Chapter Twenty-one

3.9K 33 0
                                    

Chapter Twenty-one

There's no place like home. In the midst of dreary day, there's always a place waiting for you and that's home. The warmth of love from home can wipe the exhaustion you had. Home is when you feel the comfort and euphoric feeling from people you cherish.

"Ate, nandito na po si Kuya Nissam," tawag ng kapatid niyang si Janna.

She doesn't want to face that man! She loathe him! Papaano pa niya nagawang magpakita?! Paano niya nagawang magpanggap na matagal na niyang alam na dumating na ang sina Sander?!

Exactly two weeks passed since Jiya went home. Every hour of that weeks, her family fulfilled the love and care she deserves.

Groggy, she got up. Masama ang pakiramdam niya. Mula ata umuwi siya sa bahay nila dalawang linggo na ang nakakalipas ay masama na ang pakiramdam niya. Maybe, her body is adjusting the climate in north.

"Ji?" tawag ng Kuya niya nang nasa mag hagdanan na ito.

Muntik na siyang matumba. Salamat at nakasalubong niya ang Kuya niya.

"Ayos ka lang? Anong masakit sa 'yo? Dalhin kita sa ospital?" puno ng pag-alala na saad ng kapatid niya.

Nakangiting umiling si Jiya. Nakakataba ng puso na may taong nag-alala sa kanya. Matagal na niya hindi 'to nararanasan.

"Okay lang ako. Kakausapin ko lang si Nissam."

Inalalayan siya ng kapatid pababa.

"Ji..." Nissam called her. He's sitting uncomfortably on the sofa.

"Nissam." Jiya seated across to him.

Tinanguan niya ang kapatid; gusto niyang mag-usap sila ni Nissam na silang dalawa lang.

"Kamusta ka na?"

"Nasaan ang anak ko?" diretsong niyang tanong. Ayaw niyang magpaligoy-ligoy pa.

Si Sander lang ang mahalaga sa kanya. Simula't sapul, ang anak niya ang mahalaga sa kahit anupaman dito sa mundo.

"Hin...d..di ko alam."

"Hindi mo alam? Matagal mo nang alam, Nissam, na nandito sila sa Pilipinas. Nakipagkita ka pa sa kanila."

His eyes widened. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig.

"Nagsinungaling ka sa akin! Alam mong matagal ko na silang hinahanap!"

"Hindi namin sila naabutan noong ni-raid namin ang bahay. Ik..kaw lang at 'yong dala..wang kano ang..." hindi na tinuloy ni Nissam ang sasabihin.

"Nasaan sila?! Saan dinala ni Gerard ang anak ko?!"

"Nasa Pilipinas pa sila, Ji. Walang nag-book ng flight na nakapangalan sa kanila."

"Gusto kong hanapin ang anak ko."

Si Sander. Ang matagal na niyang pangarap. Gusto niyang maranasan ang maging ina. Gusto niya humingi ng tawad dahil sa pag-iwan niya rito. Gusto niyang makasama ang anak niya.

"Tutulungan kita."

Tatlong araw ang pangungumbinse ni Jiya sa pamilya. Ayaw nila itong payagan na umalis. Ayaw nilang may mangyari sa kanya.

"Sasamahan kita," disedidong sabi ng Kuya niya.

"'Wag na Kuya, sasamahan naman ako ni Nissam."

"Ji..."

"Kuya, ayusin mo na ang papeles mo para sa barko."

"'Nak..."

"Nandito naman po si Nissam para samahan ako."

JIYA (COMPLETE)Where stories live. Discover now