| 14 : The first time in a long time |

79.3K 4.4K 1.3K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


14

The first time in a long time


          "Shane, hindi mo ba bibisitahin si Dilly sa ospital? Isang linggo na siya roon. He's been waiting for you to visit him," sabi ni Yani pero imbes na lingunin siya, nagpatuloy ako sa pagtitimpla ng kape para sa mga bisitang dumarating.

         "Did he ask for me to visit him?" tanong ko, sa sobrang abala ni hindi ko siya magawang lingunin.

         "H-hindi, pero for sure naghihintay yun sa'yo," sabi naman ni Yani kaya napabuntong-hininga ako at tumigil sa pags-stir ng kape.

        "See, hindi niya sinabi. And besides, andami ko pang kailangang gawin dito sa burol. May relatives pa si Agatha na darating mamaya from states. Nga pala, anong balita kay Puma? Kailan ang flight niya? The funeral is tomorrow, she can't miss it and we can't delay it either," tanong ko na lamang sabay lingon kay Yani.

       "Why are you suddenly avoiding the subject?" tanong ni Yani na para bang nag-aalala.

      Napabuntong-hininga ako. "Look Yani, this week is about Cooper and Agatha. This is the last time na may magagawa ako para sa kanila. Gusto ko kahit bago man lang sila mailibing, makatulong parin ako kaya hangga't sa maaari ayoko ng distractions," giit ko.

        "Nag-away ba kayo ni Dilly?" tanong pa ni Yani kaya napasandal na lamang ako sa mesa at nasapo ko ang noo ko saka umiling-iling. "Then why do you seem so bothered?" tanong pa niya.

        "Kasi hindi niya sinabi agad!" hindi ko na naiwasang maglabas ng sama ng loob.

        "Hindi sinabi ang ano?" tanong naman ni Yani.

        Napapikit ako. "He told me loves me, right before his surgery," hindi ko na naiwasang umamin.

        "Finally! Hallelujah!" napabuntong-hininga si Yani at sa puntong iyon ay agad akong napadilat. "That guy is slower than a turtle! So ano na? Out of the fake-lover zone na kayo?" napakalapad ng ngiti sa mukha ni Yani at mukhang excited na excited siya, bagay na ikinagulat ko.

       "Wait, alam mong nagpapanggap lang kami?" tanong ko. Kaming tatlo lang naman ni Dilly at Chord ang nakakaalam ah? Nangako kaming walang ibang pagsasabihan!" giit ko.

        Naglaho ang ngiti sa mukha ni Yani at agad niyang napalo ang bibig. "Bibig mo talaga, yani! Shit ka talaga!"

       "Yani, sinong nagsabi sayo?" tanong ko pa at sa puntong iyon ay bigla na lamang kumaripas si Yani ng takbo palabas sa kusina. All I could do was roll my eyes in disbelief.

        Bitbit ang mga tray, lumabas ako mula sa kusina at nag-simulang mag serve ng tray sa mga bisita at kamag-anak nina Cooper at Agatha. Both of their families became really close and both witnessed how their kids loved each other so they decided to hold the wake and funeral together; at the same place, at the same time.

Dear Andy Lim,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon