| 3 : all the good things |

93.3K 4.7K 1.6K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3.

All the good things


Weeks passed and all I did was focus on my studies. It wasn't easy considering this is the first time I really paid attention to my studies but it felt really fulfilling nonetheless.


Abala ako sa pagha-highlight ng librong binabasa ko habang nag-iisa sa isang kiosk. I like being alone like this. I can study while listening to Imagine Dragons in peace.


"Someone looks busy," nagulat ako nang biglang may dumating sa kiosk na tinatambayan ko.


"Someone looks ugly," biro ko kay Cooper dahilan para dumungo siya sabay bigay sa akin ng evil stare niya kuno. Back then, I would've been freaked out but hindi na ngayon kasi alam ko nang harmless naman pala siya. I actually find it cute whenever he does this.


"I'm studying, Cooper. Leave me alone, thank you," sabi ko bago pa man niya masabi ang pakay niya. Alam ko naman kasing kukulitin niya lang ako at ibubugaw sa kung kani-kaninong kaibigan niya. Kahit nga kay Dilly tinutukso niya rin ako. Ewan ko ba sa kanya, may topak talaga.


"And I'm dying, Hurricane," sabi naman ni Cooper sabay upo sa harapan ko.


Natameme ako dahil sa sinabi ni Cooper. Wala na ako sa mood na awayin siya. Napabuntong-hininga na lamang ako at sinara ang libro ko. "Ano na naman po ang kailangan niyo, sir?" sarcastic kong tanong.


"Kailangang maglayag ng barko ko," mahinang sambit ni Cooper kaya agad nakunot ang noo ko.


"Ha?" tanong ko.


"Galing! May kaibigan na nga akong bulag, pilay, baliw, chikboy, matanda, tapos ngayon meron namang bingi?!" Sarcastic niyang sambit kaya tinaasan ko agad siya ng kilay. Ano bang problema ng lalakeng 'to?


Bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Cooper at may sinagot siyang tawag. Sinamantala ko ang pagkakataon at agad kong kinuha ang mga libro ko saka nagpaalam upang umalis. Sinubukan kong maghanap ng lugar na matatambayan dito sa school hanggang sa makarating ako sa isang orchidarium. Bukas ito para mga estudyante kaya agad akong pumasok rito at omukupa sa isang bakanteng mesa.


Habang inaayos ang mga gamit ko, namataan ko si Dilly sa kalapit na mesa.


It seems like Dilly's here for the ambiance. Wala siyang ibang kasama at mukhang nakikinig lang siya ng music dahil suot pa niya ang earphones niya.


Dilly's a good person. I'm actually comfortable around him. Nagiging uncomfortable lang naman ako sa tuwing tinutukso ako ni Cooper sa kanya.


Naupo ako sa tapat niya. Parang hindi niya napansin ang pagdating ko dahil diretso lamang ang kanyang tingin habang nakatulala.


Binuksan ko ang libro ko at nagpatuloy ako sa pagbabasa. Ngunit habang naglilipat ako ng pahina, napansin kong tinanggal ni Dilly ang headphones niya. "S-sino ka?" tanong ni Dilly.


"Don't worry it's just me," sabi ko at muli kong nasilayan ang ngiti sa mukha niya.


"Ginugulo ka na naman ni Cooper no?" panunukso niya kaya natawa ako.


"That idiot keeps on popping out everywhere. I hope he doesn't come here," biro ko.


"Siya pa, eh mushroom 'yon. Nung minsan ngang nagpunta ako sa doktor ko, biglang andun din siya sa ospital," natawa si Dilly habang nagsasalita pero ako, hindi. Alam ko kasi kung bakit andun si Cooper. Kasi may sakit siya.


"Kamusta ka na, Dilly?" tanong ko nalang para maiba ang usapan.


"Heto, bulag parin. Ikaw? Mukhang good mood ka ngayon ah?" tanong niya naman.


"I just aced a math exam!" Pagmamalaki ko. "I never thought this day would come! I mean I hated math since I was in grade school tapos ngayon I got the highest grade without asking for anyone's help! Dude this feels really good! Why didn't I study hard before?! I never felt this fulfilled!" Hingal na hingal ako matapos magsalita samantalang si Dilly naman tawa nang tawa. Nakakahawa ang tawa ni Dilly kaya hindi ko rin mapigilang matawa.


"Kailangan mo lang palang maging highest sa math exam para lang sumaya ng ganito," biro niya.


"Nakakapanghinayang ang mga panahong sinayang ko. I guess this is part of growing up, realizing and doing better," hindi ko napigilang mapabuntong-hininga.


"Sana nakikita ko ngayon kung gaano ka kasaya," aniya sabay ngiti.


I was left tongue tied with what he said. It was heartwarming but I can't point out if it made me sad about him being blind or if it made me happy knowing someone wants to see me happy.


"There's a lot of bad things happening to the world right now. Can you promise to tell me all of the good things that happen to you?" tanong ni Dilly.


I was confused why dilly said that but I found myself nodding. "Promise."


END OF CHAPTER 3!

Note: Sorry for this really short update hihihi My mind is still drowning on the whodunnit genre a.k.a PND. Will bawi next week :)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Dear Andy Lim,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon