Chapter Twenty

4.5K 30 1
                                    

            

Chapter Twenty


Kung pwede lang na ipasa ang sakit, matagal na ng ginawa ng Mamang niya. Matagal na niyang kinuha ang sakit na pilit na nilalabanan ng anak. Hindi man ito pisikal pero mas masakit na ang ala-ala mo ang nasugatan.

"Anak, Jiya, para sa anak mo. 'Di ba hahanapin natin siya?" pangungumbinse ni Mamang niya sa kanya.

May session sa kanyang psychiatrist ngayong umaga si Jiya pero ayaw niyang magbihis. Hinahanap kasi niya ang anak.

Ganito madalas ang eksena nila sa apat na buwang pananatili si Manila. Halos pilitin si Jiya na pumunta sa psychiatrist. Minsa'y nakakausap ng matino si Jiya. May oras din na umiiyak siya dahil hindi makita si Sander.

"Mamang, 'yong anak ko," piyok na saad niya sa ina. Nakaupo siya sa kama. Nakatungo at pinaglalaruan ang laylayan ng damit.

"Kapag magaling ka na, hahanapin natin siya," mahinahong alu sa kanya ng ina niya.

"Tutulungan mo ako?" Parang bata si Jiya na nawalan ng manika.

Hinaplos ng ina niya ang mahabang nitong buhok. "Oo, anak." Hindi napigilan ng ginang ng umiiyak.

Masakit para sa isang ina na makita ang anak na nahihirapan. Para siyang dinurog-durog tuwing hinahanap ni Jiya ang anak. Unti-unting nabibiyak ang puso niya sa anak.

"Patawarin mo sana ako, Ji," umpisa ng mamang niya. Umupo ito ng maayos sa tabi niya. "Buong akala ko ay nakilala mo na ang a...anak mo at humahanap ka lang ng tyempo." Humagulgol ang ginang. Niyakap niya ang anak. "Ang sama kong ina dahil wala ako sa tabi mo."

"'Mang..."

"Shhh..." alu niya sa anak. "Hindi mo dapat 'to nararanasan."

"Hindi 'Mang, karma sa akin 'to," pigil na iyak na tutol ni Jiya. "Malinaw na pag-aaral lang ang pinunta ko dito. Tapos nagsinungaling ako sa inyo. Hindi ko pa na...nagawang sabihin sa inyo na may anak na ako."

"Anak, ayos lang sa amin 'yon. Biyaya ang bata, Ji."

"'Mang, pangako hindi na ako magsisinungaling sa inyo."

"Nandito lang kami, anak. Hindi kami galit sa 'yo, ha? At hinding-hindi magagalit. Pamilya tayo."

"Karma ko 'to, 'Mang."

"Hindi. Pagsubok ito. Manalangin tayo. Nandyan ang Diyos."

"Makasalanan ako." Lalong naiyak si Jiya sa sinabi. Para sa kanya, hindi niya kayang pumasok sa simbahan.

"Hindi ka makasalanan. Ina ka. Pinatunayan mo na lahat ay gagawin mo para sa anak mo."

Nang mahimasmasan si Jiya ay naligo ito at nagbihis para sa session niya. Tama ang Mamang niya, kailangan niyang gumaling. Kakayanin niya.

Sander, anak, kung nasaan ka man, hintayin mo 'ko. Hahanapin kita.

Tumagal ng ilang buwan ang gamutan ni Jiya. Tuwing nagwawala ito ay ang ina niya ang tinatakbuhan. Mahirap. Napakahirap.

Ayaw niyang lumabas dahil nakakakita siya ng lalaki. Noong una ay halos magtago ito sa ilalim ng kama tuwing nakakarinig ng tawanan sa labas ng apartment.

Ang dalawang palapag na apartment ay naging saksi sa paggaling niya. Unti-unti na siyang nakakausap. Paunti-unti na ring bumabalik ang Jiya na nakilala nila. Ang Jiya na tahimik pero bukas sa problema. Tumutulong na din siya sa gawin bahay at minsa'y sumama sa pamamalengke. Doon niya nalabanan ang trauma niya.

Mahirap kalabanin ang sarili at madugo ang pakikipaglaban sa kinatatakutan. Lalo pa't mahirap mawala sa isipan.

Hindi dapat kinakalimutan ang masasamang karanasan. Dapat ay harapin ito at kalabanin. Para tuwing naalala ay hindi masakit.

"'Mang?" tawag niya sa ina habang naghahapunan.

"Ano 'yon?"

"Ka..kamusta na po s..sina Pa..pang at k..kuya?"

Sa ilang buwan na pananatili ng mag-iina sa Manila at pagkawala niya ay walang silang binanggit na tungkol sa Papang at Kuya niya. Ayaw nilang nagwala si Jiya o di kaya'y umiyak.

Nagtigilan kapatid niyang si Janna at ang ina niya. Nagtinginan muna sila bago tumikhim ang kanyang ina.

"Isang linggo ang lumipas noong umalis ka ay nakalabas ang Papang mo sa ospital." Lihim siyang nagkalkula, mag-iisang taon na pala niyang hindi nakakasama ang Papang at Kuya niya. Ang Kuya naman niya ay nakit niya pero hindi man lang nakasama dahil sa kalagayan.

"Hinanap ka niya," dagdag ng kapatid niya. "Sinabi ko ay, hinahanap mo 'yong anak mo."

"Si Kuya?"

"Siya kasama ng Papang mo," ang ina niya ang sumagot.

"Pa...paano ang trabaho niya?"

Umiwi lang kasi ang Kuya dahil sa operasyon ng kanilang ama. Siya ay gumagastos sa kanila.

"Matagal na siyang hindi sumakay sa barko." Isang seaman ang Kuya Jonas niya.

"Ka...kailan ba tayo uuwi sa atin?"

Nagulat ang dalawang kasama sa narinig. Talagang gumaling na si Jiya.

"Ka..kailan mo ba gusto?"

"Bukas po sana? Miss ko na po sila."

Nagliwanag ang mukha ng ginang. Hindi niya napigilan na yakapin ang anak. Umiiyak ito. Masaya siya sa anak.

Inayos muna ng ina niya ay ilang medical records at pakipag-usap sa doktor kung pwede nang umuwi si Jiya. Salamat sa Diyos at unti-unti na siyang gumagaling.

Isang linggo ang lumipas at nakauwi na ang mag-iina sa Batangas. Tuwang-tuwa ang Papang at Kuya nang tawagan sila kagabi na uuwi na si Jiya. Isang magandang balita.

Parang may piyesta sa kanilang bahay dahil sa dami ng pagkain. Wala silang bisita dahil ayaw nilang mabigla si Jiya. Tanging ang Kuya at Papang lang niya ang nakita niya sa may pintuan.

"Jiya?!" maluha-luhang tawag ng ama nang makalapit ito sa kanila.

"Papang!" Niyakap niya ang amang matagal na hindi niya nakasama. Humagulgol siya sa dibdib nito. "Miss ko na po kayo!"

"Miss na din kita, anak." Hindi mapigilan ng ama ang luhang kanina pa nagbabadya.

Ang Kuya Jonas naman niya ang hindi nakatiis at sumali rin sa yakapan.

"Kuya!"

Matapos ang iyakan nila ay pumasok ang mag-anak. Dumiretso sila sa kusina.

"Natatawa nga ako sa Kuya mo, Jiya, hindi natulog kagabi dahil sa pagluluto. Gusto niyang makakakain ka ng masarap."

Ngumiti ng malawak si Jiya. "Baka malason po tayo nito," biro niya. Sinulyapan niya ang Kuya niya na naghahanda ng pananghalian.

Tumawa ang mag-anak. Napakamot na lang si Jonas sa kanyang batok.

Masayang kumain ang mag-anak. Nagpakwento si Jiya sa mga nangayari noong wala siya. Salamat naman at walang naging komplikasyon ang operasyon ng Papang niya. Ang tangi lang nangyari ay ang pagkawala niya.

"Nasaan po pala si Nissam?" Maya-maya'y tanong ni Jiya.

"Hindi ko alam, 'nak. Abala siya sa paghahanap sa kumuha sa 'yo," sagot ng Papang niya.

Mapait siyang natawa. Isa pa lang drug lord ang kumuha sa kanya. Hindi na siya ang Gerard na nakilala niya. Bakit ba hindi siya nag-isip, na nagbago na ang lalaking 'yon.

Jiya, sampung taon ang lumipas, pangaral niya sa sarili.

"Kailangan ko pong makausap si Nissam."

Si Nissam lang ang pag-asa niya para makita muli ang anak.

~W~

JIYA (COMPLETE)Where stories live. Discover now