My Perfect Boyfriend - Chapter 23

953 18 2
                                    

Hi ulit guys! Ma-promote lang me ng aking isa pang kalokohan! Suportahan niyo please? “Radio Rebel” ang title, KathNiel din yan guys!  Hahahahaha! This weekend ko SIGURO ipo-post ang chapter 1 nun kasi focus muna ako ditech sa MPB. Lumalala na ang tension. Hahaha! Chos. O cge na read na kayooo! :*

--------------------------------

Kath’s POV

Nagising ako ng wala si DJ sa tabi ko. Akala ko ba tabi kami matulog? Hay, hayaan. Baka sa guest room natulog. Umupos ako ng maayos at nakita kong may note at gamut na naka dikit sa baso na may gatas.

Note:

Hi my princess! Drink your medicine oh, everyday daw yan sabi ni doc. Tandaan mo baby ha? No matter what happens we will always be here for you. Susuportahan ka namin sa lahat lahat. Love ka namin ni dad and Lexi.

-Mom

Nakaka-touch naman si mommy. Haynako. Naligo ako tapos naghanap ng uniform. At ayun! Nakita ko na, nakakamiss naman. Noon suot-suot ko to, masaya kami lahat. Pero nagbago na ang lahat ngayon. I need to be careful. Pink na pang cheer ang suot ko ngayon. Kasi may try-outs nga diba? Wear your best daw. Kalokohan.

Nag-ayos ako ng buhok. Plinantsa ko to. Para maging straight. Kasi sawa na ako sa kulot eh.. Brinaid ko nalang yung buhok ko na parang headband sa harap. Tapos all-out straight. O diba! Galing ko talaga..

Pagkatapos kinuha ko yung bag ko. Yung dati pa rin, yung may tatak na SJU. Inayos ko at bumaba na ako dala-dala yung gamut at gatas. Siyempre di ako iinom ng gamot kung di pa ako kakain. Baliw lang?!

“Hindi man lang nanghintay?!” Sabi ko sa kanila. Kumakain na lahat. As in lahat. Kakainis. Pero walang birthday girl? Walang Lexi?

“Tampo ka naman agad. Nagutom tong dalawang boys eh.” Sabi ni dad. Nilapag ko yung bag ko sa sofa then pumunta sa dining..

“So ganon? Mas priority niyo pa yang dalawang ugok na yan kesa saakin?” Pagmamaktol ko ki daddy.

“Kung umupo ka na kasi, di naka-kain ka na.” DJ. Asarin ba naman ako?

“Kaaga-aga away agad kayo.” Mommy sabay lagay ng bacon sa mesa..

“Wow bacon!” Umupo ako at nagsimulang kumain.

“Bacon lang pala ang katapat.” Daddy.

Di ko na sinagot si daddy dahil gutom na talaga ako. Kain.. Kain.. Kain.. Napansin kong walang imik si Ella at Francis? Nangyare.. Di bale.. Kain..kain..kain..

“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday happy birthday to you!” Napaubo naman ako sa gulat dun. -______-

“Happy birthday baby girl!” Mommy sabay abot kay lexi ng cake tapos blinow niya to…

“Anong winish mo?” Ate Mich.

“Maka-gimik mamaya.” Sabi ni Lexi sabay upo sa tabi ko.

~HAHAHAHAHAHA! Tawanan naman kaming lahat sa sagot ni Lexi. Timang lang? Hahaha.

Natapos na rina kong kumain at nainom ko na rin yung gamot ko, nagtoothbrush na rin ako..

“Anong balak mo mamaya sis?” Ako to Lexi..

“Papatigil ko yung last period natin kung pwede. Para makapag-cill.” Loko din to eh no..

“Sira.” Ako. Tapos dumiretso na siya sa kotse ni DJ kung nasaan sina Ella ang Francis.

“Thanks!” Sabi ko ki DJ pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto ng car.. SHOTGUN! Yeaaahh!

“Beeeep-beeeep!!!!!” Busina ni DJ kay Lexi.. Tagal eh!

“Anjan naaaa!” Sigaw ni Lexi sabay pasok sa sasakyan. Nasa gitna si Ella.

“First day as seniors here we come!!!!” Sigaw ni DJ…

“Woohooooooo!!” Sigaw namin sabay paharurot ni DJ ng sasakyan niya..

Walang umiimik sa sasakyan.. then I decided na patugtugin yung stereo..

(a/n: Play the sooong.)

Alam ko tong song na to eh. Parang napanuod ko na to. Ahhh! Oo. Ang story na yung….. namatay yung babae dahil sa leukemia. Parang ako… Pero stage 3 palang naman diba? Mamamatay na ba talaga ako? Ayoko rin naman mag chemo therapy. Kasi baka dahil dun pa ako mamatay. Ang life nga naman, parang bato.. HARD. Pwe! Corny ko. Hahaha.

“We’re here!” Sabi ni DJ sabay baba naming lahat..

“Tara dun! Andun sina Julia at Diego oh!” Tapos tumakbo kami dun sa may damuhan… Parang mga bata!

“O bat andito pa kayo? Diba transferees kayo? Dun kayo sa special orientation..” Sabay nguso ni Julia sa may quadrangle. Aba, sosyal  may banda pang tumutugtog rock pa ang music. First Day High? Baduy..

“Nakuha niyo na ba yung sections natin?” DJ.

“Oo na! Happy birthday Lexi! Hahaha!” Zharm.

“Anong oras daw yung try-outs?” Tanong ko ki Julia at Zharm.

“Ahm mamaya daw 9 am. Diba mag-ttry outs din si Ella?” Julia..

“Oo nga.” Sabi ko sabay upo naming nila DJ sa bench sa ilalim ng puno.

Usap-usap muna kami. An gaga pa kaya… 7:30 palang. Puro introduce yourself ang topic sa mga classrooms. Ang boring naman kung aattend pa kami nun diba? Hahaha.Saka old students naman kami ah..

“Hi baby DJ! Miss me?” Napatalikod ako sa nag-salita.. Who the hell? May tawagan pa ah?!

“And who the hell are you?” Pag-tataray ko sabay tayo. Tapos hinawakan ni DJ yung kamay ko, sign na wag ko ng ituloy..

“I should ask you the same question.” Taas kilay niyang sabi sabay tingin sa mga kamay namin..

“Don’t you remember me DJ?! It’s meeee! Coleen!” Sabay halik sa pisngi ni DJ at niyakap ito pero pumiglas si DJ…

“Coleen who? Sino ka ba?!” Sabay punas niya sa halik nito..

“A-ah, guys? Wag nating pinag-aaksayahan ng panahon yang hitad na yan. We have try-outs remember? Kayo rin DJ.” Lexi.

“Bye whoever-you-are!” Sabi ni Julia.

Kinuha naman ni DJ yung bag ko at umalis na kami. Halata yung inis sa mukha niya. Grabe! Sino ba kasi siya para HALIKAN ang BOYFRIEND ko?! Buwisit! Way to start the first day! >_<

---------------------------------------------

I smell trouble! Coleen Garcia as herself. Tama ba spelling ng coleen? Hahaha! Feel free to correct me. :P SOrry sa mali maling pag-type. Me is antok na. Still no sleep. Mehehehe.

-Emae <3

My Perfect BoyfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora