyang break don, hanggang sa magsalita si Emil.

"They break the only rule" Halos masamid ako sa sarili kong laway. Ang nagiisang patakaran. Dammit ginawa ba nila yun?

"Maybe that's the punishment, ang kung sino man ang lalabag dito ay mamamatay" Deretsong sabi naman ni Sarah habang nakatingin sa dalawang katawan sa harap namin.

"Tangna" hindi mapigilan ang mapamura ni Don, habang si Lian ay makikita mong sinusuri ang dalawang katawan gamit ang mga mata.

"Patikim palang  ata 'to" wala sa sariling sambit ko at tumalikod sa kanila at nagsimulang maglakad papalayo.

KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]Where stories live. Discover now