Chapter 1

22.1K 278 18
                                    

"Okay misis yan relax lang po" wika ng doctor bago iginalaw ang isang aparatus sa malaki nitong tiyan.Pareho pareho silang nakatingin sa isang monitor kung saan nila muling makikita ang kanilang unang anak na nagigiliw na silang mahahawakan at mahahagkan.

Sabay silang napangiti ng itigil ng doctor ang pag-galaw ng aparatus upang makita nila ng mas malinaw ang mukha ng bata .

"Yan na po ang baby nyo. "

Hindi naman maiwasan ng mag-asawa ang mapangiti sa nakikita . Hinapit ng mister ang kamay ng misis n'ya bago hinalikan ito sa mga labi.

"Mommy, thank you, thank you! " bigkas pa nito habang patuloy ang pag-ragasa ng luha nito mula sa kanyang mga mata . lumapad ang ngiti ng kanyang asawa bago hinalikan din ito pabalik

Halos pareho silang humihikbi habang nakatingin sa kanilang mga mata.

"I love you daddy".

"I love you more mommy" sagot nito pabalik at hinalikan ang nuo ng asawa .

Lumapad pa lalo ang ngiti ni Kathryn.
May mumunting luha pa na muling lumabas sa kanyang mga mata .
Parang kailan lang,Pinagdasal nya na mangyari ang araw na 'to.
kaya sobrang tuwa ang nararamdaman nya .

"Thank you Doc Kath, so kamusta naman po ang baby namin? "

Bigla syang bumalik sa huwisto ..

Kumalma po kayo, hindi s'ya ang buntis, kundi ang kanyang pasyente .

Matagal na n'yang pasyente sina Mr and Mrs. Lorenzo. Simula ng kinasal ito 6 years ago ay s'ya na ang humawak dito. katulad ng iba nyang pasyente iba ang sitwasyon ni Mrs.Lorenzo di tulad ng ibang babae ay hirap itong magbuntis, halos 4 na beses ng nakunan ang ginang at di man lang nakakaabot ng 2nd trimester ay nalalaglag na ang bata. Noong nakaraang nakunan ito ay halos sumuko na ang dalawa. kamuntikan pa ngang maghiwalay pero hindi sumuko si Kath . Patuloy n'yang kinunbinsi ang mag-asawa na subukan uli at gagawin n'ya ang lahat ng makakaya n'ya para matulungan ang ginang sa pagbubuntis nito

At sa wakas ay nagkatotoo 'yun

Kaya ngayon sobrang tuwa nya na nandito ang magasawa upang magpacheckup dahil ilang araw nalang ay manganganak na ito .

"The baby is healthy ... And naka position na ang baby sa loob so get ready dahil in a day or two ay lalabas na ito wag ka din mag-alala Mrs.Lorenzo dahil normal delivery ka. Kailangan mo lang pakiramdaman ang sarili mo. If medyo sumasakit na ang balakang mo umpisa na 'yon kaya mister dapat laging babantayan ang misis "

"Po? Hmm doc kanina po kasing umaga medyo sumasakit na ang balakang ko at parang ngakaka-cramps po ako pero hindi naman tumatagal parang papuslit-puslit lang"

Sabi ng ginang kaya nagseryoso ang mga mukha nila.

"What? Bakit hindi mo sinabi agad? I-IE na kita I need to check you baka nag-lalabor ka na hindi mo pa alam" sabi ni Kath bago kumuha ng surgical gloves

Lumapad naman lalo ang ngiti ng mag-asawa bago hinimas ng mister ang braso nito. sinimulan na ni Kath na i-check ang ginang at napaawang ang kanyang bibig sa nalaman .

"Mrs.Lorenzo.. you're 5 cm dilated, we need to confine you. on labor ka na" sabi ni Kath kaya tila lumapad lalo ang ngiti ng dalawa.

-

Umalingaw-ngaw ang iyak ng sanGgol sa buong delivery room

"It's a baby boy ! congratulations Mr. and Mrs Lorenzo! I'm so happy for the both of you! " wika ni kath bago inilapag sa dibdib ng ginang ang bagong panganak na bata

Bumuhos ang luha ng mag-asawa habang nakatingin sa batang patuloy padin ang pag-iyak .

"Doc, he's beautiful." wika ng ginang at hinalikan ang maliit na kamay ng sangol .

Two Red LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon