Chapter 3

11.9K 261 55
                                    

"Seryoso ka !! ??? Kumuha ka talaga ng Sperm Donor !" Gulat na tanong ni Lex ng bangitin sa kanya ni kath ang tungkol sa plano nito na magpa artificial insemination ..
.

Kasalukuyang nagpapahinga sya ngayun sa clinic dahil kakatapos lng nyang mag paanak ng pasyente kanina .

May nahanap na kasi syang donor at na email na nya ito ,hinihintay nalang ang reply upang mapagkasunduan nila kung kelan magaganap ang artificial insemination sa kanya . Kaya sinabi nya na kay lex ang tungkol dito .

"Oo nga .. bakit masama ba ? "Sabi ni kath habang nakaharap sa laptop nya

Lumapit si lex sa kanya habang nakapamewang .

"Gaga naloka lang ako .. kasi nga diba ? Ayaw mong mag jowa tapos ngayun gusto mong magkaanak ? " Sabi ni lex at umupo sa upuan na pang pasyente .

"Mag kaiba naman yun . Di bale ng walang jowa basta sure ako na hindi akontatandang magisa .. saka para saan yung mga pinaghirapan at pinundar ko kung hindi naman ako magkakaanak diba ??.. basta magka baby lang ako solve na talaga ako .. " sabi ni kath bago napatingin sa papel na hawak nya .

" sure ka na ba talaga ? Bat di ka nalang kasi maghanap ng jojowain na bubuntis sayo .. malay mo yun nadin ang forever mo hindi mo na kailangang isarili ang magaalaga sa bata .. naku mahirap maging single parent ah ! Sinasabi ko sayo " pag kukumbinsi pa nito sa kaibigan .

Pero umiling si kath .. ilang beses na nyang pinagisipan to at para sa kanya buo na talaga ang desisyon nya .

"I'm sure na talaga lex .. di bali ng maging Single parent kesa maging single forever .. kahit wala akong katuwang atleast may anak akong makakasama . Saka ayoko ng sakit ng ulo .. kung hihintayin ko pang mgjowa kelan pa?? Pag tuluyan ng naexpire ang matris ko ? " sabi ni kath sa kaibigan kaya napabuntong hininga ito .

"Kung sa bagay ... tama ka .. mahihirapan ka na talagang magbuntis pag pinatagal mo pa ." Sabi ni lex kaya napangiti si kath sa kaibigan .

"Kath I'm so happy for you!! Nako ! Deserve mo talagang magkababy ! Sana girl ! Para gagawin kong barbie ." Magiliw na sabi ni lex kaya napatawa si kath ..

"Thank you lex .. pero saka na tayo matuwa pag nandyan na at buntis na ako . . Haha"tuwang sabi ni kath

Napapalakpak naman si lex na tila mas na eexcite ito sa dalaga "grabe doc !! Excited na talaga ako !! Haay ."

"Kung excited ka ? Ano pa kaya ako diba .??haay grabe .. hindi na ako makapaghintay lex .. gusto ko na talagang magkababy " sabi ni kath at napasapo pa sa kanyang sinapupunan ..

Totoong hindi na sya makapaghintay kaya nga hindi din sya mapakali at laging inaabangan na ma verify ang request nya ng International Medical Doctors . para sa sperm na idodonate ng donor nya .. medyo strict din kasi ang medical team dahil sinisigurado nila na nasa tamang kundisyon ang donor at wala itong anumang sakit bago matuloy ang insemination . Kaya halos 2 araw na syang nakaabang sa email nya .

"So ano na te .. ano ityura nung donor ?? Ano yummy ba ?" Tanong ni lex kaya natawa si kathryn .

"Nakita ko na yung picture nya kaso hindi ko na save bes .. pero I can say na He's good looking ... and Daniel ang name nya " sabi ni kath kaya napangiti si lex .

"Ano ? Yummy ? Sa tingin mo ba pasado na .. papables ba ang datingan ?" Tanong pa nito kaya natawa si kath

"Papasa ba kung hindi.. . Base dun sa profile nya .. he's 30 yrs old , single , 6'1 and height nya.. may pagka fillam sya .mahilig sya sa sports ang car racing .. tapos may business sya dito and outside the country .. wala din syang any history ng anumang sakit and malinis din medical history both side parents nya . One thing pa wala syang kahit anong bisyo .. at sa lahat ng donor na nakita ko ..sya talaga ang pinaka matino" sabi ni kath sa kaibigan na tila kumikintab pa ang mata at nakatingin sa kanya ..

Two Red LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon