TSHIKIB Chapter 8

66 2 0
                                    

Update mode. Enjoy.^^

_________________________________________________________________________________

TSHIKIB Chapter 8

IZZIE'S POV

"Nakakainis talaga! Sarap isako nung lalaking yun tapos itapon sa dagat! Sarap niyang patayin!!!!!!"

Alam niyo ba kung sino yang galit na galit na babaeng yan? Yup, you guessed it right. Si Shane yan. Poot na poot sa boyfriend ni Jee. Nasa kwarto ko nga pala kami, magkapitbahay kasi kami nito kaya anytime pumupunta siya samin. Simula pagkabata namin, magkaibigan na kami. Si Jee lang ang nadagdag samin nung nag2nd year high school kami. Yes, you read that right. 2nd year high school lang namin naging kaclose si Jee, pero mahal na mahal na namin agad yun. May something kasi dun sa babaeng yun na nagpalapit a samin sa kanya.

*FLASHBACK

Magkasama lang kami ni Shane sa room, tinatamad kasi kaming makipagsiksikan sa canteen. Tas ayun, may napansin ako na nasa room din kaso mag-isa lang.

"Shane, kaklase na nating yang si Jeeanne simula 1st year tayo, di ba?"

"Yup, nasa top ten din nga natin yan e."

"Ohh? Hindi ko kasi yan ganong napapansin. Ang talino pala niya kaso hindi siya nakikihalubilo sa mga tao."

"Ewan ko lang. Ang sabi nung iba, siya mismo naiwas sa mga tao. Ayaw niyang makipag-usap, nakakausap lang daw yan kapag tungkol sa studies lalo na kung lalaki ka."

"Baka naman may phobia sa tao yan?"

"Adik ka talaga Izzie."

*riiiiing

"Cellphone mo ba yun Shane?"

"Hindi ah. Ayun, kay Jeeanne ata yun." Nakita namin si Jeeanne na tumayo tas pumunta ng cr. Kami namang dalawa ni Shane, sinundan siya. Sorry naman, medyo chismosa kaming dalawa e.>:)

"Baby naman. Wala na nga akong kinakausap na kahit sino dito sa school tas sinasabi mo pa sa text mo na tao lang sa paligid ko ang iniintindi ko? Kung sila iniintindi ko, sana madami akong kaibigan. E pero wala nga di ba? Ikaw lang kasi mahalaga sakin. Wag ka namang ganyan sakin."

Naiyak si Jeeanne sa may cr, tas *Beep, may nagtext sa kanya. Pagkabasa niya nung text na yun, nagsalita ulit siya sa phone. 

"Hindi naman kasi talaga totoo yun e. Wala naman akong tinatago sa'yo. Lahat kaya alam mo tungkol sakin."

Tas may nagtext ulit at pagkabasa niya nagsalita siya ulit. Ah, e. Parang ang weird? Sa tawag si Jeeanne nagsasalita tas sa text nagrereply kausap niya? Ay sus, bakit pa tumawag yan kung ganon pala? Abnormal namang tao nitong kausap nito.-.-

Dahil napansin kong naiiyak na din si Shane, bumalik na kami sa room. Napakaiyakin talaga nito.-.-

"Izzie! Nakakaawa naman si Jeeanne, gusto ko tuloy agawin sa kanya yung phone niya para sa sabihin sa kausap niya na nagsasabi siya ng totoo." Baliw. Ni hindi mo nga kilala yung kausap nun e.

"Napakamaawain mo naman.-.- Pero napansin mo ba? Sa text nagrereply yung kausap niya."

"Ha? Pwede ba yun? Ano pang sense ng pagtawag kung sa text lang din yun magrereply?"

"Aba, malay ko di ba?"

-END OF FLASHBACK-

Naintriga kami nun ni Shane sa buhay niya, kaya ayun, inantay namin si Jeeanne na bumalik sa room. Pagkabalik niya, kinausap namin siya, pero syempre, hindi namin sinabi na narinig namin yung mga sinabi niya sa phone sa may cr. Parang nakipagkaibigan lang kami. Tas simula nun, lagi na namin siyang kasama. At nung lumaon, naging bestfriend namin siya. Astigin kasi niya e. Akala mo mahiyain, pero ang saya kasama. Tapos nalaman na din namin kung bakit ganon yung pag-uusap na narinig namin. Tsaka na boyfriend pala niya yung kausap niya nun. Lagi tuloy namin siyang sinesermunan kasama si Peter, naging kaibigan din namin kasi yun. Ex pala siya ni Jee na lagi din siyang pinapagalitan tungkol dun. Ah basta, simula talaga nun, hindi na namin mapabayaan yung babaeng yun.

"Hoy Izzie! Naririnig mo ba mga sinasabi ko sa'yo?! I'll make sure that Eric will lose Jee in his life!"

"Psh. Oo na. Kanina pa paulit-ulit e."

"Wala akong pakialam kung paulit-ulit ako. Basta, kailangan malayo natin si Jee diyan sa Eric na yan! Haaaay. Naaalala mo pa naman yung pangako natin sa isa't isa na aalagaan natin si Jee at hinding hindi pababayaan, di ba?" Oo naman, kahit lagi kaming nagtatalo nun, mahal ko si Jeeanne. Mahalaga yun sakin ng sagad.

Umuwi na si Shane after nun. Wala na akong magawa kaya nagfacebook na lang ako. Ang una kong ginawa, chineck ko yung profile ni Jee, ito naman lagi kong ginagawa e. Pero may nakita akong ikinatuwa ko. "Bestfriend pala ha?>:)", ang nasabi ko sa sarili ko nun.

____________________________________________________________________________________

To Someone's Heart, I Know I BelongWhere stories live. Discover now