Kabanata 2

47 7 1
                                    

Kabanata 2

Cancelled

"Kain kana," bulong ni Kevin sa tabi ko. Tumango na lamang ako at intinuon ang sarili sa pag-nguya at paglunok ng pagkain ko.

Ang mga adults ay puro businesses ang pinag-uusapan. Ang dalawang Montereal ay tahimik na kumakain, si Kevin lang ang may ganang kumausap sa amin at gumawa ng ingay.

Ewan ko ba pero hindi ako komportable kay Chloe ngayon. Close naman kami dati bago siya pumunta ng New York.

Tinignan ko ulit ito at hindi na ako magtataka kung bakit napakaganda niya.

"So, your youngest daughter wants to be a Doctor? Wow." My Mom said. Tumingin ito sa akin, ako naman ay nagbaba ng kobyertos at ngumiti sa kanila. "Si Sofia rin. Sa AU siya nag aaral. Ikaw Chloe? Babalik ka pa ba sa New York?" Tanong ni My.

"It depends on my Dad, Tita." Ngumiti ito. Pati ngiti niya ay maganda rin. Hindi ko maikakaila ang dugong nananalaytay sa kanila ay isang Montereal. "Pero, kung ako ang tatanungin. I want to study here." Pagpapatuloy niya at ngumiti sa akin. Nagulat ako. Tipid na lamang akong ngumiti at hindi na lamang ito pinansin.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ang lahat ay matapos. It's 8:30 pm na. Tumayo kami at inihatid ang mga Montereal sa gate.

"Bye! Take care po." Nakangiti kong sabi sa mag-asawang Montereal. Kumaway pa ako bago sila tuluyang umalis.

Nilingon ko naman ang pangalawang sasakyan. Andon si Chloe at Kevin. Pangatlo ang sasakyan ni Silver.

"Ingat," tinignan ko si Kevin at Chloe bago nginitian.

Papasok na sana ako sa loob ng marinig ko ang boses niya.

"Hindi mo man lang ako babatiin?" May halos panunuya na saad nito. Matigas ang kanyang boses kaya kailangan hindi niya mahalata na natatakot ako sa eksperesyon na ipinapakita niya ngayon.

"Ah! Ingat!" I fake laugh. Nandilim ang mga mata niya sa ginawa ko. Bahagyang napa-atras ako dahil sa paraan ng pag-tingin niya ay para bang kaya niya akong kainin ng buhay!

Tinitigan niya ako ng matalim bago tumalikod at pumasok sa sasakyan. Nagulat ako sa pagpapaharurot niya ng kanyang sasakyan. May hinahabo ka ba? Tss.

I open my Facebook account. It's 9:30 pm.

Oh, cinonfirm na ni Dash. Umikot ako sa kama ng buksan ko ang isang mensahe galing sa kanya.

Dashel Valdez: Hi Sof. :)

kanina pang 7:21 pm niya sinend. So, I quickly reply him. 'Hello Dash, slr,'

Nagulat ako dahil mabilis siyang nag-reply. Ow, gising pa.

Dashel Valdez: How's your day? I hope we can catch up ulit.

Me: Good, how about you? Yea', sure! :)

Dashel Valdez: So far, mabuti rin. Hmm, are you free tomorrow?

Tomorrow... tomorrow...

Me: Oo, mag-eenroll nalang naman ako, eh. Wala akong gagawin.

Dashel Valdez: AU, right? Samahan na kita.

Me: uh, no, no! It's fine. Kita nalang tayo ulit sa may Starbucks. :D

Dashel Valdez: Alright! Goodnight.

Mabilis akong nahiga sa kama ko. Hindi ako makatulog. Ilang minuto pa ang tinagal ko bago ko napagpasyahan maglakad-lakad muna sa labas. Nakasuot ako ng jacket na may hoodie tapos jogging pants.

Hindi naman delikado rito. Maraming guards at hindi basta-bastang makakapasok ang mga outsiders dito.

Medyo napapalayo na ako kaya huminto na ako sa malaking puno sa harap ko at dun muna nagpahangin. May mga tao pa naman kaya hindi nakakatakot.

When The Strings Got BrokeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora