Kabanata 1

405K 13.8K 4.6K
                                    

 Kabanata 1: Problem

"According to a magazine, Akires Sphinx L. Wilfaro's net worth as of 2017 is already $90 Billion that makes him the current richest man in the world." I couldn't help but to curse under my breathe when I've read that.

Nabalin kay Ryde ang tingin ko. Nakahiga siya sa kama habang ako ay nakaupo sa tabi niya. He was just wearing a jogging pants... Yeah, topless. Madalas na ganito siya lagi pag bumibisita sa condo ko. Tamad na tumingin siya sa akin at ibinaba ang phone niya.

"Did you hear me? I mean, the article I've just read?" Hindi ko maitago ang gulat sa boses ko.

"That's not surprising at all, Love." Lumapit ito sa akin. Mabilis na hinawi ko ang kamay niyang dumapo sa hita ko. "He can't reach heaven with that amount of money unlike me... You're all I need." Hinampas ko ang balikat niya dahil sa kanyang sinabi.

"You're such a pervert..." I rolled my eyes.

"That old man is surely dirtier than me."

"He's not that old, Ryde. Akires is just 26!" I retorted.

Ipinakita ko sa kanya ang picture ni Mr. Wilfaro. Nakaupo ito sa isang simpleng upuan, nakasandal. Simple yet elegant. You can see the authority and dominance in his eyes... It's kinda creepy for me. Wala kang mababakas na emosyon sa kanyang mata. But I must say, he's damn drop-gorgeous. That's undeniable!

Ryde's eyebrow arched, "Then why are you stalking him?"

Umayos ako ng upo. Isinandal ko ang likod ko sa headboard at pinatong sa hita ko ang laptop.

"Ang mas nakakamangha ay natamo niya lang ang lahat ng ito sa sariling sikap. Ang weird din na wala man lang nabanggit na parents niya sa lahat ng article." I said, I couldn't hide how amazed I am. He's silent but I hope not deadly.

Hinampas ko ng unan si Ryde nang kunin niya sa akin ang laptop ko. Itinupi niya 'yon at hinagis sa table na malapit.

"Ryde!" Hindi ko mapigilang mapasigaw.

Tatayo sana ako para kunin muli ang laptop ko nang yakapin na niya ako. Ikinulong niya ako sa kanyang bisig at ipinulupot niya sa katawan ko ang kanyang hita. Hindi ko gaanong maikilos ang ulo kong nakasandal sa kanyang hubad na katawan.

"Oh ghad! Let me go!"

"Hush... I'm jealous."

I tried to move but I couldn't. Masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Mabilis na nasinghot ko ang shower gel ko na malamang ginamit niya kanina nang makiligo siya.

"I have to finish that article! Isa ako sa maswerteng babae na mai-interview siya." I explained.

Bahagyang lumuwang ang pagkakayakap niya sa akin. Ang akala ko ay hinahayaan na niya akong makaalis ngunit 'pag kawala ko ay isang walang ganang tingin ang tumambad sa akin. Mabilis na lumayo ito sa akin at dinampot ang kanyang phone.

"R-Ryde..."

Halos mapaatras ako nang mapatingin siya sa akin. "I'm not mad but calling yourself lucky because you will just have an opportunity to get along with that man is shit..." Nakita kong bumali ang leeg niya matapos niyang sabihin 'yon.

He stood up. Umangat ang tingin ko at pinanuod siyang isuot muli ang kanyang damit.

"Remember, Chelsea. Ako lang ang swerte sa mundong ito kasi akin ka."

Mabilis na lumabas ito ng pinto. Bumagsak ang tingin ko sa laptop kong nasa table.

"I'm sorry but I am too... I am lucky because I have you. Don't be unfair..." I whispered.

Trapped (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon